CHAPTER 46: Anais Romero

82 5 0
                                    

Cole's POV

Mariin kong kinakagat-kagat ang ballpen habang nakatingin sa aking laptop. Inis naman akong napabuntong-hininga at binura ang huling pangungusap na isinulat ko. Sumandal ako sa sofa at tumingala.

I'm already tired. This past few days... I've been busy gathering more information, focusing on investigation of the consequences of Solange Group. Parang ang layo ng tinatakbo ng isip ko. Pagod na ako physically and mentally.

"Tadaima!" Rinig kong anunsyo ni Keizo mula sa pintuan. Kalaunan naman ay tumambad sa aking harapan ang mukha nito. "What's with that face?" aniya.

"I don't have enough energy to talk to you," walang buhay kong sagot at ipinikit ang aking mata, pero naramdam ko ang malamig na bote sa aking pisngi.

"Inumin mo na 'yan tutal ay mas mukha kang pagod kaysa sa akin." Matapos sambitin iyon ay naglakad na paalis si Keizo. Tumungo na ito sa kwarto ng parents namin, paniguradong para magpalit.

Napatingin naman ako sa boteng iniwan niya, it was an orange juice. Binuksan ko na lang iyon at ininom na, kahit papa'no ay guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa lamig ng inumin. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Keizo bitbit ang kaniyang laptop at mga papel, paniguradong gagawa na naman siya ng lesson plan.

Isinarado ko naman ang laptop ko at inilapag iyon sa aking tabi. "Hey, let's eat outside?" paanyaya ko kay Keizo na ikinasulyap niya sa akin.

"Kakakain ko lang. Inaya ako ni Caelum. Ikaw na lang," tugon naman nito at ipinokus na ang kaniyang paningin sa screen ng laptop.

"Then, how about mamasyal lang saglit sa labas? Or let's go visit our parents, but if you don't want to let's just go—"

"Marami pa akong kailangang tapusin." Suminghap pa si Keizo at tinignan ako. "Kung gusto mo lumabas you can go alone, o hindi kaya ay tawagin mo si Io. Lumabas muna kayong dalawa. Diba ayaw mo siyang pigilang umalis? Then why not enjoy her remaining time while she's still with us?" lintana nito at tinaasan ako ng kilay.

Going out with Io?

"Nevermind," tangi ko na lang na sambit at muling binuksan ang laptop ko upang ipagpatuloy na lang ang aking ginagawa pero binato ako ng unan ni Keizo. "What was that for?!" inis kong reklamo at pinulot ang unan na nahulog sa sahig. Mabuti nga't hindi natamaan ang laptop ko't nahulog, kung hindi ay ihahampas ko sa kaniya 'to.

"That's for you to think twice about your decisions in life. Are you really planning to rot away in this house with me alone?" sambit naman ni Keizo na akala mo kung sinong nakatatanda kong kapatid na nagsasalita.

"It's not that I want to stay here with you, idiot!" Inirapan ko pa ito at ibinato sa kaniya pabalik ang unan na mabilis niya namang nasalo.

"Then leave now and build your own family."

Nginiwian ko agad siya at malalim na suminghap ng hangin. "The hell with that suggestion? First of all, as if I can leave you here all alone. You can't even cook your own food! Second, no one will provide your money if I already got my own family. Do you really think that I'll still prioritize you when I'm already a husband and a father?" mahaba ko namang sermon.

Naputol naman ang sagutan namin nang pumasok mula sa pinto sa Io at may bitbit itong mga paper bags. Nakatingin lang ito sa amin samantalang pasimple naman akong nag-iwas ng tingin. I still can't look her direct to her eyes. It feels like I'm loosing myself for unexplainable reason.

"What's with the awkward silence between you two?" untag nito at naglakad palapit sa amin. Inabutan niya ng canned cola si Keizo na tinanggap naman nito. Inabutan din ako ni Io pero umiling ako at iniangat ang hindi ko pa nauubos na bote ng juice na ibinigay sa akin kanina ni Kei.

Assassin's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon