2.28

1 0 0
                                    


Lihim na sandali

Isa, Dalawa,  tatlo
Tago dto , tago doon
Baka may makakita saatin Dalawa,
Mga nakaw na sandali

Mahirap pero kakayanin ,
Malaking parusa ang nakaabang
Saatin kung sakaling
May Maka alam sa'ating

Tagong relasyon, Oo lumaban ka ,
Para sa'ating dalawa, pero hanggang kailan
Tayo sa ganitong sitwasyon
Mahal Ang gulo na

Ayuko na nang ganito
Pero ayakong mawala ka sa piling ko
Di ko yata makakaya , na makuha ka
Ng iba , ibibigay ko lahat

Nang aking makakaya ,
Kahit na alam Kong talo ako sa huli ,
Masakit pero kakayanin ko
Ito Ang pinili ko , di ako nag sisi

Sa desisyon ko , dahil sa Ikaw
Ang tinitibok ng puso ko ,
Isa lamang Ang hiling ko
Bigyan mo pa ako ng Oras

Para sulitin ang bawat sandaling
Makapiling ka dahil alam ko
Sa susunod na Araw babalik kana
Sa piling nya't maiiwan  mo  na akong mag Isa

Peoms Where stories live. Discover now