19382

0 0 0
                                    

“ LONG DISTANCE RELATIONSHIP ”

Isang relasyon na iniiwasan ng karamihan,
isang relasyong distansya ang kalaban,
isang relasyong puno ng sakripisyo
at ang relasyong kinabibilangan ko 

‘Malayo ka, Pero mahal kita’
‘Wag mo kong iiwan ah’
‘Wag kang maghahanap ng iba’
‘Ikaw lang yung gusto ko, wala ng iba’

Mga salitang sa akin ay nagpapaligaya,
mga salitang naging dahilan upang
ako'y patuloy na lumaban.
Mga salitang nagbigay kinang at
ngiti sa aking mga mata.
Mga salitang naging dahilan para
ika'y di sukuan.

Di man tayo magkasama ang mahalaga
Mahal natin ang isa't isa,
mamahalin kita hanggang sa aking makakaya,
di ipagpapalit sa kahit sino man dahil ikaw lang sapat na.

“MAHAL KITA!”
Sana sapat na yan,
para malaman mong mahalaga ka
sa buhay ko.
Na takot akong mawala ka,
takot na makitang may kasama kang iba.

Pasensya na kung minsan inaaway kita
Sa kahit anong paraan.
Pasensya na kung minsan nagagalit ako ng walang tamang dahilan,
yan lang kasi ang alam kong paraan,
maipakita lang ang tunay kong nararamdaman.

Lagi man tayong nag aaway
Di yun sapat na dahilan para ikaw ay palitan,
malayo ka man
Mamahalin kita mapasawalang hanggan.

Di man tayo nagkikita,
Puso ko'y sayo lamang sinta.
Saan ka man magpunta
Mag iingat ka sana.
Mahal na mahal kita!

Peoms Where stories live. Discover now