CHAPTER 10

531 12 0
                                    

Chapter 10: Discount

TILA bumagal ang pagpitik ng oras at huminto sa pag-ikot ang mundo habang matiim na nakipagtitigan si Trixie sa binata, kay Wade na ngayon ay matamis ang pagkakangiti nito sa kanya.

Hindi niya akalain na kaya siya nitong ngitian ng ganitong katamis at malayo sa estranghero na nakilala niya kagabi, na punong-puno ng lungkot ang mga mata nito. Ngayon ay sobrang maaliwalas ang bukas ng mukha at parang hindi na ito malungkot pa.

Ganoon pa man, nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso niya. Ganito talaga ito kapag kaharap na niya ang binata na pangalan at edad lang ang alam niya.

Nabigla pa siya nang makita niya ulit ito at dito pa sa Esquivias Car Rental. Wait, Esquivias? Hindi ba iyon ang surname ni Wade Hansley?

Naputol ang titigan nila ni Wade nang may tumikhim at napatingin siya sa isang lalaki na katabi lang nito. Ito ang napagtanungan niya tungkol sa kotseng balak niyang bilhin ngayon.

Nag-init pa ang magkabilang pisngi niya dahil natitiyak siya na sinadya ng lalaking ito na putulin ang pakikipagtitigan niya rito. Baka kasi napansin nito na may kakaiba sa kanila ni Wade.

Kakaiba rin ang titig nito sa kanila, na parang naaaliw din sa kanila. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanila ni Wade.

“Esquivias? Ikaw ba ang owner ng car rental na ito, Mr. Wade?” pormal na tanong niya.

“Yes. May bibilhin ka, ’di ba? Napili mo na ang Ferrari na iyan?” tanong nito sabay turo sa kotseng nagustuhan niya. A white Ferrari.

“Oo. Ang alam ko ay limited edition ito at bihira lang talaga na nagkakaroon ng ganyan ang ibang car rental dito sa atin. Actually last year ko pa talagang binalak na bilhin ito pero sa ibang bansa lang puwedeng bilhin, eh. Pero nagulat ako na makikita ko pala rito at dito ko lang mahahanap ang dream car ko,” masayang saad niya.

“Pero Miss, display lang iyan at isa iyan sa mga collection ng kaibigan ko,” sabat ng lalaki at umawang ang bibig ko.

“Oh? Sorry, I thought kasi...” Parang nagkulay kamatis na ang pisngi niya dahil sa kahihiyan. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Alam naman kasi niya bihira lang ang mga ganitong sasakyan.

“No. Next month din naman ipadadala ang iba at ire-release namin iyan. Puwede mong bilhin iyan ngayon and I’ll give you a discount,” sabi ng binata sa kanya. Halos malaglag naman ang panga niya sa gulat. Maski nga ang kaibigan nito marahil ay nagulat din.

“Discount? Ang sabi mo sa akin kanina ay bawal---”

“Tumigil ka, Railey.” Napakamot sa kilay niya si Trixie dahil hindi nakatakas sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng dalawang lalaking kaharap niya ngayon.

“Uhm, I can wait naman next month,” sabi niya.

“Actually, display nga siya. A commercial para sa ire-release namin next month. Parang freebies lang iyan, dahil bigay sa amin ng company sa ibang bansa. Sinadyang ibigay sa amin ng libre dahil isa kami sa mabilis na mag-market ng mga sasakyan nila,” paliwanag pa sa kanya ni Wade.

Napatango siya at natutuwa siya na successful din pala ito na may magandang trabaho at negosyo. Pasok na sa standard ng parents niya. ‘Eckk, feeling mo naman Trixie ay magiging kayo? Kung makapagsabi ka naman na pasok na sa standard ng parents mo? Really, self?’

“But okay ka lang sa ’yo? Parang ang special ko naman,” nahihiyang saad niya. Marahan na umiling si Wade sa kanya.

“I feel guilty though. Kasi libre nga iyan para sa amin pero kailangan mo pang magbayad para lang talaga makuha mo ang Ferrari. Kaya bibigyan na lamang kita ng discount,” sabi nito at humanga siya sa pagiging mabait nito. Talagang genuine and pure heart ang mayroon ang lalaking ito.

Love's Unlikely Muse (COMPLETED)Where stories live. Discover now