Natawa ako at napapailing na lang si number eleven. Pero totoo naman kasi iyon. Kung magbigay naman kaya sila ng chance sa ibang school, 'no? Pero indication din kasi iyon na dapat naming itaas ang laro namin para pumantay sa Westmore at Easton.

Mahirap pero alam kong babawi talaga kami next season.

Babawi ako. Gusto kong mag-finals din. Gusto kong makalaban sa huli ang team nila number eleven.

Manifesting finals and championship for Creston U!

"Pero tanong ko lang, ganito ka ba talaga?"

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"I mean, ganito. Nanlilibre kapag nakaka-facial hit."

"Uh... no."

"Weh? Ang dami mo na sigurong nalibre, 'no?"

Umiling siya. "Ikaw pa lang naman ang nafe-facial hit ko."

Nag-Tagalog siya! Ang conyo pakinggan pero nag-Tagalog din siya sa wakas! Pero mas nagulat ako na ako pa lang ang natatamaan niya ng bola sa mukha. Parang imposible kasi.

"Talaga ba? Hindi ako naniniwala!"

"It's the truth."

"Parang gusto ko na tuloy magpa-facial hit sa 'yo palagi para may libreng food," tumawa ako pero mukhang hindi bumenta iyon kay number eleven. Kumunot iyong noo niya.

"I don't want to hurt you," sabi niya.

Nagkatinginan kami.

Hindi ako nakasagot agad. Wait, ano bang isasagot sa sinabi niya? Parang ito iyong mga times na hindi ko alam kung anong ire-reply ko sa kaniya sa DM.

Ewan ko. Naging awkward bigla iyong paligid.

"Ano ka ba," sa wakas ay nakapag-react din ako. "Hindi naman iyon maiiwasan minsan sa game. Ang mahalaga, hindi mo sinasadya mang-facial. 'Tsaka paano mo naman ako mafe-facial ulit kung palagi mo namang iniiwas sa 'kin iyong mga palo mo? Akala mo, hindi ko napapansin iyon kapag magkalaban tayo?"

Umawang ang labi niya at wala na iyong kunot ng noo. Buti naman! Ang awkward kanina, e. Pero base ngayon sa reaksyon niya, guilty si MVP. Huli ka!

"That's because you're too good on defense."

"T-talaga?" Napakurap ako kasi good daw ang defense ko! Compliment iyon galing sa MVP!

"Yeah..."

"Thank you... pero kahit na! Dapat i-challenge mo pa rin ako. Alam ko isa iyon sa mga strategies n'yo pero paano ako magiging Best Libero kung wala akong naaangat na bola?"

Tumawa si number eleven. Sumimangot naman ako. Seryoso kaya ako. Palibhasa parang namimitas lang siya ng mga prutas kung makahakot ng mga individual awards, e.

"Tawa ka diyan. Ang dami mo na kasing awards, e. Mamigay ka kaya?"

"I want to but I'm not a libero."

"Sabagay..."

"But being a champion is so much better than having an individual award. What's the point of being the best open spiker in the league if you didn't get the gold medal?"

Tumango ako. "Tama ka naman diyan. Parang iyong best ka sa halos lahat ng subject n'yo pero hindi ikaw iyong valedictorian."

After all, iyong championship naman talaga ang main reason kung bakit kami nagte-training halos araw-araw. Bonus na lang ang individual award. Ang mahalaga, matutulog kang champion.

Sana nga lang ay magawa namin iyon next season.

Dumating na iyong pagkain namin. Pareho lang kami ng in-order ni number eleven. Doon ko lang na-realize na nagugutom na pala ako nang makita ko iyong pad thai. At lalo na no'ng matikman ko iyon. Ang sarap! Tatandaan ko na 'tong restaurant na 'to para kapag nag-crave ako, e, alam ko na kung saan pupunta.

Actually, nabitin nga ako, e. Tinanong ako ni number eleven kung gusto ko pa raw mag-order pero tumanggi na ako. Nakakahiya naman, 'no. Nag-focus na lang ako sa mango sticky rice na nagustuhan ko rin kasi hindi siya gano'n katamis.

Habang nagde-dessert kami, nagtanong lang ako ng mga kung anu-ano kay number eleven.

Aba, pagkakataon ko na 'to, 'no. Fan niya rin naman ako, e. Nag-feeling courtside reporter ako sa mga tinanong ko sa kaniya. Anong mga pre-game rituals niya. Anong mindset before, during, and after a game. Anong kinakain niya before maglaro. Paano siya natuto mag-volleyball. Sino idol niya. Ano next plan niya after college. Sinagot naman niya lahat ng iyon.

Doon ko rin na-realize na seryoso lang talaga siya kapag nasa court na. May nabasa ako dati na snob daw 'tong si number eleven pero ngayong nakausap ko na siya sa personal, parang hindi naman.

Ang bait niya nga, e.

Deserved niya lahat ng achievements na meron siya.

Tapos nalaman ko nga rin na chemical engineering pala ang course niya. Chemical engineering! E, ang hirap no'n, 'di ba? Hindi ko ma-imagine kung paano niya napagsasabay ang pag-aaral at volleyball pero kinakaya pa naman daw niya. Time management is the key raw.

Grabe. Matalino na, disiplinado pa. Kaya MVP, e.

Tapos dagdag mo pa na parang ang dali lang sa kaniya ng volleyball.

Samantalang ako, mas madalas pang mag-pray para kayanin ang pagiging student-athlete sa araw-araw.

No'ng naglalakad na kami pabalik sa Westmore, si number eleven naman ang nagtanong. Same questions lang din. Sinagot ko rin naman lahat. Medyo nadi-distract nga lang ako sa height difference naming dalawa.

Ang tangkad kasi talaga niya.

Ang laki pa ng katawan.

Makapag-workout nga bukas.

"Uy, thank you ulit sa libre," sabi ko nang makarating na kami sa waiting shed sa tapat ng Westmore. Hindi ko na namalayan iyong oras sa totoo lang. 10PM pa naman ang curfew sa dorm pero napahaba pala iyong kwentuhan namin.

"You're welcome," sagot ni number eleven.

"Next time, ako naman manlilibre. Kapag champion na kami."

Ngumiti siya. "I'm looking forward to it."

"Pero 'wag sa Thailand ha? Hanggang Baguio lang ang budget ko."

Natawa siya. Natawa rin ako pero seryoso iyon. Hindi naman ako kasing-rich kid nitong si number eleven, 'no.

"Iyon na iyong jeep ko," sabi ko nang matanaw iyon na parating. "Ingat pabalik sa dorm n'yo, MVP. Salamat ulit."

Kumaway na ako sa kaniya nang bigla niyang guluhin iyong buhok ko. Nagkatinginan kami. Nakangiti siya habang ginagawa iyon.

"Ingat din. Thank you for tonight, Kaizen."

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now