Chapter2: Everything I do is bittersweet..

9 0 0
                                    

Lazey Apple Trinidad'sPOV
First day of school~
Monday
-8:00 AM-
"Attention all first year please proceed to your designated classrooms"
Sabi ng isang babaeng matinis na boses. Grabe nakaka alis ng tutuli .

Napatingin naman ako sa Sched ko.
Hmmm san ba tong Mr. Rueltes na to. Gusto ko man magtanong kaya lang tinatamad ako ee. Hmm siguro gagala na lang muna ako para mahanap tong si Mr. Rueltes.

Naglalakad ako habang kumakain ng tsokolate na binili nila Mommy para daw di ako nawawalan ng energy, alam kasi nilang eto ang isa sa bumubuhay sakin. I can't live without my precious! Kung sa Lord of the rings ang precious ni Smigle ee sing sing pwes ako tsokolate.

Siguro mga 10 minutes na kong naglalakad pero mukhang aabutin ako ng next week di ko parin mahahanap yung room na to! Pano ba naman dinaig pa MOA ng University na ito. Makes me wonder, pano kaya ako naka pasa sa exam nento?-.-

Lakad sa kaliwa.
Lakad sa kanan.
Lakad diretso.
Lakad pabalik, may aso ee-.-

Nagawa ko na ata lahat ng klase ng lakad!!!!

Habang pinagpapatuloy ko ang pag lalakad bigla akong tinamad.

Kaya naman nag hanap muna ako ng lugar na pwedeng upuan.

Bench spotted. Nah, may putik ee, mahirap mag laba lalo na at ako na ang maglalaba mag isa.

Canteen spotted.
Hmm seems like a nice place. Upo. Kain. Listen to music.

NP:Bittersweet by Panic! At the disco.

Habang kumakain ako ng chocolates ko may napansin akong mga tao sa gilid na side ng canteen mukhang may gingawa sila. Hmmm titignan ko ba o hindi?
Wait let me rephrase my question, hindi ko ba titignan o hindi ko talaga titignan? Well, leaves me with no choice. Wag ko nalang tignan baka antukin pa ko.

Patuloy parin ang pakikinig ko sa kanta ko ng biglang may lumapit sakin na kapreng lalaki. Tinignan ko siya at mukhang may sinasabi siya sakin, pero di ko naman siya naririnig naka headphones kaya ako at tinatamad ako makinig, tyaka isa pa entertaining kasi parang naglilip sync siya hahaha.

Nagtuloy tuloy lang siya at mukhang nagsisimula ng kumunot ang noo niya. Siguro ngayon lang niya narealize na sobrang lakas ng music ko.
Ako naman tuloy tuloy lang ako sa pag kain ng chocolate at sa pag kinig sa paulit ulit na di nakakasawang Bittersweet.

Bigla na lang ako na alert ng bigla siyang lumapit sakin at pinaling paling ang ulo niya para bang iniiscan ng mukha niya ang mukha ko, well anyway na alert lang ako pero patuloy lang ang pagkain ko ng chocolate.

Napansin kong tinignan niya yung tsokolate ko. Hindi naman ako madamot kaya kumuha ako ng isa at ini abot sakanya pero imbis na kunin niya bigla niyang inangat ang mukha niya sa pagkakascan sakin at tinitigan niya yung tsokolate sa kamay ko. After ilang seconds na gets na niya ata na binibigyan ko siya kaya aabutin na niya sana, kaya lang pinalo ko yung kamay niya. Ang dumi kasi ee, dapat ang tsokolate ay ginagalang at inaalagaan. Dahil na awa naman ako sakanya dahil kanina nakita ko na tinignan niya ang mga tsokolate ko, tumuntong ako sa inuupuan ko kasi masyado siyang matangkad at isinubo ko yung tsokolate sa kanya. Tyaka ko isinabit sa leeg yung headphones ko.

"Masamang kumakain ng madumi ang mga kamay. " sabi ko sabay pat sa ulo niya. Ganun kasi palagi gingawa ko sa kapatid ko kapag madumi ang kamay niya at nagugutom siya. Napansin ko naman na namula siya. Hmm hindi naman ma anghang yung tsokolate ko ahh. -3-

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko at agad ako binungadan ng relos kong itim, hay mukhang late na ko sa klase ni Mr. Rueltes at vacant na ang 9 o'clock ko hanggang 1.

A girl from WeirdtopiaWhere stories live. Discover now