And WHOOOOOOOOOOOOSH! KAPOW! BOOM! BOOM! BOOM! UWIAN NA! MAGDIWANG TAYO AT MAGBUNYI!!!!

Pero nowhere to be seen pa rin ang drama ni panganay namin. TT^TT

Nandito ngayon kaming lahat sa room ni Ate Saturn.

“tabi-tabi!”

“Tawagin nyo yung mga Star!!”

“Tatawag na kami ng Ambulansya!”

“BIlisan niyo!”

Nagkakagulo sa labas yung mga boys. Lahat pala sila boys. -___- Bigla namang may pumasok sa room.

“Saturn, si Mars isusugod na nila sa Ospital!”

Napatayo kaming lahat at sabay-sabay na napa-“HA?!”

Sumama na sa ambulance sila Ate Saturn, Ate Pem, Ate Zan at Ate Moon. Sheeez. Bakit ba ang dami kong Ate? -___- Yung iba naman tinawag si Mr. King at ako ay tumawag kay Mommy.

“Opo opo. Okay, see you.”

Okay, papunta na daw si Mommy sa ospital. Hahabol na ako. Kukunin ko na yung mga gamit ko at … at … teka NASAAN ANG MGA GAMIT KO? +_______+

 

Tumingin-tingin ako sa paligid at may nakita akong papel na nakadikit sa pinto.

MUSIC ROOM

Tch. Anong trip ba ng mga lalaki dito? Hay nako.

Kinuha ko na lang ang bag kong walang laman at dumiretso sa Music Room. Malayo pa lang may naririnig na akong tumutugtog sa piano. Ang, ang ganda ng kanta. Ang ganda nung tune tsaka yung boses nung kumakanta.

Nakinig lang ako dun habang hinto-play ang drama ng soundtrip ko. Siguro kino-compose pa lang niya yan. Ang galing naman niya. Sino kaya siya?

*Knock* *knock* “Uhm, hello?” sabi ko at binuksan ang pinto.

Pero walang tao sa loob. Eh? Eh sino yung kumakanta at tumutugtog? O_____O scaryyy!!!! Kinuha ko na lang yung mga gamit ko dun sa teachers table at inilagay sa bag.

Napansin ko naman yung piano. May tumutugtog talaga  dito kanina eh. Ha, ano yun?

Lumapit ako sa piano at nakakita ng maraming staffs. Tama nga ako. May nagcocompose dito kanina. Pero asan na kaya siya? Di niya tuloy natapos yung ginagawa niya.

“Alaala mo by Guys on 402. Ha? Banda yun di ba? hmm.” Nakakapagtaka naman to. Ay teka, nalaglag.

Pinulot ko yung papel at binasa yung nakasulat.

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon