Chapter 2

71.8K 273 13
                                    

Namangha ako nang pumasok kami sa kanyang bahay, it may look old on the outside pero ang interior very modern ang design. Super gaan at ganda sa mata. Niyaya niya ako papunta sa dining kung saan kitang kita ang magandang backyard at parang outdoors kasi naka open lahat ng glass doors sa paligid nito. Nakahanda na ang pagkain sa mesa at natakam ako ng husto sa iba't-ibang seafood na nakikita ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya.

"I hope wala kang allergy sa seafood." sabi niya na pinaghila ako ng upuan. Lumakad ako palapit at umupo. Napasinghap ako nang hinawakan niya ako sa balikat at bumaba ang ulo niya sa tenga ko. "Relax Aya, I want you to be comfortable in my house." husky niyang sabi at nag-clench ang gitna ko. Umupo siya sa katapat kong upuan, nag-pray muna kami for the food tapos ay kumain na. Mahina akong napaungol sa aking unang subo ng pagkain. Grabe! Kung ganito siya masarap na magluto baka hindi na ko umalis. "So, are you new in town?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya at matiim siyang nakatitig sa akin.

"Yeah, I'm on a road trip kasi, tapos dito ako naunang napadpad. Maybe you know some places to explore?"

"Maraming mao-offer ang town namin sayo. Hayaan mo at ako mismo ang magto-tour sayo."

"That's a relief, hindi ko kasi alam kung saan magsisimula. Thank you Arthur..." tuwa kong sabi.

"Saan ka nagi-stay? Did you rent a house or something? Wala kasing hotel dito." natigilan naman ako. "Wala ring malapit dito sa bayan, wala kang nadaanan diba?" napaisip naman ako at tama siya, wala akong nadaanan na hotel or inn man lang.

"Kailangan ko pa talagang mag rent ng house? May kakilala ka ba?"

"Meron pero walang available ngayon... Aya, you can stay in my house for a while kung gusto mo. Wala naman akong kasama dito." napakagat labi ako. Naku naman, binibigyan na ako ng chance para makasama siya. Pero ayoko naman na ipakita na eager ako noh!

"Ha? Okay lang ba? Baka mawalan ka ng privacy niyan tapos ikaw pa ang magiging tour guide ko. How about I'll pay for my rent staying here?"

"No, hindi na kailangan. You're my guest and I'll treat you as one. I assure you Aya, hindi ako masamang tao. Kilala nga ako ng maraming tao dito diba?"

"Pero...ano kasi, nakakahiya..." inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito.

"Think of it like this, ang company mo kapalit ng pag stay mo dito sa bahay. Matagal na din kasi akong walang nakakasama, nakakausap, I get lonely sometimes... Please?" ngumiti ako pagkatapos ay tumango.

"Okay Arthur, basta ba next time, hayaan mo kong lutuan din kita. And I will be a great company..." nagpasalamat siya at dinampian ng halik ang aking kamay. Nagpatuloy na kami sa pagkain at kinuwentuhan niya ko tungkol sa bayan. Hindi na ako nagtanong tungkol sa kanyang private life dahil ayokong maging intrusive. Masaya kaming nag-usap at naubos lahat namin ang food. Nag-volunteer ako na maghugas ng pinggan pero tumanggi siya. Kailangan ko daw na magpahinga para daw may energy ako sa mga gagawin namin. Naku! Ano kayang particular na activity ang gagawin namin? Involve ba doon ang kama? Hinatid niya ako sa guest room at namangha ulit ako dahil sa ganda nito, maganda din ang view. Siguradong mag-eenjoy ako sa pansamantalang pagtira ko rito. Hiningi niya sa akin ang susi ng aking car para daw maipasok niya kaya binigay ko. Uminit ang aking mukha ng dinampian niya ko ng halik sa pisngi at iniwan na sa harap ng pinto ng guest room. Sinara ko naman ang pinto at doon ko na nilabas ang todo kong kilig. Oh my gosh! It's official! Makakasama ko siya sa kanyang bahay kaya dapat super effort din ako sa seducing skills ko. Ito na rin siguro ang kapalit ng kanyang hospitality, ang aking malibog na katawan! Inalis ko ang suot kong sapatos at bagsak akong humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa ceiling hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na ako.

##############

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nakasuot ako ngayon ng light blue polo na tinali ko sa gitna at cotton shorts na kitang-kita ang maputi at malaman kong hita. Tapos na rin akong mag shower, talagang nilinisan ko ng mabuti ang katawan ko para mas lalo pang matakam si Arthur sa akin. Pagkagising ko kanina eh hapon na, palubog na nga ang araw kaya agad akong bumangon at kumilos. Na-touch ako ng makita ko ang mga bags ko na nasa room ko na, baka inakyat niya kanina nong tulog pa ako. Ang gentleman niya o sadyang ganito lang talaga ang mga mature men? Madaling natuyo ang aking buhok kasi maikli lang siya, naglagay din ako ng konting powder sa aking mukha at lip tint sa aking lips. Nang masigurado kong maganda na ako at mabango, bumaba na ako at nadatnan ko siya sa kitchen na mukhang naghahanda na ng dinner namin. Iba na rin ang suot niya, naka shirt at sweatpants na siya, mukhang katatapos niya ring maligo dahil basa ang buhok niya. Lumapit ako sa kanya at tumikhim, tumigil naman siya sa kanyang ginagawa at lumingon sa akin. Bahagya siyang natigilan, humagod ang kanyang mga mata sa aking kabuuan at matamis siyang ngumiti.

Her Pleasureable TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon