"At wala namang masama roon, Denise," si Rowena sa anak. "Napaka-liberal kong tao. Malalaki na kayo at may mga sari-sariling isip. Alam na ninyo ang tama at mali. Kung ikaw ay gusto mo ng all-the-way sa pakiki-pagrelasyon sa boyfriend mo, then go ahead. Hindi kita napigilan, doon, "'di ba?"

Ewan ni Blanca kung imahinasyon n'ya lang pero may nahihimigan siyang bitterness sa tono ng madrasta. "As long as you don't get yourself pregnant," wika nito sa panuntunang natutuhan sa maraming mga taong paninirahan sa ibang bansa.

Nagtrabaho sa Amerika si Rowena at doon na rin nakapag-asawa ng isang foreigner makalipas lamang ang dalawang taon. Trece anyos si Denise nang mabiyuda si Rowena. Bumalik sa Pilipinas kasama ang anak upang dito na mamirmihan. Nakilala nito ang ama ni Blanca, si Herman dela Fuente, minsang magtungo ng Maynila si Herman para sa seminar ng mga high school teachers. Nagkagustuhan ang dalawa at nagpakasal.

Sa unang limang taon ay nanatili sa probinsiya ang mag-anak bagaman sukal sa loob ni Denise. Subalit nahimok ni Rowena si Herman na sa Maynila na manirahan dahil mas malaki ang oportunidad nito na matulungan ang asawa sa pagtatrabaho. Totoo naman dahil naging isang matagumpay na realtor sales agent si Rowena at malaking bagay para sa kanilang mag-anak ang dagdag na income.

Ipinagbili ni Herman ang kaunting ari-arian sa probinsiya at sa trabaho ni Rowena ay naging madali para sa kanila ang makakuha ng isang bahay at lupa sa isang subdivision sa Fairview. Natanggap namang guro si Herman sa isa sa mga public high schools sa Maynila.

Hustong nakatapos ng kolehiyo si Blanca may walong buwan na ang hakararaan nang mamatay si Herman. Inatake ito sa puso habang nagda-drive ng sasakyan pauwi kasama si Rowena. Bumunggo sa poste ng ilaw ang kotse at noon din ay namatay si Herman. Si Rowena ay pinalad na hindi gaanong nasaktan.

"Hindi na uso si Maria Clara, Blanca," patuloy ni Denise.

"Karaniwan na lang ang sex sa magkasintahan. Ipinahahayag niyon ang damdamin ninyo sa isa't isa."

Hindi sumagot si Blanca. Hindi niya gustong makipagtalo sa stepsister sa harap ng tiyahin. Isa pa, kahit na ano pa ang sabihin niya ay hindi rin siya mananalo kay Denise. May sarili itong opinion at hindi na iyon mababago. And she has her own, too.

Physically, ay gusto niyang managhili sa stepsister. She's beautiful. Lagi nang nakakatawag ng pansin. Mestiza dahil Amerikano ang ama. Mataas at pangmodelo ang tindig. At natural ang tila mamula-mulang buhok. Si Denise ay isa ring realtor agent sa opisina ni Rowena. Dahil maganda ay malakas bumenta ng bahay at lupa ang dalaga.

She's twenty-two at dalawang taon ang kabataan kaysa kay Denise. Newly graduate at wala pang trabaho. At totoo namang may naiwang kaunting pera ang ama subalit iyon ay para sa lahat at hindi lang para sa kanya. Kumpara kay Denise, ordinaryo lang ang taas niya. Five feet ang three inches. Hindi maputi at hindi rin naman maitim. Pero kung pagtatabihin sila ni Denise ay magmumukha siyang negra.

Denise is a stunning beauty while she considered herself ordinary. Bagaman hindi ganoon ang tingin ng mga nakakakilala sa kanya. Sabi ng mga kaibigan at mga kakilala niya ay nasa kanya ang uri ng mukhang habang tinititigan ay hindi mo pagsasawaang tingnan. Somehow ay gusto niyang maniwala roon dahil noong elementary ay hindi siya iilang beses na nakukuhang muse.

Bagaman nagbagong lahat iyon nang dumating sa buhay niya si Denise. Si Denise ang naging center of attraction dahil sa obvious na pagiging half-American ng stepsister.

Subalit dahil talaga namang may sariling pang-akit ay hindi siya nawalan ng manliligaw. At sa loob ng nakalipas na panahon ay dalawang beses siyang nagka- boyfriend. Subalit mga pawang hindi nagtagal dahil sadyang ginagawan ng paraan ni Denise na makuha ang atensiyon ng boyfriend niya. Iyon ang nagpangyari upang kinalimutan na muna niya ang pakikipag-boyfriend at isinubsob ang sarili sa pag-aaral and graduated with honors.

All-Time Favorite: First Time I Saw YouWhere stories live. Discover now