Chapter 5

2.3K 37 3
                                    


SA BUONG magdamag na iyon ay hindi iilang beses na tumawag si Kier sa kanya. "Katabi mo ba sa kama si Benedict, Blanca?" Galit nitong sinabi. "Did he screw you already?"

"Damn you, Kier!" Naiiyak niyang sinabi kasabay ng pagbagsak ng telepono. Hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking minahal niya.

Subalit hindi huminto roon ang binata. May kung ilang beses pa rin itong tumawag whispering obscene talks. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya'y naintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng terrified. Ang kaibahan nga lang ay kilala niya kung sino ang nasa kabilang linya.

Nahinto lamang ang mga tawag ng i-hang niya ang telepono. Ganoon man ay hindi naging madali para kay Blanca ang matulog. Iniisip na nasa tabi lang si Kier at anumang oras ay papasukin siya nito.

But that was foolish. Hindi kriminal si Kier. Galit lang ito at kaya lamang nagkakalakas-loob na takutin at pagbalakan siyang gawan ng masama ay dahil alam na kakampi nito si Denise. Ganoon pa man ay hindi niya maiwasang hindi matakot.

TANGHALI na siyang nagising kinabukasan. Nagulat pa siya nang makita ang oras sa relo. Alas-nueve. Nag-iisa na lang siya sa higaan. Tinitigan ang telepono na naka-hang pa sa receiver nito. Wala sa loob na inangat nang maka-ulinig ng nag-uusap.

"I'm leaving now, Kier," si Denise. "Inutusan kong mamalengke si Tonya. Tulog pa hanggang ngayon ang mabait kong stepsister. At kung wala ka pang magawa pagkatapos nito ay ewan ko na lang sa iyo."

Nanlaki ang mga mata ni Blanca. Halos hindi huminga.

"Thanks, Denise. You're an angel. Ano ang gusto mong iregalo ko sa iyo," nakatawang wika ni Kier.

"Pag-iisipan ko pa, lover boy." Natatawang sagot nito. "Alam mo nagtataka rin naman ako sa iyo. Ano ba naman ang ikinagusto mo kay Blanca gayong mas maraming magagandang babaeng naghahabol sa iyo? Don't tell me it was because she's a virgin?" Tumawa si Kier.

"Problema ko na iyon, Denise."

Hinintay ng dalagang maibaba ng dalawa ang telepono bago unti-unting ibinalik sa receiver ang telepono sa nanginginig na mga kamay.

Pagbaba niya ay nasa pinto na si Denise at paalis na. Huminto ito sa paglabas nang matanawan siyang bumababa sa hagdan.

"Gising ka na pala, Blanca," wika nito na ngumisi.

"Napuyat ka nga raw kagabi sabi ni Tonya. Anyway, aalis na muna ako. May appointment ako sa isang kliyente."

"Linggo ngayon, Denise," she stupidly said. Sinikap na huwag ipahalata ang matinding galit dito kasama na ang nagbabadyang takot.

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. "Oh, you know these clients. Hindi mo mahulaan kung kailan magbabago ngisip. Ciao."

Hanggang sa makaalis ito'y walang salitang namutawi sa bibig ng dalaga. Mabilis na tumakbo sa kusina at hinanap ang katulong at nagbakasakaling naroon pa. Subalit nakaalis na ito.

Muli siyang bumalik sa silid niya at nagpalit ng jeans and t-shirt. Kailangang makaalis siya bago dumating si Kier. Pagkabihis ay bumaba at lumabas ng bahay. Nasa labas na siya ng gate nang matanawan niya ang parating na kotse ni Kier. Napasinghap ang dalaga. Sunod-sunod ang kaba ng dibdib.

Mabilis na muling pumasok ng bakuran ang dalaga. Kung ikakandado niya ang gate ay hmdi makapapasok si Tonya. Hindi niya matiyak kung anong oras uuwi si Denise. Kung lalabas siya sa kalye ay lalo lamang na hindi ruya maiiwasan ang binata. Sandali siyang natilihan. Ano ang gagawin niya? Tatakbo ba siya sa kapitbahay upang humingi ng tulong dahil may masamang tangka sa kanya si Kier? She would appear foolish. Bagaman walang pakialaman ang mga kapitbahayan ay halos nahuhulaan na ng mga ito na magboyfriend silang dalawa. Sa loob ng limang buwan ay constant sight si Kier sa kanila.

All-Time Favorite: First Time I Saw YouWhere stories live. Discover now