Pati iyong boses niya... bakit gano'n? Parang... ang sarap sa tenga? Parang ang lambing? Gano'n na ba talaga ang boses niya sa tuwing nag-uusap kami? At bakit pati iyon ay napapansin ko na rin? Ay, ewan!

"Uhm, wala," sagot ko kahit ang dami nang bumabagabag sa 'kin.

"Are you okay?" Pang-ilan na tanong niya na iyan ngayong araw.

"Yep."

"Want some music?"

"Uh, sige."

Hindi ko in-expect na iaabot niya sa 'kin iyong phone niya. Ako pa talaga iyong pinapapili niya ng kanta. Na-pressure tuloy ako. May feeling kasi ako na hindi kami pareho ng taste pagdating sa music.

May mga pinapakinggan pa naman ako minsan na considered as cringe at baduy na sa ibang tao.

"Zero zero one one," sabi ni number eleven.

"Ha?"

"My phone's passcode."

"Okay-"

Natigilan nga lang ako nang may ma-realize.

Hawak ko iyong phone ni number eleven!

Pero wait. E, ano naman? As if namang kakalikutin ko iyon. Music lang naman ang gagawin ko. Music lang! Nagsimula na akong i-enter iyong passcode niya nang may maisip na naman. Hindi ko na talaga alam sa utak ko pero what if... what if bigla kong makita na mag-message iyong Nica Guerrero?

Gago, Kaizen! Ano iyang pinag-iisip mo?! Paano napasok si Nica Guerrero? Isa pa, ano naman kung mag-message iyong tao kay number eleven? Mag-friends sila sabi nitong isa, 'di ba?

E, kayo ba?

Friends na ba kayo ni ni number eleven?

Friends... lang ba sa part mo, Kai?

Kinilabutan ako. Shit naman talaga, Kaizen! Badtrip ka! Itigil mo na iyan, please. 'Wag ka na mag-overthink! Humanap ka ng distraction!

"Uh, pwede radyo na lang?" Sabi ko saka nilagay sa compartment iyong phone niya. "Na-miss ko makinig ng mga commercial sa radyo, e."

Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko sa palusot kong iyon pero wala na, e. Nasabi ko na.

Bahagyang nagsalubong iyong mga kilay ni number eleven pero tumango naman siya. "Sure," sagot niya saka binuksan na iyong radyo.

Iyon nga lang, muntik na akong magmura nang marinig iyong kanta. Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling daw! Nilipat ko agad iyong station. Parang nang-aasar pa, e!

Malayo pa ba kami sa dorm? Mas gusto kong do'n na lang mag-overthink kaysa rito sa tabi ng taong ino-overthink ko. Kailangan ko talaga ng distraction.

Kunwari akong humikab. Magkukunwari na lang akong inaantok. Buti na lang ay nakaramdam si number eleven kaya pinatulog niya muna ako. Gigisingin na lang daw niya ako kapag nakarating na kami sa dorm.

Alam ko namang mahirap magpanggap na tulog pero wala namang nagsabi sa 'kin na mas mahirap pala na magpanggap na kagigising mo lang. Hindi ko tuloy alam kung saan ko huhugutin iyong acting na hindi magmumukhang tanga.

May nalalaman pa akong paghikab at pagpunas ng luha no'ng ginising na ako ni number eleven. Parang gago lang, e.

"Sorry kung natulog ako," sabi ko pa. Pero totoo namang guilty ako na tinulugan ko siya, 'no. Kung wala naman akong mga naiisip na kung ano, hindi ko iyon gagawin kasi nakakahiya. Emergency lang talaga.

Ngumiti si number eleven.

Sa mata niya ang tingin, Kai!

"It's okay," aniya at ginulo na naman ang buhok ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko kasi iyon na naman iyong kuryente. "Thank you for today, Kai."

"T-Thank you rin dito," sabay taas ko ng wala nang laman na lagayan ng fruit tea ko.

"No problem. Good luck on your upcoming games."

"Thank you. Good luck din sa Westmore. Sana teams natin ang magkita sa finals."

Tumango siya. "See you sa games? I'll watch live if I don't have classes."

Kahit 'wag na muna number eleven! Pero syempre hindi ko iyon sasabihin.

Dahan-dahan akong tumango. "Okay."

"Okay."

"Uh, ingat ka pauwi."

"I'll message you when I get home."

"S-sige. Ingat ulit."

Lumabas na ako ng sasakyan niya. Hindi na muna ako pumasok agad. Plano ko kasing hintayin siyang makaalis muna pero sana ay hindi ko na lang ginawa iyon kasi bago siya umalis ay pinakita na naman niya sa 'kin iyong smile niyang... tsk.

Awa na lang talaga, Lord.

"Si Alejo iyon, a?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi ko si Jerome. Iyong totoo, sa'n galing 'to? Hindi ko siya namalayan!

Umiling lang ako sa kaniya saka na ako pumasok sa compound. Pero syempre, ang makulit minsan na si Jerome ay sinundan ako.

"Magkasama kayo? Siya ang kinita mo, Kai?"

"Hindi," simpleng sagot ko.

"Bakit magkasama kayo? Close kayo? Kailan pa?"

"Nadaanan niya lang ako tapos sinabay pauwi."

"Totoo?"

"Oo nga!"

"E, saan ka pala nagpunta?"

"Diyan lang."

"Grabe ka Kai! Tayong dalawa lang nandito tapos masikreto ka pa."

"Ang kulit mo, cap."

Buti na lang ay tinantanan na ako ni Jerome. Tinignan niya lang ako at pinaningkitan ng mata pero hindi ko na lang pinansin.

Wala rin naman siyang mapapala sa 'kin kahit ano pang tanong niya. Pero bakit ba hindi ko na lang ikwento na magkasama nga kami ni number eleven? Wala namang mali ro'n, a? Wala naman kaming ibang ginawa. Kumain lang. Nag-coffee shop. Nilibre ang isa't isa. Ginagawa ko rin naman iyon sa iba kong teammates.

Ay, ewan. Ang dami ko nang iniisip. Ayoko nang dagdagan pa.

Naligo lang ako ulit saka sumampa sa kama para sana umidlip muna. Buti na nga lang din ay ako lang ang tao rito sa kwarto namin kaya pwede kong gawing lumpia ang sarili gamit ang kumot habang nagpapaantok.

Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog. Ang daming bagay ang tumatakbo ngayon sa isip ko. Mga tanong na... alam ko naman na ang sagot.

Hindi ko lang talaga ina-acknowledge.

Hindi ko lang inaamin sa sarili ko pero alam ko naman na talaga kung ano.

Napatingin ako sa cellphone ko. Naalala ko iyong sinabi ni number eleven na magme-message daw siya kapag nakabalik na siya sa dorm nila.

At pagcheck ko sa IG, may DM nga siya.

roenalejo11: Dorm 🙂

Shit... pati ba naman sa emoji, may something din akong naramdaman?! Tsk. Confirmed. Iba na nga talaga 'to.

Hinagis ko kung saan iyong phone ko saka nagpagulong-gulong habang mabilis na tumitibok ang puso ko.

Sabi na, e. Kailangan ko lang talaga makauwi sa dorm namin para makumpirma iyon. Kailangan pala na wala si number eleven sa tabi ko.

Huminga ako nang malalim. Pinapakalma ang sarili pero walang nangyayari. Mas lalo lang kumakabog ang dibdib ko kapag naiisip na... gusto ko siya.

May gusto ako kay number eleven.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now