"Seatbelt, please."

"Ay, oo nga. Sorry," sabay suot ko ng seatbelt. "Ang ganda ng kotse mo. Ay, wait, sa 'yo 'to, 'no?"

Ngumiti si number eleven. "Yeah. Got this from my parents for my 18th birthday."

Napatango-tango ako. Rich kid talaga! No'ng nag-eighteen ako, sapatos ang regalo sa 'kin nina mama't papa, e.

"Ready to go?"

"Wait," sabi ko kasi medyo nabibilisan ako sa mga nangyayari. "Sa'n pala tayo pupunta?" Tanong ko kasi ang akala ko ay diyan lang kami sa malapit. Nag-assume na ako na sa malayo kami pupunta kasi para saan 'tong sasakyan niya kung sa kanto lang kami kakain?

"Tanay."

"Tanay? As in Tanay, Rizal?"

"Yes. Okay lang ba?"

"Okay na okay! Basta hindi Thailand."

Natawa si number eleven at nagsimula nang mag-drive. Sa totoo lang, na-excite ako. Hindi ko na lang masyadong pinahalata kasi baka isipin ni number eleven na ang ignorante ko masyado.

Actually, first time kong makakapunta sa Tanay. Ang tagal ko na ring gustong pumunta ro'n pero hindi lang matuluy-tuloy kasi busy at wala ring kasama. Ang dami ko kasing napapanood na mga vlogs tungkol sa do'n lalo na iyong mga overlooking views at kainan. Pero syempre, wala pa ring tatalo sa Baguio.

Nilingon ko si number eleven na nakatingin ngayon sa kalsada. Buti na lang talaga ay maayos ang damit ko ngayon. Paano ba naman kasi, ang lakas na naman ng dating niya sa suot niyang white polo shirt. Ang linis niya tignan tapos binagayan pa iyon ng clean cut niyang buhok.

Nakaka-intimidate sa totoo lang.

Napatagal yata ang tingin ko sa kaniya kaya lumingon siya sa 'kin. Saglit nga lang kasi nagda-drive siya. Napansin ko ring namula iyong tenga niya. Baka nilalamig?

"Magkano pala 'to?" Inunahan ko na siyang magsalita.

"Hmm?"

"Itong iced coffee. Magkano?"

"Oh. It's okay."

"Anong okay? E, 'di ba ako ang taya ngayon? Mag-aambag din ako sa gas. Malayo ang Tanay, 'di ba?"

Natawa siya saka ako nilingon.

"Kai, just relax, okay?"

Pero hindi ako natinag sa kaniya. Ilang minuto rin yata kaming nagtalo kung sino ang manlilibre. Pasalamat talaga 'tong si number eleven at hindi pa gano'n kakapal ang mukha ko. Sa huli, ako ang nanalo.

"Congratulations again on your win," sabi niya nang huminto kami sa red light.

Napangiti ako nang malaki. "Salamat. Buti hindi ka galit."

Kumunot ang noo niya. "Why would I be mad?"

"Kasi natalo iyong school mo?"

"It's alright. Losing is part of the game. Besides, I was actually rooting for you to win so..." nagkibit balikat siya.

Natawa ako pero at the same, e, natuwa na malamang kami ang gusto niya manalo. Coming from MVP iyon, a! O baka sinasabi niya lang iyon kasi kasama niya ako ngayon.

"Totoo?"

"Yeah," tumango siya na para bang proud siya sa sinabi niya.

"O sinasabi mo lang iyan kasi ililibre kita?"

"No. Really. I wanted you to win," sagot niya saka ako nilingon. Nagkatinginan kami. "I always want you to win, Kai."

Unti-unting nawala iyong ngiti ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba iyon pero may kung ano sa mga mata niya nang magtama ang tingin namin. Seryoso lang naman siyang nakatingin sa 'kin pero... may iba, e.

Iyon na naman iyong... hindi ko ma-explain.

Parang... no'ng sinabi niya na pwede naman daw kaming magkita kahit anong oras ko gusto... na for some reason ay hindi na nawala sa isip ko. Hindi ko lang masyadong iniisip kasi... para saan?

Buti na lang ay nag-green light na kaya nagkaroon ako ng excuse na pasimpleng mag-iwas ng tingin. Umandar ulit kami at nilipat ko ang mga mata ko sa labas. Napapakurap sa mga establishments na dinaraanan namin ngayon.

Ewan ko pero biglang... may something.

Tumikhim ako para mawala iyong something. "Lagot ka sa teammates mo 'pag nalaman nilang kami ang chini-cheer mo no'n."

"I think mas lagot ako kung hindi kita ichi-cheer."

"Ha?" Kumunot ang noo ko.

Ngumiti lang si number eleven saka nag-focus na ulit sa pagda-drive. Ewan ko pero bigla akong may na-realize. Ang ganda pala talaga ng smile niya sa malapitan-

Shit... iyon na naman iyong something!

Napailing ako sa naisip saka lumingon ulit sa labas. Umayos ako ng upo lalo na no'ng may naramdaman akong malikot sa loob ng tiyan ko. Uminom ako ng kape para sana mawala iyon pero mas lalo lang lumala.

Tsk. Mukhang tinatawag pa yata ako ng kalikasan.

Jersey Number ElevenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora