Chapter 28

108 4 2
                                    

Ganun nalang ba talaga yun...

Ang daming tanong na gumugulo sakin....

Habang nasa gitna ako ng pag iisip ng kung ano ano ay napansin kong mayat maya ang tingin sakin ng driver na pinasama sakin ni Lolo...

"ahm,may sasabihin po ba kayo?"magalang na tanong ko...

Kanina pa kase siya pasulyap sulyap sakin....

"Pasensya na po Ma'am,hindi lang po ako makapaniwala na nagbalik kayo"

"Kilala nyo po ba ko?"

Napangti siya dahil sa tanong ko...

"Mahigit 30 years na po akong naninilbihan sa pamilya nyo Ma'am."

Namangha ako sa narinig mula sa kanya...

Bihira ang ganung klaseng empleyado
masasabi kong sobrang loyal niya talaga sa pamilya namin.....

"Bata pa lamang ang iyong mga magulang ay naninilbihan na ko sa inyong angkan Ma'am"

"Pwede po bang wag nyo na kong tawagin na Ma'am?You can call me by my name"nakangiting ani ko...

"Alin po pa sa dalawa,kase po noong kayo ay bata pa lamang sanay namin kayong tawagin bilang Silver"mahahalata talaga ang paggalang sa tuno niya...

Kahit matanda na ito ay magalang parin siya,nakaka bilib lang...

"Kung san po kayo komportable"nakangiting sagot ko naman...

"Manang mana talaga kayo sa ina nyo.Bukod sa mag ka mukha kayo ng sobra ay pati ugali ay namana nyo rin."

"Pwede nyo po ba kung kwentuhan tungkol sa mga magulang ko?"tanong ko at napangiti naman siya....

"Noong kayo ay bata pa lamang ay doon kayo nakatira sa isang resort sa probinsya kung saan pag mamay-ari ng Lolo mo.
Sobrang mahal na mahal ng mommy Silver dahil ikaw lang ang nag iisang anak....
Laging naka bundot sayo ang mommy mo kahit san ka magpunta......
Kaya ng mawala ka ay nawala rin ang sigla at kasiyahan sa mommy mo.....
Walang araw na hindi siya naghanap..
Lahat ng paraan ay ginawa niya para makita ka pero hindi iyon pinagkaloob ng tadhana sa inyong dalawa......"

Kita ko ang lungkot ni manong habang nagkwekwento at damang dama ko ang emosyon niya....

Namuo ang luha ko habang ikwenikwento niya ang lahat......

Wala akong maalala sa mga kwenekwento niya pero bakit ramdam ko lahat....

Pakiramdam ko tuloy kulang na kulang ako....

Pero sa lahat ng kweninto niya ay nag tataka ako bakit lahat tungkol sa mommy ko?

"Ahmm...bakit po hindi nyo nababanggit ang Daddy ko?"

Kitang kita ko kung pano nag bago ang itsura niya ng banggitin ko iyon...

"Ang tungkol sa ama mo ay ang lolo mo na ang may karapatang magsabi sayo apo....."

Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa may naiisip akong itanong......

"Pano po ba ko nawala noon?"

"Labing isang taong gulang ka lamang noon Silver.....
Gabi noon ng makita ka ng guard na tumatakbong lumabas ng gate ng mansion,akala naman niya ay mag lalaro kalang kaya binaliwala niya iyon..
Dahil madalas ganun ang gawain mo noong bata ka.....
At kahit lumabas ka ay sigurado naman na walang mangyayari sayong masama dahil kilala ang pamilya nyo sa subdivision na pag mamay ari nyo rin kaya kampanti kami....
Pero ang hindi namin alam ay lumabas ka pala ng subdivision....
Hinanap ka ng lahat Silver......
Pero nakalipas ang mag damag pero hindi ka namin natagpuan....
Wala ring nakakita sayo na lumabas ka o ano.....
Walang natutulog sa mansion ninyo noon hanggat di ka nakikita....
Ginawa na nila lahat para mahanap ka lang...
Balitang balita ka noon, dahil sa kilala ang angkan nyo dito sa bansa at ikaw lang ang nag iisang nagapagmana ng pamilya nyo.....
Nag bigay din ng sobrang laking reward ang pamilya nyo sa kung sino man ang makahanap sayo pero nabigo silang makita ka.....
Noong nawala ka ay nawala narin ang sigla ng lolo mo at mommy mo....
Ang dating masayang mansion ay naging sobrang lungkot dahil sa pag ka wala mo Silver.."

The last heir Where stories live. Discover now