Chapter 1

3.2K 52 1
                                    

Zedechiah Aloisius D. Sarmiento POV

“P*tangina! Iyong blueprint ko, Zed!”

Rinding-rindi na ako sa boses nitong si Radiel. Kanina pa ako iniinis. Tinitingnan ko lang naman ang blueprint niya. Akala mo naman ay sinira ko na! Animal!

“Calm down, okay? It’s like I’m torturing you,” I said and rolled his blueprint.

“Punyeta, ‘wag mo ‘kong ma-english english, hoy! Nasa Pilipinas ka, hindi ka forinjir.”

“At tigilan mo ‘yang pagmumura mo. Ang sakit sa tainga,” reklamo ko bago iabot sa kaniya ang blueprint.

Para siyang napahinga nang maluwag nang makita niyang buhay na buhay pa ang kaniyang blueprint. Akala mo naman ay sisirain ko ‘yan! Mas maganda pa gawa ko riyan, e!

Well, we’re both engineering student. We’re currently in 4th year. Isa pang taon bago kami gumraduate pero ayos lang iyon, kaunting tiyaga na lang at makakatapos na rin sa mga schoolworks.

“Nga pala, naipasa mo na ba ‘yong portfolio kay Professor Adira?” tanong niya.

Inayos ko ang suot kong uniform at tumayo nang maayos. “Ako pa ba. Siyempre naman. Eh, ikaw? Hindi pa, ‘no? Kaya hihiramin mo sana iyong akin para makahingi ka ng idea—”

Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kaniyang kamay. “Dami mong sinasabi. Tapos na ako, hoy! Nauna pa nga ako sa ‘yo.”

Inis kong tinanggal ang kaniyang kamay. “Okay,” casual kong sabi sa kaniya.

Napabalik kaming lahat sa mga upuan namin dahil dumating na iyong isa naming professor sa major subject. Medyo takot kami sa kaniya dahil ibabagsak ka niya kapag may isa kang maling nagawa. Though hindi naman dapat ganun ay kinakailangan na lang din namin mag-behave para na rin makaiwas sa gulo.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na rin kami ng classroom para kumain dahil saktong lunch break na rin. Banas na banas pa ako rito kay Radiel dahil ang daming kinakausap kapag naglalakad kami. Akala mo naman ay kakandidato! Bawat makikita ay kilala niya o hindi kaya ay kilala siya.

Hindi ko alam kung saan ba niya nakukuha ang energy niyang ‘yan, e. Lalo na ang social battery niya. Kung ako ‘yan, ubos na ubos na ako.

“Hindi ka pa ba tapos?” tanong ko nang matapos siyang makipag-usap sa isa.

“Tapos na. Nagugutom na rin ako, e. Ganito talaga, bro kapag sikat ka sa campus.”

“Okay.”

Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Ayan ka na naman sa kaka-okay mo! Para kang nanay ko kapag nagcha-chat, okay, k, o hindi kaya like sign.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Eh, ano bang gusto mong i-react ko?”

“Nag-uusap tayo, Zed. Malamang sasakyan mo iyong sinabi ko.”

“Ang arte mo daig mo pa ang babae.”

“At ang cold mo para ka ring babae kahit walang ginagawa, apaka-OA. Hindi ko nga—”

“Ang ingay mo,” putol ko kaagad sa kaniyang sasabihin.

Dahil kapag pinatapos ko siya. Kung anu-ano ang sinasabi niya kahit wala naman na talagang ugnayan sa bawat sentence niya. Wala lang, gusto niya lang magsalita nang magsalita hanggang sa kung saan-saan na umiikot ang topic.

Ito naman ako at walang magawa kung hindi ang makinig lang sa kaniya. Nakaka-engganyo rin kasi minsan ang mga kwento niya, e. Tipong bawat colleges yata ay alam niya ang issue.

Concrete Barriers (Career series 4) | ✓Where stories live. Discover now