CHAPTER 15

499 9 0
                                    

Chapter 15: Car collection

“GUSTO mo bang makita ang mga collection ko, Trixie?” Napahinto sa pag-inom niya ng soda si Trixie nang marinig niya ang tanong ni Wade sa kanya.

Na kung gusto ba niya na makita ang collection nito, iyon siguro ang mga sasakyan.

Ngunit sa halip na sumagot siya ay nagtanong pa siya. “Puwede?”

“That’s why I’m asking you, Miss,” sabi nito.

“Baka kasi private lang talaga at ayaw mong ipakita sa iba, right?” aniya.

“Hindi kita tatanungin kung ayaw kong ipakita sa iba,” wika nito.

“Eh, kahit nga binili kong kotse sa iyo ay mas nauna pa pala si Railey pero ang sabi mo ay collection mo na ’yon. Tapos sa akin ang laki pa ng discount,” nakangusong sabi niya.

“Hmm, ewan ko lang kung bakit, Trixie. Pero baka ikaw talaga ang dapat na magmamay-ari no’n sa halip na ako. Anyway, huwag mo ng alalahanin pa ang kaibigan ko. May susunod pa naman at malaki rin ang discount.” Napangiti na lamang siya sa sinabi nito at napatingin sa mga kasamahan niya nang nasa kanila na ang buong atensyon ng mga ito.

“What?!” masungit na tanong niya at nag-iwas na lamang ito nang tingin. Samantala, si Wade naman ay malakas na napahalakhak siya dahil talagang tinatarayan niya ang mga staff niya. “Oh, ano naman ang nakatatawa, Esquivias?” nakataas ang kilay na tanong niya sa binata.

Pekeng umubo ito at marahan na hinaplos ang dibdib. “Gusto mong maging Esquivias, Miss?” tanong nito at tumulis naman ang mga labi niya.

“Hindi ko tatanggihan ’yan,” pabirong sagot niya at umawang ang bibig nito lalo na ng kindatan niya. “But seryoso ka ba ipapakita mo sa akin ang collection mo?”

“Yup.”

“Mayroon din ako. Kung gusto mo lang din naman, kahit na...hmm... Hindi mo yata magugustuhan, eh.”

“Try me, Miss,” saad nito.

“Sige na nga. Kailan?”

“After our lunch time, I guess?”

“Okay po.”

After ng break time na ibinigay ni Trixie sa mga tauhan niya ay bumalik din naman sila sa trabaho nila. Alam niyang nanonood ang magkaibigan kaya nakikita ng mga ito ang pagsigaw niya pero hindi na iyon mahalaga pa sa kanya.

Stress na stress lang talaga siya sa mga modelo niya kapag pumapalakpak talaga ang mga ito.

“Okay na ang pose ko, ’no Ms. Trixie?” tanong ni Solace sa kanya na may pabebeng tono pa sa boses nito. She rolled her eyes.

“Takot ka lang mapagalitan ko,” aniya at matamis na ngumiti lang ito sa kanya.

“Ask ko lang po, Ms. Trixie. Ano po ba ang status ninyo kay Mr. Esquivias? Ang pogi niya po kasi, eh. Actually crush ko siya, eh,” sabi nito at pinitik niya ang noo kaya napaigik ito sa sakit. “Ms. Trixie naman,” reklamo nito.

“Ikaw na ang susunod!” asik niya rito at napaigtad pa ito sa gulat.

“Curious lang kasi ako, Ms. Trixie. Kilala mo ba si Molly Allison?” Napukaw nito ang interes niya sa pangalan ng isang babaeng binanggit nito.

“Molly Allison? Sino naman ’yon?” interesado niyang tanong pero parang may naalala siya sa pangalan na iyon. Tila narinig na niya ito, sadyang hindi niya lang talaga maalala.

“Aksidente ko lang kasi nakita ang cellphone ni Molly Allison. Nakalimutan niya kasi i-off ang phone niya noong sabay kaming nag-shoot, tapos nakita ko ang isang picture nila uhm... Sure ako na si Wade Esquivias ’yon. Nasa isang beach resort sila. Nakayakap mula sa likuran niya si Wade at nakahalik sa pisngi niya habang kumukuha siya ng litrato. Ang sweet po nila, eh. Kaya naisip ko na baka may secret relationship sila. Alam mo naman ang mga modelo na katulad natin, Ms. Trixie,” mahabang kuwento nito. Bayolenteng napalunok siya dahil baka iyon na nga ang long-term girlfriend ng binata, na ngayon ay ex na lamang nito.

Love's Unlikely Muse (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat