Chapter 6

2 0 0
                                    


Umaga araw ng Lunes, ay nasa labas na ng school si Claire na abala sa pag check ng attendance ng mga estudyante habang isa-isa ng pumasok ang kanyang advisory class sa bus para sa museum trip nila.

Pagkapasok sa bus ng huling estudyante ay dumating ang nagmamadaling si Clark na naka dark maong pants at white polo shirt. Lalong na emphasize ang kanyang kagwapohan. Nakatingin lang si Claire sa kanya.

"I'm so sorry I'm late I have to settle something..." sabi ni Clark na habang hinihingal.

"Oh no it's alright Mr. Scott. You are right on time." sabay ngiti na sabi ni Claire.

Heto na naman ang ngiti na kabisado ni Clark. Ang ngiti ng kanyang Clara. Iyan ang nasa isip nya ngayon. Paano ba sya maka kapag-concentrate kung lagi nya makikita ang ngiting ito. Kailangan nyang pigilan ang sarili nya kapag nagkikita sila ni Claire. Gusto nya itong yakapin at sabihin ang lahat. Kung ganoon lang sana kadali.

"Mr. Scott? Sir? Sir?" tanong ni Claire kay Clark na para bang wala sa sarili ang amerikanong katrabaho

"Huh? Ah oh god I'm so sorry." nahihiya na si Clark habang humakbang papunta sa bus.

Si Claire naman na nasa pinto na ng bus "Are you ok sir?" bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Naalala na naman ni Clark si Clara dahil maaalalahanin yon.

Sinampal ni Clark ng biglaan ang kanyang sariling mukha. Na ikinagulat ni Claire at ng driver ng bus na rin. 😅

"Yes I'm ok. Let's go?" sabi ni Clark habang paakyat sa bus at pumasok na na parang walang nangyari.

"Ahm, uh ok." habang si Claire ay clueless ang ekspresyon. Nagtinginan na lang sila ng bus driver na nabigla pa rin. Pina andar na nito ang bus at papunta na sila ngayon sa museum na nasa unahan lang ng downtown Davao.

Magkatabi ng upuan ang dalawa sa likuran ng bus driver. Medyo pareho silang naiilang.

Si Clark ang bumasag ng katahimikan "First time kong maka punta sa museum dito, balita koy napakalaki raw nito."

"Oo may pitong palapag ang Davao Museum of Histories. Bawat floor ay malawak. Nasa 3rd floor ang Japanese era kung saan tayo maglilibot buong araw." habang sinasabi iyon ni Claire ay bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan at excitement. Napansin nyang nakatingin at medyo naka ngiti ang katabi nyang Amerikano sa kanya. "Ahm, sir may nasabi ba akong hindi kaaya-aya?"

Umiiling si Clark sabay sabing "Wala naman may naalala lang akong tao bigla. Kapag nagsasalita sya lalo na kung tungkol sa isang bagay na gusto nya ay masaya at sabik na sabik gaya mo ngayon. Pareho rin kasi kayo mahilig mag turo at masaya sa ginagawa nya."

"Talaga ba." sabi naman ni Claire napaisip tuloy sya na paano sya nakilala ng ganoon ni Clark na wala pa namang isang linggo mula noong nagkakilala sila. Ni si Akira nga ay hindi napuna ang katangian nya pero si Clark nakita nya agad ito. "Siguro kung makikilala ko sya at mag uusap kami ang saya siguro."

"Ah, oo" napangiti na lang si Clark at napatingin sa harapan ng bus.

"Nasaan na sya ngayon Mr. Scott?" tanong bigla ni Claire na pati sya ay nabigla dahil bakit naman nya tinanong iyon. Bigla na lang lumabas sa kanyang bibig ang tanong.

Nagulat din si Clark na napatingin kay Claire. Nangungusap ang mga mata nya, na may pangungulila. Nagtinginan silang dalawa. Ng biglang nag brake ang bus. Nagsigawan ang mga estudyante sa likuran. Malapit na sanang maumpug ang ulo ni Claire sa upuan ng driver ngunit napigilan sya ni Clark.

Ang braso ni Clark ay nasa bandang dibdib ni Claire nasa pagitan ng leeg at dibdib nya. Naka hawak naman sya sa braso ni Clark. Sa posisyon nila ay parang niyakap ni Clark si Claire. Pareho silang nagulat, agad na tinanggal ni Clark ang pagka hawak nya kay Claire gayon din ang dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Reincarnated Heart: An 83-Year Love StoryWhere stories live. Discover now