part 29

475 6 0
                                    

Ⓒ︎Ⓗ︎Ⓐ︎Ⓟ︎Ⓣ︎Ⓔ︎Ⓡ︎: 29


10 minutes na akong nakaupo dito sa loob ng Starbucks pero hindi pa rin dumadating si Ben. Siguro na traffic lang siya sa daan kaya siya natagalan kaya naghintay pa ako. Besides, 10 minutes is very early para ma late siya.
Pakiramdam ko mahalaga ang sasabihin niya dahil gusto pa niyang makipagkita ng personal wheres pwedi namang sa cellphone na lang. Ano kaya sasabihin niya sa akin?

Nag-order na lang ako ng kape at cake para sa aming dalawa nang saganun kapag dumating siya ay saktong ihahain na din sa amin. Nagscroll na lang ako sa cellphone habang naghihintay.

Another 10 minutes have passed when I saw the image of Ben entering the establishment. Ngumiti ako at ngumiti din siya pero kaagad nawala ang ngiti ko at sinakop ako ng kakaibang pakiramdam ng makita ko ang taong kasunod niya---si Tyron.

Kasama ni Ben si Tyron. At hindi ko alam kung ano itong reaksyon ng sistema ko. Sinakop ako ng kaba, sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. I tried to calm myself. Bakit sila magkasama? And then I realize, pwedi kayang siya ang dahilan ng biglaang pagkikita namin ni Ben.

Nakatulala ako sa kanila habang papalapit sila sa akin. Tyron, my bestfriend and my ex-boyfriend was now standing in front of me. He's wearing an awkward smile. He's staring at me and when our eyes met, I was drown sa lalim ng titig niya sa akin. It's as if mayroon siyang gustong sabihin sa akin. It's as if sobrang na miss niya ako at kung pupwedi lang yayakapin na niya ako. Pero siguro nagkakamali lang ako ng akala, why would he feel that? Hindi naman na niya ako mahal. Hindi naman ako mahalaga sa kanya. May masaya na siyang pamilya.

DWIGHT? he said. His voice was coated with pain. I don't know why but hearing him saying my name brought a lot of memories in the past. Those memories that we've shared together.

TY...TYRON. SIGE UPO KAYO. I said inviting them. Naupo naman silang dalawa.

MATAGAL DIN NA NAGKASAMA ULIT TAYO AH. ang pagsisimula ni Ben sa conversation.

I know that he's just trying to ease the tension between me and Edzel. I know he feels kung gaano ka awkward ngayon.

WAIT LANG, DAGDAGAN KO LANG YUNG INORDER KO. ang sabi ko sa kanila at saka tumayo ako. Nagpunta ako sa counter at pinadagdagan ko ng isa ang order ko then I told them to serve it already.

Naglabas muna ako ng malakas na buntong-hininga bago ako bumalik sa table namin.

ANG INIT DITO. WALA BA SILANG AIRCON. Nasabi ni Ben bigla ng mamayani ang katahimikan.

AH, NGA PALA DWIGHT? KAILAN ANG KASAL MO? Naitanong ni Ben.

Napatitig sa akin si Tyron. Hindi ko alam pero parang nakita ko ang pagdaloy ng sakit sa ekspresyon ng mga mata niya. Apektado kaya siya sa pagpapakasal ko? Does he also feel the same thing na naramdaman ko nung ikasal siya?

UHHMM 2 WEEKS FROM NOW NA. DI PA KAMI NAKAPAG SEND NG INVITATIONS DAHIL HINDI PA TAPOS. MAYBE THE OTHER DAY PWEDI NA. WAG KAYONG MAWAWALA SA WEDDING KO HA. ang sabi ko sa kanila

Napatingin si Ben kay Tyron sa parang nalulungkot dahil sa sinabi ko.

EH SAAN YUNG VENUE? Tanong ulit niya.

Tahimik lang si Tyron na nakikinig sa amin.

SA TRINIDAD HILLTOP VIEW.  maiksi kong sagot.

Sa dami ng pweding pag-usapan bakit parang wala kaming mahanap na topic. Bakit parang naubusan ako ng sasabihin. I know, it's because nasa tabi lang si Tyron. I can't just let myself talk. Parang may pumipigil sa akin.

NAKAW NA SANDALI (Complete)Where stories live. Discover now