Chapter 3

13 2 0
                                    

I almost choked on my own saliva because of his endearment. Nangbibigla kasi, e. Ramdam kong uminit ang aking pisngi at sigurado akong namumula na ito.

Kumurap-kurap akong nag-iwas ng tingin sa kanya at muling humarap kina Jia na ngayon ay nag-iinuman na. Bakit hindi nila ako sinali? Napanguso ako.

Napaigtad ako nang biglang may pumatong na kamay sa aking balikat. Nilingon ko at kamay ni Aris ang nakita ko. Sekreto kong ginalaw ang balikat para alisin ang kamay niya ngunit nagmamatigas siya.

Inis ko siyang lingon na ngayon ay nakaupo na. "Pwede bang alisin mo ang kamay mo? Kung hindi, babaliin ko yan." hindi niya ako pinapansin at nakikipag tawanan lang siya sa mga kasama niya.

Umirap ako at hinayaan ko na lang siya saka sumali sa usapan at inuman ng kasama.

Hindi nila ako masyadong pinainom dahil lahat sila ay binalaan ni Aris wag akong painumin ng marami. Gusto kong ma-inggit sa kaibigan ko kasi pinayagan siyang uminom habang ako ay tatlong baso lang ata ang nainom.

Para naman kasing boyfriend ko kung umasta ang lalaking 'to, e! Katulad ngayon, binigyan ako ng baso ni Jia na may laman na alak ay inagaw lang 'yon ni Aris sa kamay ko at siya ang uminom.

"Three glasses are enough." mahina ngunit paos niyang bulong sa akin. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking batok. "Hindi magandang tingnan sa babae ang malasing kasama ang mga lalaki!" napatikhim ako at napalunok.

Hinarap ko siya at sinagot. "H-hindi lang naman ako ang babae rito." napanguso ako.

"Kahit na. Wag ng matigas ang ulo!"

"Ano ang gagawin ko dito? Tutunganga? Manonood sa inyo? Ganun?"

"Bibilhan na lang kita ng juice at 'yon ang inumin mo."

"Ayoko nga!"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" problemadong anito. Narinig ko bumuntong hininga siya.

"Problemado ka ata, pre?" napatingin siya sa mga kaibigan niya ng magtawanan ito at ganun din ako. "Mukhang dalawang ulo ang sasakit sayo..."

"Shut up, Sebastian! Sumakit na nga pareho...."

Hindi ko maintindihan ang sinabi nila pero hindi ko na pinansin 'yon. Gusto kong uminom dahil nauuhaw ako kaya tumayo ako at umalis saka nagtungo sa bar counter subalit hindi pa ako nakarating ay may humawak sa kamay ko ng mahigpit at hinila ako pabalik.

Napamura ako sa higpit. Pinagmasdan ko ang kanyang braso. The vein of his hands were now more visible dahil sa paghawak ng mahigpit sa aking kamay. At nakapasexy nitong tingnan.

Marahan niya akong tinulak paupo sa inuupuan ko kanina habang nagpapaawa akong nakatingin sa kanya at nakatulis ang labi. Sana madala siya sa paawa ko!

"Hindi mo ako madadaan sa paawa mo! At yang labi na yan, paduduguin ko yan." mabilis kong tinakpan ang labi at tinalikuran siya.

Hanggang umabot ng alas onse ay nakasimangot lang ako. Umalis si Jia at Chandre. Naiwan akong mag-isa sa lamesa habang sila Aris ay nagsasayawan. Inaya nila akong sumayaw ngunit tumanggi ako. Paano ako sasayaw kung ganito ang mood ko? Paano ako sasayaw ng maayos kung may nagbabantay sa akin? Hindi ako maka grind, twerk o ano pa dahil nandyan siya.

Nang hindi nakatingin si Aris sa gawi ko ay mabilis akong tumakas at lumabas. Gusto ko ng umuwi pero wala akong dalang sasakyan. Paano ako uuwi nito?

Kinabukasan nagising ako dahil sa lamig ng aircon na nakalimutan kong hinaan kaninang madaling araw at kailangan ko na ring gumising dahil may negosyo pa akong aasikasuhin. Kahit antok pa ako ay pinilit bumangon at dumeresto sa banyo para maligo.

Lumabas ako ng room ng bihis na at bumaba. Nadatnan ko ang kapatid ko na nakahiga sa sofa.

"Good morning, kuya!" bati ko.

"Morning, baby!"

"Where were you last night? Bakit nawala ka sa grupo?"

"May inaasikaso lang akong importante...."

Tumango lang ako at hindi ko na siya sumagot bagkus ay humila ako ng upuan saka umupo ng makarating ako sa hapag.

"Binatayan ka ba ni Aris ng mabuti nung umalis ako?" tanong niya at lumaki ang mata ko ng maintindihan ang sinabi niya.

"What?"

"Binantayan ka ba niya o nilandi lang?"

Nag-init ang mukha ko ng maalala ang mga ginawa ng binata sa akin. "N-no, binantayan niya lang ako, Kuya."

"Good. Dahil kundi mapapatay ko ang kaibigan ko na 'yon."

After an hour ay tinawagan ko si Wen habang nasa gitna ako ng traffic kung nasa shop na ba siya. Damn this. Kaya ayokong dumaan rito sa Ayala kahit malapit lang sa shop ko. Hindi aabutin ng isang oras ang byahe ko dahil sa layo, aabutin naman ng isang oras dahil sa traffic.

Nakahinga ako ng maluwag nang umusad na ang traffic at nagtuloy-tuloy na hanggang makarating ako sa shop. Pumasok ako sa loob at binati ako ng mga empleyado ko.

"Good morning, Ma'am Solana.." bati ng mga empleyado ko nang makapasok ako.

"Morning..."

Magaan ang aking pakiramdam na pumasok ako sa office ko at umupo sa swivel chair saka nag-uunat ng kamay nang bumukas ang pinto at pumasok roon si Wen nang hindi kumatok.

Sumalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Yes, Wen?"

"M-ma'am, may naghahanap po sa'yo sa labas?" kumunot ang noo ko.

Kakarating ko lang may naghahanap agad?

"Sino?"

"Hindi ko po kilala, ma'am, e. Lalaki po siya." sagot niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Tumango ako at tumayo. Sabay kaming lumabas ng office at pinuntahan ang naghahanap sa akin.

"Where is he?" mahina kong tanong sa kanya.

Tinuro niya ang lalaking nakaupo sa upuan na umiinom ng tea at kinunan pa ng litrato ng isang dalagita. Malalaki ang hakbang akong naglakad papunta sa kanya. Matalim kong tinignan ang babae at napayuko ang ito. Ang bata-bata pa, malandi na.

"Anong ginagawa mo dito?" agad kong tanong sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. May nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang makita ako.

"Visiting you," he answered "because I miss you..."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"H-huwag ka ngang magbiro." nauutal kong sabi. "At bakit alam mong narito ako?"

"I've been following you since I first saw you."

Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Damn it!

'Wag kang maniwala sa kanya, Solana. Wag kang makinig sa kanya. 'Wag kang magpapaloko sa kanyang matatamis na salita.

Hindi dapat sa kanya tumibok ng mabilis ang puso mo. Sa iba dapat! Pigilan mo ang iyong puso mo, Solana.

He sighed. "Your brother will be angry with me when he finds out I am attracted to his younger sister." he laughed and then kissed me on the cheek.

My cheeks blushed at what he did.

SerialGhoster

A Corner Of Paradise Where stories live. Discover now