Chapter 40

17K 87 11
                                    

5 Years Later...

"Mama! Mama!" rinig ko sa aking kambal na lalakeng anak habang inaalalayan ako ni Arthur na naglalakad palapit sa kanila. Ang laki na kasi ng tiyan ko, 7 months preggy na, okay naman akong maglakad, itong mga asawa ko lang ang nawo-worry sa akin. Birthday ngayon ng kambal, turning 4 years old, kambal pero hindi magkapareho ang ama. Ang isa kay Arthur at ang isa kay Kaine, heteropaternal ang tawag doon. Buti na lang hindi kami hinusgaan ng aming OB-GYNE ng magpa test kami ng DNA. Ang unang lumabas ay anak ni Arthur and he named him Arden at ang sumunod ay kay Kaine na pinangalanan niyang Kai. Kamukhang kamukha nila ang kani-kanilang mga ama na magkahawig pa rin. Ang cute nila, mabait, malambing at very matulungin. Ang susunod naman namin na nasa tiyan ko is a girl at walang kasama but my husbands are very happy. Sana naman maging kamukha ko na siya! Magtatampo talaga ko pag hindi!

Maganda at masaya ang buhay namin dito sa farm, na mas dumami pa ang inaalagaan naming mga hayop. Nagsu-supply na kasi kami ng organic products sa iba't-ibang lugar. May ginagawa din ako na organic beauty products at scented candles na binebenta ko online at sa kalapit na bayan. Successful naman kami sa aming mga businesses lalo na sa aming grocery na itinayo sa bayan. May binili din kaming lupa na malapit sa beach at nagtayo kami doon ng isang mini resort. We are doing good as a family, at maganda ang teamwork namin. Nong lumipat kami dito akala ko nga walang alam sa gawain sa farm si Arthur pero batak na pala ang kanyang katawan sa gawain dito. Para ngang matagal na siyang nakatira dito kaya ako noon pa lang ang beginner. Pero tiyaga lang talaga hanggang sa nasanay na ako. Matagal ko ng iniwan ang vlog life ko, in-end ko na bago ako ikasal. Maraming nalungkot na fans ko pero naintindihan naman nila. Sa mga parents ko ganon pa rin sila pero ang nakakagulat, magkasundo pa rin kami ng kuya ko na kinasal a few years ago at may anak na rin siya. I am really happy for him kasi hindi siya nahawaan sa toxic parents namin. Nakailang visits na rin sila dito sa farm at nag-stay pa sila sa resort nong last na bumisita sila rito. Everything is doing well for us and I am very thankful!

"Happy Birthday Arden at Kai!" bati ko sa kanila ng makalapit kami sa pond kung saan naliligo sila na mag-aama. May naka setup doon na picnic table and chairs na may mga pagkain na. Lumapit sila sakin ng makapagpatuyo na sila ng katawan at niyakap ako. "Ang mga boys ko ang bilis lumaki!" at pinisil ko ang kanilang pisngi. Napatawa ako ng umahon si Shiro at natalsikan kami ng tubig ng mag-shake siya ng kanyang katawan.

"Mama, baby mo pa rin kami para sayo." malambing na sabi ni Arden.

"Oo nga Mama, love na love ka namin! Pati na rin si baby." sabi ni Kai at niyakap nila ako ulit. Natunaw naman ang aking puso sa kanilang sinabi at niyakap rin sila. Tinulungan nila akong umupo sa chair na naroon at niyaya ang kanilang Papa Kaine na kumain na. Umahon na rin siya sa tubig at lumapit na rin sa amin.

"Daddy A, gusto ko ng mangga." parang bata na sabi ko sa isa kong asawa at tumawa siya. Hinalikan naman ako ni Kaine sa pisngi na nilagyan ng pagkain ang pinggan ko. Nagpasalamat ako sa kanila at nagpapasalamat din ako sa Diyos at nagkaroon ako ng masayang pamilya. Bukas pupunta kami sa isang dog shelter para mamahagi ng dog food at iba pang gagamitin ng mga rescued dogs na gaya na din na resquest ng mga bata. Kukuha din kami ng ia-adopt para may kasama na rin si Shiro dito sa farm.

"Ayos ka lang mahal? Hindi ba sumasakit ang likod mo? tanong sa akin ni Kaine.

"Yes po, wala pong masakit sakin. Nakakapag-exercise din naman ako dito sa farm, lalo na sa gabi." sabay kindat ko sa kanya. Napatawa lang naman siya at masaya kaming kumain. Matapos kaming kumain, naki-join din ako sa kanila sa pag swimming kahit malaki na ang tiyan ko noh. Okay lang naman daw at magandang exercise sabi ng OB ko. Nag-enjoy kaming magpapamilya sa celebration ng birthday ng mga anak namin. Thankful ako at healthy ko silang ipinanganak at safe ang delivery ko. Sana ganun din sa aming baby girl. At sana hindi na mag-panic ang mga asawa ko, dalawa nga sila pero hindi alam ang ginagawa ng manganganak na ko. Siguraduhin ko talaga na ready na kami tutal na-experience na din namin.

Hindi nawala ang pagmamahalan naming mag-asawa. Katulad pa rin sila na malambing at maalaga sa akin. I am still their baby girl. The sex, our love making is more awesome than before! Ang hindi ko inaasahan pag buntis ka pala, nagi-increase sin ang sexual appetite kaya alam na... Marami din naman kaming napagdaanan, marami ding sumubok sa relasyon namin lalo na ng pumunta rito ang ex-wife ni Kaine. Buntis na ako noon at sinugod ba naman ako. Eh hindi naman na sila ni Kaine at may sariling pamilya na yong babae. Nalaman din niya na dalawa sila na asawa ko at pinagkalat niya sa bayan. Noong una, maraming humusga sa amin pero ng tumagal, nang natulungan namin ang bayan na lumago at magkaroon ng trabaho ang mga tao doon dahil sa aming mga negosyo, okay na ang trato sa min at nakasanayan na nila. Mula non, hindi na kami ginulo pa ng ex-wife niya.

Looking at my family now, hindi ko akalaing ganito ang magiging resulta ng aking road trip. I went to a lot of beautiful places, meet a lot of people pero ang pinaka special doon ay nang makatagpo ko ang mga lalakeng makakasama ko habang buhay. While I was on the road, I wanted an adventure, I wanted to discover things. Pero ang kapalit non ay true love at happiness. The naughty girl's road trip was really a blast!

THE END

This is the final chapter sa story ni Ayana! First Version po ito, if you want to read the second version na mas mahaba at iba na ang flow ng story, nasa Dreame po siya. Thank you all for reading!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Pleasureable TripWhere stories live. Discover now