Chapter 47

55 6 1
                                    

"Ah i think they don't like my bait! bro! it's almost half an hour! walang nangyayare!?"

"Patience Sy"

"Ahm sigurado ba kayo dito sa ginagawa natin?"

"Just wait"

"Tulog na nga yang katabi mo eh"

"Hay nako pano tayo makakahuli? eh ang iingay niyo naman!"reklamo ng anak ko at nanlaki naman ang mga mata ng lima sa saway sa kanila ng bata....

"O-oh sorry"paumanhin agad ni Syrous at napapahiya naman yung apat....

Nakalinya kami dito sa may tabi ng palayan at may kanya kanyang pamingwit ng palaka..
Natatawa pa ko sa itsura nila dahil ang popormal ng mga suot nila...

Naka short si Vale at tshirt pero yung apat ay naka long sleeves dahil galing sila sa meeting at wala sialng dalang damit...

Pinagtitinginan narin sila dito dahil ibang iba talaga sila sa mga tao dito....

Ako ay nasa tabi ni Vale at inaalalayan siya,ako ang nagsisilbing mata niya sa ngayon...

"Galaw galawin mo tay"nakatingalang utos ni Dale sa ama..

"Sigurado ba kayo na may mahuhuli tayo dito"bulong sakin ni Vale..

"Meron yan mag antay ka lang"sagot ko naman at pinag mamasdan ang pamingwit niya....

"Wait i think there's something eating my bait"maya maya ay mahinang sabi ni Sane kaya napatingin kami sa pamingwit niya....

Suminyas naman yung tatlong katabi niya na iangat iyon..

"In the count of three"sabi niya pa at hindi talaga makapaniwala na may kumagat sa pain niya..

"Isa,dalawa,tatlo"at inangat niya ito ng bigla at meron nga at malaki pero ng makita niya ito ay nanlaki din ang mata niya at naihagis niya ito patungo sa direksyon ni Syrous!

"What the fuck!!!"sigaw nito ng saktong sa tapat ng mukha niya naihagis ni Sane ang palaka!

"Dakmain mo na!"sigaw naman ng anak ko

Dahil sa takot ay naihagis niya rin ito sa katabi na si Rhay at nag tatalon naman yung isa,takot na takot rin pala....

"Oh shit!"sigaw nito habang pinapampag ang damit..

"Hulihin niyo na!makakatakas pa eh!"excited na ani naman ni Dale....

"But how!"sabi naman ni Love at hindi alam ang gagawin...

"Dakmain niyo bilis!ayun na oh!"utos na naman ni Dale..

Agad naman na pinalibutan ng apat yung nag iisang palaka na nasa damuhan....

Natatawa ako sa mga itsura nila dahil halatang diring diri sila pero pinipigilan lang nila....

"I cant believe you want to eat this"nakangiwing sabi ni Syrous...

"Pag hindi niyo nahuli yan wala tayong ulam!"pananakot pa ng anak ko..

"Sino bang may sabing uulamin ko yan"nandidiring turo pa ni Rhay sa palaka na nasa damuhan...

"Hulihin niyo nalang"utos ni Vale kaya nagtindigan yung apat at hinarap yung palaka....

"Kung nakikita ko lang yan ako na gumawa"rinig kong bulong pa ni Vale kaya napatingin ako sa kanya...

"Pakiramdaman mo lang yang pamingwit mo,pag may humihila na iangat mo,ako na bahalang sumalo"sabi ko naman sa kanya..

"Lagi niyo ba tong ginagawa?"tanong niya

"Hmmm hindi naman,tuwing gusto lang ni Dale,at hinahatiran talaga siya ni Mang Silmo pero luto na yun,kaya nagtataka siya pano hinuhuli,hanggang sa sumama nalang siya,kaya nag ka interes siya sa ganito,masaya naman diba?"nakangiting sagot ko at napangiti rin siya

"Sayang at wala ako ng mga panahong kailangan niyo ko,I'm so sorry Dane,"dama ko ang lungkot niya habang sinasabi ang mga katagang iyon...

"Nagalit ako sayo noon,pero siguro ganun talaga ang buhay,puno ng pagsubok.
Pero nagpapasalamat parin ako dahil binigyan ako ng dahilan para lumaban.
Siya lang ang nag iisang dahilan bakit ako nagpatuloy noon Vale...."namuo ang luha ko habang pinagmamasdan ang anak ko na nakikipag habulan sa palaka kasama yung apat....

Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko....

"Gustong gusto kong bumalik ang mga alaala ko.Gusto kong maalala ka,dahil kahit nawala ka sa memorya ko nandito ka parin sa puso ko,ramdam na ramdam ko iyon.
Isa kang mabuting ina kay Dale,napalaki mo siya ng mabuti ng ikaw lang mag isa....
At ngayong kasama ko na kayo hindi ko na hahayaan na mawalay pa kayo sakin...."aniya habang hinahaplos ang pisngi ko na basa na ng luha.....

"Hindi mo naman ginusto ang lahat ng nangyari,biktima ka rin katulad namin"

Napabuntong hininga siya at napatitig nalang sa kawalan...

"It's unfair to you Dane,Dahil ako kahit bulag ako i can do what ever i want back then,it's just my vision anyway.
I can't remember anything from the past.
Pero ikaw tandang tanda mo lahat ng nangyare,lahat ng sakit at hirap.
Your a very strong women Dane.....
Im so sorry wala ako sa tabi mo sa mga panahong yun..."

Dama ko ang pagsisisi at sakit habang sinasabi niya iyon.

"Dahil may iniwan kang dahilan para lumaban ako"sabi ko habang nakatingin kay Dale na nakikipag habulan sa palaka...

Unti unti namang sumilay ang ngiti niya...

"Hindi ko na hahayaang mawala kayo sakin dahil kayo nalang ang nag sisilbing liwanag ko.
Babawi ako pangako yan"

Binigyan niya ako ng magaan na halik sa labi kaya sinuklian ko naman iyon....

Sa bawat dampi ng labi niya sa akin ay nagdudulot iyon ng kakaibang saya sa pakiramdam ko......

"Ayy!!kaya pala hindi kinakain yung pain niyo eh!kayo yung nag kakainan diyan!ano bayan anong uulamin natin niyan!"

Napahiwalay nalang kami dahil sa biglang nagsalitang bata sa gilid namin..

Pag tingin ko ay nakasimangot si Dale habang hawak hawak sa dalawang kamay ang palakang may mga damo damo pa...

Pahiyang pahiya kami ni Vale at nagkunwari nalang siyang naka fucos talaga sa pamingwit niya....

"Ikaw kase!"pabiro ko pang kinurot ang tagiliran niya pero parang wala lang sa kanya..

"Ituloy natin mamaya"bulong niya at napangisi pa!






"Isa,dalawa,tatlo,apat,lima,anim?napakakunti nito,hindi kase kayo marunong manghuli eh"reklamo ni Dale habang binibilang yung mga palakang nahuli namin..

"Eh anak hindi naman talaga sila marunong eh"sabi ko naman pero napanguso lang ito..

"Hmmp!ako lang kakain nito,maghanap kayo ng ulam niyo!"aniya sa apat na pawisan pa...

"Who said im gonna eat that thing"bulong ni Sy..

"Ngayon ko nga lang nalaman na pwede palang kainin yan?"segunda naman ni Rhay na diring diri kanina pa s mg palaka.

"Si Tatay at Nanay lang ang bibigyan ko blee!"pang aasar pa niya sa apat kaya natawa ako....

Hindi naman maipinta ang mukha ni Vale...

"No need baby,para lang sayo yan"aniya pero halatang ayaw rin sa palaka....

"Ayaw mo rin ba tay?"malungkot na sabi naman agad ni Dale..

"No!syempre gusto ko but ahm kunti lang kase yan kaya sayo nalang baby"naiilang na aniya sa anak...

Nakakatawa yung itsura niya....

"Masarap yan promise"bulong ko kay Vale..

"Kakain ako kung hindi pinahawak sakin kanina ni Dale"nakangiwing sagot niya naman..




The last heir Where stories live. Discover now