Kabanata 5: Pagtagpo

4 6 0
                                    

Hanggang dito na lang ba matatapos 'tong araw na 'to? Sobrang boring dito sa panahon na 'to. Sa dinami dami ba naman kasi ng tao sa mundo ako pa talaga ang napili na papuntahin sa panahon na 'to.

50/50 ang nararamdaman ko. Medjo ayos lang kasi maraming chess players dito pero ang boring at nangt-threaten ang mga chess players dito kapag natatalo mo sila katulad ng naka laro ko kanina. Isa pa, kung nasa future ako, kinabukasan na ang match ko, first FIDE Match ko 'yon at isang Grandmaster ang makakalaban ko.

Pero lahat ng iyon ay wala na dahil sa bullshit na pangyayaring ito.

"Ate ang lalim naman ng iniisip mo, Marahil ay ang aking amigo Tolentino na ang iyong iniisip" mapang asar na wika ni Santino.

"What the hell," 'yung naka laro ko ng chess? Never. Gusto ko sa lalaki ay 'yung mas magaling pa mag chess sa akin hindi 'yung nangt-threaten sa akin kapag natalo ko siya.

"W-wat da hel? Anong wika na naman ba 'yang tinuran mo ate?" tanong ni Santino.

Sumasakit talaga ulo ko sa batang 'to.

"Ha? wala 'yon. 'Wag mo nang alalahanin" wika ko sabay ngiti.

Parang nakita ko na out of nowhere 'yung naka laro ko kanina. Around University na pinag aaralan ko but i can't remember talaga ehh.

"Binibining Catalina, nakalimutan ko po na ipa alala sa inyo na bukas na nga po pala ang dating ng inyong tiya Luzviminda upang sunduin kayo pabalik sa kumbento." Wika ni Maya.

Wait tama ba ang narinig ko? Kumbento? Yessss!! Sa pagkakaalam ko, duon nagtuturo ng mga kenemerut ang mga madre, nagtuturo din about sa religion.

"Ganoon ba? Sige Maya" wika ko sabay ngiti. Nagsimula na kaming maglakad lakad, hindi ko alam kung sana kami papunta, bahala na.

I remember noong bata ako, Pinangarap ko na maging Madre, until now pinaplano ko pa rin na ituloy 'yon ngunit dumating ang Chess sa buhay ko. Sabi ko kapag tapos kong maging grandmaster at matupad lahat ng pangarap ko, sisimulan ko na ang pag pasok sa kumbento. Eto na ata ang sign. Pero may mga bagay na pumipigil sa 'kin. Bahala na, mahaba pa naman ang oras.

Hindi ko namalayan na tumigil na pala sila Santino sa paglalakad.

"Nais raw po kayong alayan ng awitin ng aking Ate Catalina" sigaw ni Santino na nagpa pukaw sa atensyon ng lahat.

What.. Hindi ako marunong kumanta, guitar oo pero pag sing? Never! Out of tune 'yung boses ko kapag kumakanta ako, napipiyok at nawawalan ng boses.

Na alala ko tuloy noong grade school pa lamang ako, sinali ako ng lola ko sa singing contest sa school namin, sa mga panahon 'yon mataas pa ang kumpiyansa ko sa sarili dahil habang nagp-practice pa lamang ay sinasabi na ng taga saamin na ako na raw ang mananalo. Ngunit noong nag perform na, olats na kasi napiyok ako.

2 weeks din akong hindi naka pasok sa school at hindi naka labas sa kuwarto ko dahil sa sobrang hiya. Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko.

Shit! Nakatingin na silang lahat sa akin at 'yung kumakanta kanina sa entablado ay bumaba na. Sintunado pa naman ako. Pahamak talaga 'tong si Santino!

Umakyat na ako sa stage at kinuha 'yung acoustic guitar. Go Yeshua, isip ka ng kanta. isip isip! Napa sign of the cross naman ako Lord sana po maging maayos po ang performance ko

Sinimulan ko na ang pag awit ng kanta na 'di ko alam ang title. Basta favorite 'to nila Megumi.

'Tong alay kong harana, para sa dalagang
Walang kasingganda, amoy-rosas ang halimuyak
Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang
'Di hahayaang mawala pa

Ang Diary Ni LolaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt