"Mississippi!" tawag ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa gawi ko.

"Donnar?" gulat niyang tanong. Nilapitan ko siya. Ilang beses siyang napakurap. Siguro nanibago siya dahil naka-tux ako na black at nakatali sa likod ang may kahabaan kong buhok.

"You look very handsome," astounded niyang sabi.

"Thanks. Halika na. Malapit ng magsimula ang ringhop ceremony," yaya ko sa kanya. I held her hand pero tila ayaw niyang sumama. "May nangyari ba?" I asked her.

"Ako lang ang walang guardian doon."

"Kung wala kang guardian, I'm here."

"Donnar..."

"What would be the title of this moment?" tanong ko sa kanya, trying to cheer her up.

Sandali siyang natigilan at nag-isip. "When Donnar became my guardian." Natawa ako. Ngumiti na siya. May kinuha siyang papel mula sa dala niyang handbag. Iniabot niya iyon sa akin. Napangiti ako nang mabasa ko ang mga nakasulat doon.

"These are nice memories to make," sabi ko.

"Really?"

"Yeah." May nabasa akong nakakatuwa sa listahan. "Hindi ka na nakasali sa formal dance presentation."

"Oo nga eh," she was sad by the news. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang mag-bow ako sa harap niya saka inilahad ang aking kanang kamay.

"May I dance with you?"

"What! Here?" napalingon-lingon siya sa paligid. "Hoy, wag kang ganyan –" napasigaw siya nang abutin ko ang kanyang kamay at maingat na hapitin ang kanyang bewang. Pareho na kaming natatawa habang nagsasayaw ng waltz sa balcony.

"What's the title of this moment?" tanong ko sa kanya habang nagsasayaw kami.

"When I danced with Donnar," she smilingly answered. "In the hotel's balcony," dagdag niya na tumatawa. "Thank you, Adonis Narcissus."

"I promised to make happy memories with you, right?"

Ilang minuto kaming nagsayaw doon, hindi alintana ang mga makakakita sa amin. Pagdating sa kaligayahan ng babaeng ito ay nawawalan ako ng hiya. Mas mahalaga sa akin na mapangiti siya at mapasaya, de bale ng magmukha akong nakakatawa at corny.

Natigil kami sa pagsasayaw nang mag-ring ang cell phone ko. I answered it.

"Donnar, where are you? The ceremony is about to start," tinig iyon ni Lan. Agad ko ng hinila pabalik sa venue si Missy. Laking tuwa nina Lan nang makita si Missy. She joined our table. Ayaw pa sana niya pero napilit siya nina Lan at Raphael.

"Kuya, may sasabihin ako sa'yo," sabi ni Gary sa akin saka may ibinulong at sekretong iniabot. I smiled and nodded. Nag-thumbs up ako at tinanguan ang parents ni Raphael.

Nang magsimula ang ringhop ceremony, isa-isang tinawag ang mga candidates for graduation. Napansin kong tensed si Missy. Oo nga naman, walang guardian na dumalo para sa kanya. Nang tawagin ang pangalan niya ay tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa harap niya. She was shocked yet she held my hand and went with me on the stage.

"Wala sa akin ang college ring ko. Hindi ko pa nakukuha," nag-panic siya pero 'di ko pinansin. I took her college ring from my pocket. Iyon ang iniabot sa akin kanina ni Gary.

Nagulat siya nang makitang nasa akin iyon. "How did you –"

"I have connections."

Isinuot ko sa left middle finger niya ang kanyang college ring. Everyone applauded pero narinig ko na may kasamang panunukso ang ilan lalo na mula sa mismong table namin.

AdonisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon