START

559 18 4
                                    

Keizo's POV

Chips, cola, madilim na kwarto, tahimik na paligid, at laptop. This is what I called, paradise. Sumubo ako ng chips habang nakatutok ang aking mga mata sa screen ng laptop. Alam kong lagpas hating gabi na pero heto pa rin ako, nanonood ng anime, kahit na may klase pa ako bukas.

Pero sinong may pake mag-aral? Tss. I'd rather watch a lot of anime instead of focusing on my study, it's just a waste of time, lalo na't wala naman akong pangarap sa buhay. Actually, dapat magda-drop na ako, pero graduating student na ako kaya tapusin ko na lang daw dahil ilang buwan na lang din naman. Then pwede na akong maging pariwara, but at least may natapos ako na pwede kong magamit if ever man na gusto ko pang magtino, that's what my older brother told me.

Inabot ko ang lata ng cola at uminom mula roon.

"Sukidayo."

Naibuga ko sa hangin ang nainom ko nang marinig ang katagang iyon. Nanginginig akong tumingin sa screen at halos kumawala na sa katawan ko ang aking kaluluwa. Hug. They're hugging! They are freaking hugging for Saitama's sake!

"Shit!" Mariin kong hinawakan ang lata ng cola dahilan para mayupi ito at ibinato sa isang sulok. "I don't need those romance! Fuck off! Fuck off! Aaaaahhhh!" I just want some fantasy story, I don't want those side romance, it made me sick.

Natigil ako sa pagsigaw nang bumukas ang pinto ng aking kwarto at agad na tumambad sa aking paningin ang malaking demonyong nakatayo mula roon. Magulo ang buhok niya maging ang pantulog niya, yakap-yakap niya pa ang unan niya. Malalim itong suminghap at umatras.

Shit!

Bago pa man ako makapagtago sa ilalim ng higaan ko ay tumama agad ang matigas na bagay sa aking batok dahilan para masubsob ang mukha ko sa sahig habang nasa itaas pa lang ng kama ang kalahati ng aking katawan. Unan lang ang ibinato niya pero pakiramdam ko binato niya ako ng malaking appliances.

"Go to sleep, moron!" bulyaw pa nito at malakas ulit na isinarado ang pinto.

Namutla na lang ako at ibinangon ang aking sarili. Naupo ako ng maayos sa sahig at hinilot ang aking kaliwang pisngi. Napaka-bayolente talaga niya. Nang dahil sa kaniya lagi akong pumapasok sa school na may pasa o may sugat. That was Coles Caissus, my elder brother. Dalawa na lang kaming nasa bahay, or should I say, dalawa na lang kaming buhay sa pamilya namin. Hindi gaya ko ay marami siyang pangarap, and he's a busy person. Malayong-malayo ang ugali niya sa akin, even sa mindset. But luckily I have him in my life dahil siya ang bumubuhay at nagpapaaral sa akin.

Tumayo na ako at nag-inat. Bukas ko na lang liligpitin ang kalat ko, mas maliwanag bukas. Lumabas muna ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Alas-dos na pala ng madaling araw. Kailangan ko pang gumising ng seven-thirty at pumasok sa school ng saktong eight. Parang ayoko na talaga mag-aral.

Nakarinig ako ng pagkalabog mula sa kabilang bahay, parang may nahulog na mabigat na bagay mula sa second floor ng bahay nila. Out of curiosity ay lumabas ako ng bahay at tinignan ang kulay abong bahay na nasa bandang kanan lang ng bahay namin. Tinatangay ng hangin ang mahabang kurtina sa bandang balcony nila. Ang alam ko ay pulis ang nakatira roon kasama ang asawa at anak niya. Nagtagal ako sa labas na nakatitig lang sa kurtina, mukhang guni-guni ko lang 'yung narinig ko or may binato lang silang basura. Oh well, mukha na akong tsismoso.

Napangiwi ako nang maramdamang naiihi ako kaya naman tumuloy na ako sa labas at inihian na lang ang halaman ni Coles. Ang sabi nila okay lang daw sa halaman ang ihi, dapat magpasalamat sa akin si Coles, pero kapag sinabi ko sa kaniyang inihian ko ang halaman niya... paniguradong puputulin niya ang pagiging Adan ko.

Habang nag-eenjoy ako sa pag-ihi, bigla na lang may malamig na bagay akong naramdaman mula sa aking likod at may kamay na humawak sa aking balikat.

"What did you see?" mahinang bulong ng boses lalaki sa likuran ng aking tainga. Umatras lang ako ng kaunti para sana lingunin at tignan kung sino iyon, pero natigilan agad ako nang maramdamang bumaon sa balat ko ang matulis na dulo nito. Kutsilyo? Sigurado akong kutsilyo ang nakatutok sa akin, pero bakit?

Nanatili lang kami sa ganuong posisyon. Kahit papa'no ay kalmado pa naman ako. Buong buhay ko ay humihinga ako sa loob ng bahay naming parang impyerno kapag meron si Coles, hindi ako matatakot ng kutsilyo lang, mas malala pa sa ganitong posisyon ang pinagdaanan ko.

"Nangangalay na ako, pwede bang tutukan mo'ko habang nakaupo?" suhesyon ko at naramdamang natigilan ito.

Kalauna'y natawa naman ito. Nanindig agad ang aking balahibo nang maramdaman ang malambot na kung ano sa aking tainga. Dila. Dinilaan niya ang tainga ko.

"How bold of you to say that when you only have a little penis."

Napangiwi ako sa sinabi nito pero naputol ang usapan namin nang bigla na lang umalingawngaw ang malakas na pagtili ng babaeng nakatira sa kabilang bahay. Kasunod nu'n ay hindi na nasabayan ng mata ko ang mga nangyari. Nakarinig ako ng putok ng baril at nawala ang taong nasa likod ko. Tumingin ako sa pintuan ng bahay namin at nakita roon si Coles. Tuwid siyang nakatayo habang hawak ng isa niyang kamay ang isang baril.

Umm, okay, aaminin kong ang cool niya. 'Yun ang bagay na hindi ko maipagkakait kahit na gusto ko siyang laitin lagi.

"Pumasok ka na," saad ni Coles at ibinaba ang kaniyang baril sabay naglakad patungo sa bakod para tignan ang kapitbahay namin. Imbes na sundin siya ay nakiosyoso rin ako. Dumungaw ako at nakita ang katawan ng isang lalaki na nakahiga sa damuhan, nagkukulay pula na ang damo. Nakamulat din ang mata nito at kung titignan ng mabuti ay mapapansing wala na siyang buhay. Panay ang pagsigaw ng asawang babae habang pinapakalma siya ng babae niyang anak— na mukhang kaedaran ko lang— at umiiyak na rin ang batang lalaki.

"Kei, sinabi ko ng pumasok—"

Naputol ang panonood ko sa magpapamilya nang marahas na hinila ni Coles ang aking braso at tinignan nito ang aking likod, itinaas niya pa ang aking damit. "Sinaksak ka niya? Sabihin mo, anong nangyari?"

"Umm, ano—"

Tinakpan niya ang aking bibig at inilabas ang kaniyang phone. May tinawagan siya mula roon at sinabihan akong mamaya ko na sabihin. Muli niya akong inutusang pumasok na sa loob para gamutin ang sugat ko at siya na ang bahala sa kapitbahay namin. Hindi na ako nagreklamo, alam kong hindi naman nila ako kailangan at wala akong maitutulong sa kanila.

Bumalik na ako sa aking kwarto at dumapa sa aking higaan. Hindi nagtagal ay narinig ko ang sirena ng sasakyan ng mga pulis sa tapat ng bahay namin. Wala akong clue sa mga nangyari kanina at hindi rin makapagproseso ng maayos ang utak ko. Unti-unti ay nakaramdam ako ng pagod. Bumigat ang talukap ng aking mata kaya unti-unti kong ipinikit ang aking mata, hanggang sa makatulog na ako.

|•••|

A/N: Putting back my draft bl story. Hope you'll like it(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

Assassin's PossessionWhere stories live. Discover now