Chapter 1

6 0 0
                                    

  "We we're both young when I first saw you." - Taylor Swift

Bataan, Philippines, March 1942

        "Napapaligiran na nila tayo!" sigaw ng Pilipinong sundalo na nakasandal sa malaking bato at may hawak na mahabang baril.

          Inuulan na sila ng mga kasama nyang Pilipino at Amerikanong sundalo ng mga  bala na galing sa mga sundalong hapon. Kahit napakalaki na ng kagubatan ay napapalibotan pa rin sila.

       "We need to abort this mission, Captain." sabi ng isa pang sundalo sa Kapitan nyang Amerikano.

       Ang kapitan na may kulay gintong buhok at azul na mga mata ay napayuko at sabay suntok sa puno na sinasandalan nila.

      "Abort mission! abort mission!!" sigaw nya.

       Agad namang nagsi-atrasan ang mga pinagsamang hukbo ng Pilipino at Amerikanong sundalo. Ngunit naiwan si Clark Scott ang kapitan nila. Dahil timaan pala sya ng bala sa tagiliran nya. Nakita sya ni Teodoro isang Pilipinong sundalo.

     "Captain, you've been shot!" pag-aalalang sigaw ni Teodoro.

     "I'm alright, Teo. Don't....worry about...me. Now you have to go." sabi ni Clark na namimilipit na sa sakit.

    Lumilingo-lingo si Teodoro hindi sya sumang-ayon at sabay sabing "I'm sorry Captain, but I won't obey you this time. I'll stay with you I'm sure we can find a place to hide."

     Napatingin na lamang si Clark kay Teodoro dahil wala na syang lakas pa. Patuloy pa rin sa pagpapaulan ng bala ang mga hapon. Habang si Teodoro ay akay-akay ang sugatang kapitan, dahan-dahan silang naglakad nang biglang may sumitsit sa kanila.

    "Dito dalian nyo!"mahinang sigaw ng taong tumawag sa kanila.

     Agad namang nagtungo sina Teodoro sa direksyon ng boses. Nang makarating sila ay nagulat na lamang sya sa kanyang nakita. Isang babae pala ang tumawag sa kanila.

     "Sumunod kayo sa akin. Sa di kalayuan ay may kweba sa likod ng talon. Kailangan malapatan agad ng lunas ang kasama mo." sabi ng babaeng may mahaba at maitim na buhok nakatali ito. Nakasuot sya ng damit panlalake. Natulala na lamang si Teodoro.

      "Wala na tayong oras pa ginoo. Tayo na!" sabi ng babae na nasa mga higit dalawamput taong gulang sa estimasyon ni Teodoro.

     "Huh? ah, oo." sumunod naman sina Teodoro sa babae habang akay ang nanghihinang si Clark.

      Sampung minuto ang nakalipas ay nakarating sa sila sa talon, mayroon ngang kweba sa likod nito. Pumasok sila sa loob naglakad pa sila at maya-maya ay bumungad kay Teodoro ang nasa loob ng kweba.

    May mga lima o hanggang sampung katao ang abalang ginagamot ang mga sugatang sundalo na nakahiga sa mga kama na gawa sa bamboo. Hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita dahil sa higpit na pagbabantay ng mga hapon ay may mga Pilipino pa ring nakapagtago ng ganito.

     "Ihiga mo sya rito ginoong...."

     "Teodoro o Teo na lang."

     "Sige Teo, ihiga mo ang kasama mo rito at gagamotin ko sya."

      Dahan-dahang hiniga ni Teodoro si Clark sa nagyon ay may lagnat na.

     "Mukhang malalim ang tama ng bala. Gagawin ko ang makakaya ko  Teo pero hindi ko maipapangakong makakayanan nya."

     "Pakiusap binibining....."

     "Clara"

     "Pakiusap binibining Clara iligtas mo si kapitan."

The Reincarnated Heart: An 83-Year Love StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang