Napalingon kaming lahat sa biglang nagsalita sa may pintuan.....

Si Dane at magulo ang buhok at halatang kagagaling sa sa bakbakan.....

Bakbakan sa kama.....

At nasa likuran naman niya si Vale na pupungas pungas pa!

Kami tong mabaliw baliw na sa pag iisip sa lahat pero sila nag papakasaya sa isat isa!

Grabe.....

"Ah Dane,baka gusto niyo munang mag ayos?kase halatang galing kay--"

Hindi na naituloy ni Rhay ang sasabihin dahil agad na sinungalngal siya ni Sy....

"Sige,antayin niyo kami,may ipapakita ako sa inyo......."sagot naman niya at bumalik sa loob ng kwarto.....

"Kung titignan talaga malayong malayo siya sa Dane noon....
Yung mukha ganun parin naman pero mas masaya siya tignan noon,pero ngayon laging seryuso at hindi ko na mabasa ang bawat galaw niya..."sang ayon ako sa sinabi ni Sy....

Kung dati isang tingin ko lang sa kanya alam ko na ang iniisip niya,ngayon wala blangko.....

Nakakalungkot lang na dahil sa mga nangyare noon ay nag iba siya..

"Nakakamiss din yung dating Dane no?"biglang asik ni Sy na tila binabalikan ang nakaraan....

"Agree,the way she talks,yung walang paki alam sa nangyayare sa paligid niya.
Maarte,mataray,the Princess Dane we know 6 years ago..."naisatinig ko habang may ngiti sa labi......

Kung may naidulot man na maganda ang pag ka wala ng paningin at alaala ni Vale ito sigurp yun..

Dahil hindi niya nakikita at maalala ang babaeng minahal niya ng sobra noon ay ibang iba na ngayon......

"Tara na daw"

Bumalik ako sa ulirat dahil sa maliit na tinig na iyon...

Sabay sabay kaming napalingon sa maliit na bata sa gilid namin na nakangusong nakatingin samin at tila naiinip pa....

What the?

"Wait kasama ka?"takang tanong ni Rhay

"Ba! syempre anak ako eh,kayo nga bisita lang kasama ako hindi!?"

Napataas naman ang kilay ni Rhay...

Isa pa tong batang to!

Kala mo kaseng edad lang kami!

Kanino ba nang mana to,hindi naman ganito ang mga magulang niya ah...

Marahil ay dahil ganun si Dane ay nasanay na rin tong bata sa ugali ng nanay niya....

"Let's just go"nauna ng tumayo si Vy at basta nalang pinulot yung bata bago umalis,sumunod nalang kami...

Lumabas kami ng mansion at doon nag hihintay samin sina Dane at Vale...

"Tara sa likuran"seryusong anunsyo ni Dane ng makalapit kami...

Akay niya si Vale at sa gilid nila ay ang anak nila dahil binaba naman ito ni Vy kanina....

Nagtungo kami sa pinakalikod ng mansion kung saan nandun lahat ng tauhan at manggagawa ng buong Hacienda....

"Wag na kayong magulat kung ano man ang malalaman natin"biglang asik ni Sane....

"Yeah what ever it is"ani Sy...

Kung titignan ay para lang sila talagang tauhan dahil sa mga suot nila,long sleeves at naka sumbrero,butas butas pa yung iba.....

Tipikal na mga mag sasaka at manggagawa lang pero alam kong hindi lang sila ganun...

Hanggang sa makarating kami sa isang bahay na hindi kalakiham pero maganda...

The last heir Where stories live. Discover now