roenalejo11: Girlfriend?

kaireyes: Baka mamaya magtaka iyon kapag nalaman niya na may pinapadalhan ka ng pagkain. Nakukwento mo ba sa kaniya na ako ang nililibre mo? Baka kung ano isipin no'n. Lagot ka.

roenalejo11: What are you saying?

kaireyes: Hoy ang sama. Dine-deny mo girlfriend mo.

roenalejo11: There's no denying because I don't have a girlfriend.

Kumunot ang noo ko. Wala raw siyang girlfriend? E, sino iyong pinakita no'ng finals? Nagtilian pa nga iyong mga tao no'n, e.

kaireyes: Hindi nga?

roanelejo11: Where did you get the idea that I have a girlfriend, Kai?

kaireyes: Wala ba talaga? E, sino iyong Nica Guerrero?

roenalejo11: She's not my girlfriend.

Naguguluhan na ako. Hindi niya ba talaga girlfriend iyon? Hala siya. Akala ko pa naman may girlfriend na 'tong si number eleven. Hindi rin naman yata siya iyong tipo na magsisinungaling tungkol do'n. At bakit naman siya magsisinungaling?

Pumunta ako sa IG profile no'ng Nica Guerrero. At confirmation na ba 'to na hindi talaga siya girlfriend ni number eleven kasi wala ni isa silang picture na silang dalawa lang tapos sweet sa isa't isa? Puro group picture lang ang nakita ko, e.

Malay ko ba. Hindi rin naman kasi ako mahilig tumingin ng profile ng iba. Maliban na lang kung sobrang curious ako o 'di kaya ay pinapatingin nila Jerome.

Profile nga ni number eleven, hindi ko pa talaga tinitignan, e.

roenalejo11: She's just a friend, Kai.

kaireyes: Sorry naman. Akala ko girlfriend mo, e.

roenalejo11: Where did you get that info?

kaireyes: Napanood ko kasi no'ng finals. Ikaw nagse-serve no'n tapos tinutukan siya ng camera tapos nagsigawan iyong mga tao.

Hindi ba gano'n iyon? Napapansin ko kasi minsan iyong mga cameraman, alam na alam nila kapag may something sa mga players at kung sinu-sino sa audience, e. Parang mas alam pa nga nila minsan iyong mga chismis kaysa sa 'min na mismong involved. Siguro kasi tambay din sila sa social media? Ewan ko.

roenalejo11: All this time you thought I have a girlfriend?

kaireyes: Oo hehe. Pero kung sabi mo na wala, naniniwala naman ako. Sorry na.

Hindi na nag-reply no'n si number eleven. Nakatulog na yata. Tinulugan ako ni MVP!

"Guys, just enjoy the game ha? Also, don't forget to communicate para hindi kayo mawala sa loob. Maliwanag?" Sabi ni coach.

"Yes, coach!"

"Kapag nagkamali, bawi agad, okay?"

"Copy, coach!"

"Creston!"

"U!"

It's game day today. Ito na naman iyong familiar na kaba pero mas doble iyon this time kasi Easton na ang kalaban namin.

Battle of undefeated teams ngayon since pareho kami ng win-loss record. First loss of the tournament 'to ng kung sino man ang matatalo kaya kinakabahan ako. Hindi ko lang sure kina Jerome kasi game face on na agad sila. Hindi nila masyadong gusto ang Easton kasi nga medyo maangas ang players nila pero mas lalong naging intense ngayon kasi napunta na ro'n si John. Si John na hindi naman naka-lineup pero nandito ngayon sa arena para manood.

"Creston's starting libero, number eleven, Kaizen Reyes!"

Pagpasok ko sa court ay nagkaro'n kami ng mabilis na huddle. Pagkatapos ay pumwesto na kami. Unang magse-serve ang Easton kaya nag-ready ako sa receive.

Hindi pa pumipito ang referee kaya hinayaan ko muna ang sarili na ilibot ang tingin sa crowd.

Grabe. Ang daming tao! Mostly ay mga naka-green na supporters ng Easton. Sa totoo lang, nilamon nila ang mga naka-white na supporters naman namin.

At napakurap na lang ako nang sa gitna ng mga naka-white shirts ay nando'n si number eleven na naka-red hoodie at white baseball cap. May hawak pa siyang white na pahabang lobo na tinaas niya nang magkatinginan kami. Dala niya ba iyon? O nakuha niya lang dito sa mga nagchi-cheer para sa Creston?

At iyon na naman ang signature smile niya.

Iyong hindi nakalabas ang ngipin.

Shit... totoo nga! Nandito si number eleven!

Akala ko, hindi siya makakanood? Iyon ang sabi niya kanina sa message, e! Naloko ako ro'n, a?

Naalis lang ang tingin ko sa kaniya nang pumito na ang referee para sa unang serve. Ewan ko pero dumoble iyong kaba ko. Naku, hindi pwede 'to.

Minsan pa naman, kapag sobra iyong kaba ko, do'n ako nag-e-error.

Kalma, Kaizen!

Huminga ako nang malalim at nag-focus sa server ng Easton. Jump serve ang ginawa niya at ako ang t-in-arget!

"Kai!" Rinig kong sigaw ni Jerome.

Iyon nga lang, shit, misreceive!

Napanganga na lang ako habang tinitignan ang bola na dumiretso papunta sa audience.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now