"If you're free, we can go here nang naka-motor."

"Hindi ako marunong mag-motor."

"What I mean is, you'll ride with me."

Nabalik ang tingin ko kay number eleven. Iyon nga lang, hindi nakatakas sa 'kin iyong pamumula ng tenga niya. And for some reason, naramdaman ko na naman iyong something.

Pero hindi ko na lang pinansin.

"Hindi yata ako marunong umangkas? Actually, hindi ko pa nasusubukan umangkas sa motor."

"Really?"

"Really."

"I think it's time for you to try."

"I think parang mas okay kung naka-sasakyan na lang tayo. Ako na bahala sa gas at pagkain natin."

Tumawa si number eleven. Natawa na rin ako pero seryoso ako ro'n. Kahit lumaki ako sa lugar na puro liko ang daan, nakakatakot pa rin mag-motor papunta rito sa Tanay, 'no. Ang daming blind curves kaya kahit nakaka-excite sana iyong idea niya at kahit gaano pa siya kagaling mag-motor, e, mas maganda nang safe.

"Oo nga pala," sabi ko no'ng tawagin namin iyong waiter pero sinenyasan kaming wait lang daw. "Order ka lang ha? 'Wag ka mahihiya. Treat ko. Pero 'wag naman iyong wala na akong pamasahe pabalik ng dorm."

And for the nth time, ngumiti si number eleven. Tsk. Iyon na naman... Tinatagan ko iyong sarili ko sa ngiti na iyon. Kunwari... walang epekto.

"Don't worry. I'll drive you in front of your dorm."

"Salamat."

"But are you sure you don't want me to treat you instead? You won against my school-"

"'Wag na makulit, MVP," putol ko sa kaniya. "Treat ko 'to. Nakarami na akong libre sa 'yo, e. Basta, order ka lang diyan. Ipaalala mo rin pala iyong bayad ko sa iced coffee kanina."

"No. The coffee is-"

"Hep! Hep! Babayaran ko nga iyon."

Umawang ang labi niya at napailing na lang habang pangiti-ngiti na naman. Tapos namumula na naman iyong mga tenga niya.

Natawa tuloy ako. Makikipagtalo pa, e.

Dumating na iyong waiter at kinuha na iyong order namin. Pasta at bottled water lang ang in-order ni number eleven kaya dinagdagan ko agad iyon ng pizza at salad. Buti na lang ay hindi na siya nagreklamo kasi hindi niya ako mapipigilan.

Sinamahan ko ng salad kasi mukha siya iyong tipo na healthy living. Kita naman sa katawan niya. Magji-gym na talaga ako. Nahiya iyong braso ko sa braso niya, e.

Naalala ko tuloy iyong meme na nakita ko tungkol sa biceps. May picture do'n ng lalaki na may malaking braso tapos nagtatanong iyong nag-post kung nanghe-headlock daw ba iyon.

Napatingin ulit ako sa braso ni number eleven.

Grabe. Hindi ko ma-imagine na maiipit iyong leeg ko ro'n. Nakakatakot. Ayoko rin namang mamatay na ang cause of death ko ay na-headlock po ang biktima.

Maya-maya lang din ay dumating na iyong order namin. Ang bilis! 4 stars 'to sa 'kin. 5 stars kung masarap iyong food.

"How's Baguio by the way?" Tanong ni number eleven no'ng nag-uumpisa na kaming kumain.

"Baguio?" Tanong ko sabay subo ng in-order kong chicken katsu with rice. At official nang 5 stars ang rating ko sa restaurant na 'to kasi masarap iyon. "Ah, no'ng umuwi ako last time?" Tumango si number eleven. "Gano'n pa rin. Malamig. Maraming turista."

"Nando'n iyong family mo?"

"Mama ko pati iyong tita ko. Iyong papa ko, nasa Canada. Nurse siya ro'n."

"I see," tumango siya. "Do you have siblings?"

"Only child ako. Ikaw ba?"

"I have an older sister."

"Gusto ko rin magkaro'n ng ate. Ano feeling?"

Natawa siya. "Trust me. You don't want to have an older sister."

"Talaga? Para kasing masarap may kaagaw ng almusal sa umaga. Alam mo iyon?" Umiling lang si number eleven. Kung sabagay. Hindi naman niya kasi alam kung ano feeling ng nag-iisang anak kaya nag-decide akong ibalik sa Baguio ang topic. "Pero nakapunta ka naman na siguro ng Baguio, 'no?"

"Once."

"Once lang? Hindi nga?"

"Yeah. Back when I was in high school. We only stayed there for 2 days so I was unable to explore the whole city."

"Naku, sign na 'to para mag-Baguio ka ulit. Favorite recovery food mo ang sinigang, 'di ba? Try mo iyong strawberry sinigang 'pag pumunta ka. Favorite ko iyon."

Kumunot ang noo niya. "Strawberry... sinigang?"

"Uy, merong gano'n. Masarap iyong recipe ng mama ko. Narinig mo naman na siguro iyong watermelon sinigang, 'di ba? Parang gano'n lang iyon pero strawberry iyong pampaasim."

"Wait, there's watermelon sinigang?"

Hindi ko napigilang matawa sa hitsura ng mukha ni number eleven. Pinaghalong naguguluhan at na-a-amaze sa mga bago niyang nalaman. Nai-imagine ko na iyong mukha niya kapag na-discover pa niya na nag-e-exist ang fried chicken sinigang.

"Meron. 'Wag mo i-judge hangga't 'di mo pa natitikman. Kaya ano pang hinihintay mo? Byahe na! Baguio na!"

Nagtunog tourism officer ako tapos sinamahan ko pa iyon ng pagsenyas ng kamay. Natatawa na lang ako sa sarili kong kalokohan. Kaso si MVP... nakatingin lang sa 'kin. Hindi yata na-gets iyong joke ko. Natigil tuloy ako sa pagtawa. Basag trip din 'to, e.

Tumikhim ako. "Basta, mag-Baguio ka na, MVP. Iyon ang pinaka-point."

"Hmm..." tumango siya tapos bigla siyang ngumiti. "Will you be my tour guide then?"

Nagkatinginan ulit kami.

Sinabayan iyon ng malakas na pag-ihip ng hangin.

Shit... pinakita na naman niya iyong signature smile niya. Hindi ako nakailag. Hindi ko na tuloy magawang mag-iwas ng tingin lalo na ro'n sa...

Ang pula pala ng labi niya-

Gago, Kaizen? Umayos ka!

Pero wala na. Unti-unti ko na ulit nararamdaman iyong... something.

"Kai?"

"H-ha?"

Napakurap ako. Kung hindi ko pa narinig na tinawag niya iyong pangalan ko, hindi pa ako maaalis do'n sa... ay ewan!

"Are you okay?"

"O-Oo! Okay ako!" Tumikhim ako at umayos ng upo. Mabilis din akong uminom ng tubig. "Ano nga ulit iyon? Tour guide? Ah! Nalibot ko na lahat do'n, e. Pero, ano, sige. Uh, tour kita kapag, ano, nadayo ka ro'n."

Hindi agad sumagot si number eleven. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nakakunot ang noo pero inabala ko na lang ang sarili sa pagkain.

Shit. Nasusuka pa yata ako.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now