CHAPTER XIII

389 20 2
                                    

"Walang uuwing 'di lasing!"

Yun agad ang bunggad ni Maleiah pagkatapos umorder ng tig-iisang bucket ng smirnoff, san mig, corona at heineken. Gulat lang namin siya tinitigan. Does she expect us to finish this all?!

"Mavy, do you want us to die??" Hindi makapaniwalang tanong ni Asher. Tumawa lang naman ang gaga tila gusto talaga kami patayin. "Ano ka ba, Ash! Simula pa lang 'yan!" Asher and I's mouth went agap.

Samantalang silang dalawa ni Asp ay excited na excited na uminom. Saaming apat talaga ay silang dalawa ang pala-inom. Samantalang kami naman ni Ash ang palaging designated driver nang dalawang 'to.

"Wait lang, kulang to ah?" Sakto naman na pagsabi non ni Mavy ay may bumalik na server na may buhat na hennessy. "Nice ka 'ya!" Nginitian ng malawak ni Mavy yung server at kinuha ang bote.

"M-ma'am sigurado po ba kayo i-inumin niyo po lahat 'yan?" Nag aalalang tanong ni kuya ngunit matapang lang siya tinignan ni Mavy at tumayo pa.

"Kaya! kahit 1v1 pa tayo, kuya!" Mayabang na paghahamon ni Maleiah. Napakamot na lang ng batok si Kuya at tumalikod na.

"Grabe, pinamukha mo talaga kay kuya kung gaano ka kaproblemado ngayon ah." Sabi ko habang naiilang na tinignan ang mga bote ng alak sa harapan ko. Tinaasan lang ako ni Maleiah ng gitnang daliri at sinumulang buksan ang mga bote.

"Less talking, more drinking." She said as she handed us a bottle each.

"Sabi nga ni Pitbull, life is not a waste of time and time is not a waste of life, so let's stop wasting time, get wasted and have the time of our lives!"

"The holy words from an alcoholic!" Sabi ni Asp habang inangat niya ang bote niya sa ere. "Cheers my ladies!" We all raised a toast. I can't and don't believe I am friends with these two idiots in front of me.

While the two drank their bottles in one go. Ash and I was just drinking quietly next to them while thinking our life choices through.
"Why did we join them again?" Bungad sa akin ni Asher.

I shrugged. "I got dragged into this." I answered while Ash just sighed and finished drinking her bottle. I looked at her surprised. Kalahati pa nga lang sakin tapos naubos niya na agad sa kaniya? "May problema ka 'rin ba?" I asked.

She gave me a downward smile and shrugged as she grab a new bottle. "Wag mo gayahin yung dalawa, konti lang inumin mo." I said worriedly.

Ngumiti lang siya sa akin at mahinahon na tinapik ako sa balikat. "Relax Harvs, im not gaya-ing them." Konyong saad ni Ash habang may halo pang accent. Sosyal naman neto, hindi naman halatang foreigner 'no?

Napatawa na lang ako sa sinabi niya at kumuha na 'rin ng bagong bote dahil naubos ko na sa wakas yung sa akin. "Hoy! bagal niyo! nasa pang apat na kami ni Mavy oh!" Biglang sinabi ni Asp habang tinuturo yung tig-tatlong bote na naubos na nilang dalawa.

"Neveah, slow down." Her twin said seriously. Nag peace sign lang si Asp despite na tinawag na nga siya sa second name niya. Gusto ata mamatay neto ng maaga. "Chill lang, sis! the night is young!"

Tinaasan lang siya ng kilay ni Ash. "Your liver says otherwise." Umasim naman ang mukha ni Asp at inirapan na lang ang sinabi ng kambal niya.

"Stop englishing, Ash." Tinuro naman siya ni Maleiah. Litong tinignan naman siya ni Asher. "Nasa Pinas tayo, ante." Pagkatapos sabihin ito ni Mavy ay umirap naman si Ash. "Dami mong dada, Maleiah." Pang bara ni Ash.

"Ang galing, gago! pag galing talaga sayo ang angas pakinggan!" Tawang tawang sagot ni Mavy. Natawa na lang 'din kami kase amusing naman talaga pag nag tatagalog si Ash. Kumpera kasi sa kambal niya ay hindi siya gaano kasanay mag tagalog. Kaya medyo barok barok pa tagalog niya. Which we don't hate, we even find it cute.

Not So Bad Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin