"You can pay me by winning the semifinals," sabi niya.

Napatingin ulit ako kay number eleven. Nakangiti siya habang nakatingin din sa 'kin kaya medyo nawala ulit ako sa focus. Ano ba iyan, Kai! Umayos ka! Parang first time magkagusto, a?

Tumikhim ako. "Grabe. Parang sinabi mo na rin na hindi na talaga kita mababayaran. Napanood mo iyong game, 'di ba? Hirap na hirap kami sa school mo."

Nakita ko kung paano lumambot ang facial expression ni number eleven na agad sinundan ng malakas na pagtibok ng puso ko.

"Kai," tawag niya sa 'kin. "You've been training really hard for this. I know you can do it. I've seen you guys play and you're really good. You're actually better than you think. Just always keep in mind to execute the game plan and the reminders from your coaches. Yes, there will be a lot of pressure but don't forget to enjoy while playing."

Grabe...

Posible pa talaga iyon, 'no?

Iyong mas lalo kang mahulog sa isang tao?

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni number eleven. Nakatingin lang din siya sa 'kin at para na akong aatakehin sa puso nang ngumiti siya.

Shit... iyon na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko.

"But no matter what happens, win or lose, I'm always here cheering and rooting for you, okay?"

Tangina.

Parang... parang gusto ko nang umamin sa kaniya.

Aamin na ba ako?

Pero paano kung biglang... magalit siya? Paano kung hindi na niya ako kausapin pagkatapos? Paano kung... mandiri siya sa 'kin?

Doon na ako nag-iwas ng tingin. Tsk. Iyon lang pala ang kailangan kong ipasok sa isip ko para lang mabalik ulit ako sa reality. Kita ko na iyong rainbow kanina, e. Kaso kumulimlim tapos biglang umulan.

Sa ice cream ko tinutok ang atensyon ko.

"Lagot ka talaga sa mga teammates mo kapag nalaman nilang kami ang chini-cheer mo."

Ewan ko pero parang nasabi ko na yata iyon sa kaniya dati? Hindi ko lang matandaan.

"I already told you before, right? Mas lagot ako kapag hindi ikaw ang ichi-cheer ko."

Nagkatinginan ulit kami. Ngumiti na naman siya at nahulog na naman ako.

Déjà vu.

"Guys, do-or-die na 'to! Kapag natalo tayo rito, wala nang kasunod. Ilaban na natin para sa game 3 ha? 'Wag nating hahayaang makapuntos sila nang mabilis. Dapat pagtrabahuan nila iyon, maliwanag?"

Sobrang daming tao ngayon dito sa arena para sa game 2 ng semifinals. Halos hindi na namin marinig si coach dahil sa sigawan ng supporters ng dalawang school.

"Yes, coach!"

"Creston!"

"U!"

Kinakabahan na ako. Pagkatapos ng araw na 'to, dalawa lang ang magiging resulta. It's either aabante ang Westmore sa finals at makakalaban nila ang Easton na nanalo kanina against Northville or magkakaro'n ulit ang Creston ng isa pang pagkakataon para kami naman ang mag-finals this year's off-season tournament.

Tinawag na ang mga pangalan ng mga starters ng both schools. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin ang game. Sayang nga kasi hindi raw makakanood si number eleven. May class daw kasi siya.

Nag-huddle kami saglit ng team no'ng nasa court na kami. Kaunting reminders lang from Jerome.

"Basta enjoy lang natin 'to, a?"

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now