BAKA PWEDE NYO AKONG IMBETAHAN SA KASAL NIYO? tanong sa amin ni Tyron

OKAY LANG SA AKIN BRO, PERO EWAN KO LANG KAY DWIGHT KUNG PAPAYAG SIYA. sagot ko naman sa kanya

Seryuso? gusto niyang umattend sa wedding namin ni Dwight? Hindi ba siya naiilang na ex niya ikakasal mismo sa kanyang harapan with other guy?

OO NAMAN, HINDI KAYO MAWAWALA NI INSAN BEN. LOVE KO DIN KAYA KAYO.. sagot naman niya kaya ngumiti na lamang ako sa kanya.

Dumaan ang Dalawang araw ay unti-unti nang bumubuti ang pakiradam ni Dwight, kinausap naman niya ako na eh reschedule na lamang ang aming kasal kasi gusto pa niyang mag palakas at para nadin makapag pahinga siya nang maayos. Sumang'ayon naman ako sa kanya at ginawa ko naman ang gusto niya. Sinunod ko lahat nang mga sinasabi niya sa akin. At si Tyron naman ay bumibisita din kay Dwight. Hindi naman ako nag seselos kasi maayos naman ako kinausap ni Tyron about kung pwede niya bisitahin si Dwight, kaya no problem sa akin yun.

―――――

( Dwight's pov )

Pagkatapos ng araw na 'yun ay itinuloy namin ang prepasyon sa amin kasal. Naipadala na din namin ang mga invitations sa lahat ng malalapit naming mga kamag-anak at kaibigan, maging ang mga kaibigan ni mama noon. Ewan ko lang susupot sila. Siyempre hindi mawawala ang malalapit kong kaibigan gaya ni Insan Ben at saka my ex lover Tyron.

Dumating ang araw ng aming kasal ni Ziggy at naging isa itong napaka engrande. Dinaig pa ang Marian Rivera at Dingdong Dantes na wedding ceremony. Hindi ko lubos maipaliwanag kung ano ang mga kagamitang ginamit ng organizer para magawang parang royal wedding ang disenyo ng aming kasal. Nagmistulang paraiso ang hilltop view na aming pinagdausan ng kasal, at si Ziggy ay nagmistulang napakagwapong prinsipe sa isang fairytale.

Kulay puti ang kaniyang suot na suit habang itim naman ang sa akin. Kabadong-kabado ako na halos magiba na ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Mahirap isalarawan ang sari-saring emosyon na naramdaman ko sa kasal namin basta alam ko masaya ako.

Noong naglalakad pa lamang ako sa red carpet habang nakatitig kay Ziggy na naghihintay sa akin sa altar ay umiiyak na ako. Hindi ko lang mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo ng moment na 'yun. Kaya siguro karamihan din sa mga bisita'y naiyak. Maging si Ziggy ay nagpapahid ng luha.

Lalo pa akong naiyak ng abutin niya ang kamay ko, mas nadagdagn pa ang emosyon ko ng magpalitan kami ng vows at naghalikan. Ng maging ganap na kaming mag-asawa ay parang nabuo ang parti ng pagkatao ko na matagal ko ng binubuo. Parang natagpuan ko na ang missing piece ng aking pagkatao. At para akong lumilipad sa alapaap.

Eninjoy lang namin ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Ziggy. Nakangiti pa kami habang pinapanood ang aming prenup na video. Hindi ko maimagine na magiging maganda ang kalalabasan ng aming short video, kahit na bitter pa ako ng mga panahon na 'yun.

Pagkatapos ng aming kasal ay ginamit namin ang regalo sa aming vacation trip sa Palawan, para na rin daw sa aming honeymoon.
Pagdating naming dalawa sa Palawan ay nagsaya lang kaming dalawa at sinulit ang bawat segundo ng unang araw ng aming pagiging mag-asawa. Sa unang gabi pa lamang namin sa Palawan ay nangyari na ang aming honeymoon.

Dahan-dahang hinubad ni Ziggy ang aking damit habang siya'y malalim na nakatitig sa akin. Inilagay niya ang dalawa niyang palad sa aking magkabilang pisngi at naglakbay ang kaniyang mata sa aking mukha, tumigil lamang siya sa aking labi na bahagya pang nakaawang dahil sa kakaibang init na nararamdaman ko.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa akin hanggang sa maglapat na nga ang mga labi namin. Malambot ang kaniyang labi kaya hindi ko napigilang igalaw ang aking bibig para lasahan ito, at ng malasahan ko ito'y doon ko natagpuan ang kakaibang sarap na hindi ko pa natitikman. Marahil dahil sa pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa ngayong ginagawa namin ito.

NAKAW NA SANDALI (Complete)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα