CHAPTER : VIII

408 24 1
                                    

HARVEY'S POV

Ilang minuto bago ako makadating sa building nila. Hindi na 'rin naman ako naliligaw dito kaya't dumiretso na ako sa room nila Mavy.

Sakto ngang pag-abot ko ay na 'roon si Mavy nakaupo sa pinaka sulok nang room. Mukhang busy siya sa cellphone niya at hindi nadarama ang presensya ko 'rito.

Pumasok ako sa loob at binali-wala ang mga titig ng iba niyang mga kaklase sa akin at dumiretsong umupo sa tabi ni Mavy. Umangat naman ang tingin neto at akma sanang papaalisin ako pero nakilala naman niya agad ako.

"Akala ko naman kung sino umupo." Nilapag ko ang bag ko sa gilid ko at hinarap si Mavy. "Anong akala mo? si Gene—" Hindi ko pa natapos ang sinasabi ko ay biglaan tinakpan ni Mavy ang tenga niya.

"Lalalala, wala ako marinig." Parang bata niyang usal. Natatawang napairap naman ako at hinayaan siya. "Teka nga, ano gagawin mo 'rito?"

Nagkibit-balikat ako. Kase kahit ako ay hindi ko 'rin alam gagawin ko sa building nila. "Tatambay?" hindi ko siguradong saad. Bigla naman kumunot-noo niya.

"Ha? edi bakit ngayon mo lang naisipan sayangin vacant mo dito?" Takang tanong niya sa akin. Sasagutin ko na sana siya nang may biglaan kaming narinig na kalabog.

Tinuon ko ang atensyon ko sa harap at nakita na nga ang kanina ko pang gusto makita. Nilibot nito ang mataray niyang mata sa classroom at napahinto nang mag tamaan kami ng tingin.

I gave a small smirk sa nakakunot niyang tingin sa akin. Inirapan lang niya ako at binalik ang atensyon sa harap ng klase. "Ahh... kaya pala, gets."

I looked back at Mavy to see her grinning playfully at me. "Ha? Pinagsasabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nanatili ang mapaglarong ngiti neto.

"Si Ms. Avellino rason 'no?" Ngumisi siya lalo at sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi 'no." Pag de-deny ko at inirapan ko siya. Tahimik siyang napatawa.

"Oh my god, you fancy her??" Natatawa niya paring tanong sa akin. Mas lalo ko naman siyang sinamaan ng tingin. "I don't 'fancy' her, Mavy! Hindi ko siya type 'no." Pa bulong kong pahayag dahil pinag titignan na kami ng ibang tao 'rito.

Way too out of my league si dragon. I admit, siya ata pinaka magandang babae nakita ko in a while o puwede na 'rin sa buong buhay ko. Pero ang ugali niya, jusko. Feeling ko minu-minuto na kasama ko siya ay gusto na niya na agad ako patayin.

"Sana talaga wag mo kainin yang sinasabi mo." Saad niya at nag bigay ng makahulugan na ngiti. Ibuking ko 'to kay Genesis 'eh, sarap itapon.

Nakuha lamang ni Ms. Brat ang atensyon ko pero hindi porque nasa kaniya ang atensyon ko ay ibig sabihin na ay gusto ko siya. Oo, gusto ko siya—— gusto ko siyang galit galitin. It's amusing.

Her angry blue orbs always seems to amaze me instead of making me scared. Siguro kaya ito ang rason kung bakit doon nabaling ang atensyon ko these past few days.

"That is enough talking! Shut your traps!" Narinig ko naman ang galit netong boses kaya medyo napatalon 'rin ako sa lakas. Bakit kase biglaan nasigaw?

"Who can tell me about——"

Hindi ko na ito pinakinggan dahil wala hindi ko naman ito course. Nilabas ko na lang aking maliit na notebook at lapis ko.

Habang patuloy ito nag sasalita at nag tuturo ay hindi ko na namalayan ang labi na pala neto ang skine-sketch ko. Bahagyang namula pa ako nang ma-realize ko ang pinag gagawa ko.

"Sus, hindi daw type." Narinig kong sarkastikong bumubulong sa kawalan si Mavy at tinapunan ko naman ito ng masamang tingin at inirapan.

"Napaka detalye naman ng labi na yan, hahalikan mo ba pagka tapos?" Napaawang ako sa sinabi ni Mavy at hinampas ito gamit ang notebook na hawak ko.

Not So Bad Where stories live. Discover now