At buti na lang din, e, chocolate 'tong binili ni number eleven. Favorite flavor ko 'to, e. Kahit paano, nabawasan iyong stress ko sa nangyayari sa team ngayon. Hay naku. Kung kailan naman malapit na iyong tournament na sasalihan namin, saka naman may mga issue sa team.

Sign na ba 'to?

Ng ano, Kai?

Ayoko na lang isipin. Bawal dapat mag-isip ng negative, Kaizen! Sayang lahat ng mga m-in-anifest mo!

Napatingin ako kay number eleven nang mapansin na hindi siya gumagalaw sa tabi ko. Tapos na siyang kumain ng ice cream niya at nakatanaw na lang sa labas nitong convenience store.

Na-guilty tuloy ako bigla. Magkatabi nga kami pero wala namang nagsasalita sa 'min. Hindi ko siya kinakausap.

"Pasensya na," sabi ko.

Nilingon niya ako. "Hmm?"

"Wala lang. Ang tahimik ko ba?"

"Slight," ngumiti siya.

"Sorry naman. Medyo wala lang sa mood. Alam mo na..."

"It's fine," aniya. "But may I ask why? Is there a problem?"

"Well... meron. Pero hindi ko lang problema 'to. Problema actually ng buong team namin."

"Is that why you're here?"

"Yep," sagot ko. "Pwede ko naman siguro i-share 'to sa 'yo, 'no? Wala naman confidential dito."

"No. It's fine. If you're not allowed or if you're uncomfortable to-"

"Hindi! Sasabihin ko na. Pero 'wag ka maingay ha?"

Napilitan pa yatang tumango si number eleven. Natawa naman ako. Ang laki niyang tao pero para siyang bata na pinipigilan ang pagkinang ng mga mata kasi may malalaman na chismis. Pero mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Hindi naman siguro siya iyong tipo na ipagkakalat ang mga maririnig niya.

Kinwento ko sa kaniya iyong nangyayari ngayon sa team. Iyong pag-transfer ni John. Iyong mga struggles namin sa training. Syempre hindi ko na sinabi iyong mga strategies at plays namin. Kahit hindi naka-lineup 'tong si number eleven para sa off-season, kalaban pa rin namin siya. Sinabi ko na rin sa kaniya hanggang do'n sa hindi pagpasok ni Roy sa mga klase niya.

Na feeling ko, kahit hindi direktang sabihin sa 'kin ni Roy ay ako iyong dahilan kung bakit siya nawalan ng playing time.

Kaming dalawa lang naman ang libero sa team, e.

Pero... ewan ko. Hindi ko naman na siguro kasalanan iyon, 'di ba? Ang coaching staff naman ang nagde-decide kung sino ang ipapasok sa game. Sumusunod lang naman ako. Kung may problema siya ro'n, pwede niya namang kausapin sina coach.

Buong oras na nagkukwento ako, patango-tango at nakikinig lang si number eleven. Which is okay lang naman sa 'kin. Hindi ko rin naman ine-expect na marami siyang masasabi.

Siguro gusto ko lang din ng may makikinig na hindi magiging bias at makikinig lang talaga.

"I hope you guys clear things out before the tournament," sabi ni number eleven nang saglit kaming manahimik pagkatapos ko magkwento.

"Sana nga. Ayoko na rin masyadong isipin kasi malapit na rin iyong hell week namin," bumuntong hininga ako. "Pasensya na nga pala sa mga rants ko."

Ngumiti si number eleven. "It's okay."

"Oo nga pala, ba't ka nandito? 'Wag mo sabihing makiki-aircon ka rin? Imposibleng walang aircon sa dorm n'yo. Ang yaman kaya ng Westmore."

"Bibili lang sana ako ng ice cream but I saw you so..." nagkibit balikat siya.

"Hala? Nag-Tagalog ka! Dalasan mo iyan, please. Diyan na duduguin iyong ilong ko, e. Hindi na sa facial hit mo."

Tinawanan lang ako ni number eleven. Akala niya siguro nagjo-joke ako. Seryoso kaya iyon.

Ilang minuto pa kaming tumambay ro'n hanggang sa nag-decide na akong bumalik ng dorm. Lumabas na kami ni number eleven at naglakad na papuntang sakayan ng jeep. Gabi na rin kasi at ayokong maabutan ng curfew namin. Sana nga lang ay tahimik na ngayon sa dorm. Ayoko talaga ng may nagpipisikalan kung pwede namang idaan sa pag-uusap.

"Thank you nga pala sa ice cream," sabi ko habang naghihintay kami ng jeep. Pinapauna ko na nga 'tong si number eleven pero samahan niya raw muna ako hanggang sa makasakay.

Bait naman ni MVP!

"You're welcome. Hope that helped to lessen your stress kahit kaunti," sagot niya.

"Yep. Okay na ako. Salamat ulit. Akala ko nga sa games na ulit tayo magkikita, e."

Hindi agad sumagot si number eleven.

"Pwede naman."

"Ha? Pwede ang alin?"

Tumikhim siya.

"Pwede naman tayong magkita."

Napalingon ako kay number eleven. Iyon nga lang, naabutan ko siyang diretso lang ang tingin sa kalsada habang nakapasok iyong mga kamay niya sa bulsa ng hoodie niya.

Pero ang napansin ko talaga ay iyong tenga niyang namumula.

"Anytime you want," dagdag niya.

Nilingon na niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nagtama ang mga tingin namin. Umawang ang labi ko. May kung anong... hindi ko ma-explain. Magsasalita na sana ako... kaso dumating na iyong jeep.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon