"Huwag ka ngang feeling." Sabi ko at umirap kahit hindi naman niya nakita.

"Alright, alright." Aalisin ko na sana 'yong pag kakayakap ko sakaniya pero hinawakan niya 'yon. "Don't, you might fall." Sabi niya lang at binitawan na din.

Hindi ko na nagawa pang alisin kase bigla niyang pinatakbo ng pagkabilis itong motor niya. Wala na din akong choice kun'di ang kumapit sakaniya ng mahigpit.

Pag dating sa school isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya. Nakakatawa? Suntukin kk kaya lungs nito.

"HAHAHAHAHA I'M SORRY, MALALATE NA KASE TAYO HAHAHAHAHA" Napairap ako sakaniya at binalik sakaniya ang helmet niya.

Nag lakad na ako paalis. "Hey, wait up." Hindi ko na siya pinansin at nag tuloy tuloy na akong umalis.

Parang nag sisi akong sumama ako sakaniya, dapat pala nilakad ko nalang o kaya sumabit nalang ako sa jeep.

Buti nalang wala pa si Miss kaya medyo safe pero parang iniissue ata nila na mag kasama kami ni Manyak. Hindi ko naman dapat papansinin 'yon pero kase ang talim ng tingin nila sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinintay nalang na dumating si Miss.

"Tala." Tumabi ng upo sa akin si Rhya kaya napatingin ako sakaniya.

"Hmm?"

"Can I take you out for dinner later? Gusto ko lang bumawi sa nangyare nung isang araw." Medyo nagulat pa ako na inaya niya ako.

Ayaw kong bigyan ng meaning to pero lately napapaligiran ako ng mga bading. Isa pa, babae din fiance niya.

"Fiance mo talaga 'yong kahapon?" Tanong ko.

"Ahhh hindi. Feeling lang siya." Natawa ako sa sinabi niya. "So, will you go out with me?"

"Inaaya mo akong makipag date?" Tanong ko. Gusto ko lang siyang asarin, at gumana naman.

Namula agad mukha niya at umiwas siya ng tingin kaya natawa ako ng mahina. "Friendly date, tama?" Sumulyap siya sa akin at nahihiyang tumango.

Ang cute talaga niya, hindi siya nakakabwiset tignan eh.

"Osige." Pag payag ko kaya lumingon siya sa akin na parang gulat na gulat sa naging sagot ko.

"Really?" Hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat kaya medyo nagulat ako.

"Oo." Sagot sabay tumango na din.

"Yeyyyy!! Thankyouuuuu!!" Niyakap niya ako ng mabilis at bumalik na sa upuan niya.

________________

"Are you ready?" Tanong niya. Napatingin ako sa bike na gamit niya.

Nag kita kase kami dito sa karinderya kung saan kami unang nag kita. Yung bike niya may basket at upuan sa likod, ang lakas maka korean vibe ng bike niya.

"Oo naman." Hindi halata pero pangarap ko rin sumkay sa ganto, wala kase kaming bike eh.

Umupo na ako sa likod niya at kumapit na din. "Kapit ka ng mabuti ha?" Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero ang saya niya palang kasama. Nabubuhay 'yong inner child ko.

Kumakanta pa siya habang papunta kami sa kung saan. Ang ganda din ng boses niya 'di ko nga lang maintindihan kung ano 'yong kinakanta niya.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora