CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

I hugged her.

"Then he left me."

"Sorry Aish. Why didn't you tell me?"

"Kasi masaya na kayo. Hindi din ako nagparamdam, nagtext or something kasi grounded ako. Hahahaha! Nung pumunta ka sa bahay, sasabihin ko na sana. Kaso galit na galit ka. Anyway, kalimutan mo na yun. Haha! He's a boy pala and his name is Ryan. Sinunod ko pangalan niya sayo."

"Sorry talaga wala ako sa tabi mo. Hindi ko tuloy nakita si Baby Ryan."

"Ano ba, kasama ko siya. Haha! Tara na nga puntahan na natin sila."


"OMGGG! Di nga?! Hahaha! Wait Aish, may favor ako. Please?"

"Sure."

"I have a friend and hindi niya alam na matagal na kaming magkakilala ng pinsan mo. Nililigawan siya ng pinsan mo ngayon. Please wag mong sasabihin na magpinsan kayo. I know sobrang hirap mag act na hindi magkakakilala."

"Ano ba, we're not close anymore simula nung sinaktan ka niya. Hayy, di pa din ako makapaniwalang kaya niyang gawin yun. Gusto ko siyang kausapin para malaman yung point of view niya pero bahala na."

Bumalik na kami sa beach house ni Aish and pinakilala ko siya sakanilang lahat including Justin. Hayyyy. Sorry Katy, for your own good din naman yung ginagawa namin. Nakita ko na pala si Ryan, sobrang cute niya.

Nakakagulat lang kasi kilala niya ko. Sabi ni Aish, lagi niya kasi nakikita picture namin tapos ikkwento niya kay Ryan. Ang cute cute talaga! Chubby chubby tapos ang puti puti. Ang pula pa ng cheeks. Okay, ako na! Hahaha!

Sana tuluy tuloy na 'to!

(Kinabukasan... 3 o'clock in the morning) 


Hello Pangasinan! Ang saya saya ko kasi close na close na ulit kami ni Aisha. Parang walang nangyari. Napagusapan naman namin na wag maguusap masyado tungkol sa past kasi baka madulas kami kay Katy. Speaking of, naging close naman agad sila since same room lang naman kami. Pinagtabi tabi pa nga namin yung beds e. Hahaha! 

Kung tatanungin niyo ako kung masaya ako ngayon, ang sagot ko is OO NAMAN.

Pero kasi, bakit parang may kulang pa din?

Siguro namimiss ko lang yung family ko.

Siguro namimiss ko lang yung dating buhay ko.

3am na ng madaling araw and ako pa lang yung gising. Ako naman kasi yung pinakamaagang natulog kanina e. 

Pumunta ako sa tabi ng dagat. Kumuha ako ng stick tapos umupo ako doon. Nagsulat na naman ako ng kung anu ano. Noong natapos na ko magsulat, humiga na ako sa sand at tiningnan na lang yung moon.

Wala lang, nakatitig lang ako sa moon. Wala akong iniisip. Ewan kooo, ganito ako pag morning e, naiiwan utak ko sa kama. Hahahaha! Hayy, lakas ng hangin. Medyo malakas din yung alon pero di naman ako inaabot ng tubig. 

Nahihilo ako kaya pumikit muna ako sandali...

*JUSTIN*

Magtthree am na, hindi pa din ako natutulog. Nakaupo lang ako sa chair malapit sa beach house, hawak ko yung guitar. Ang dami kong naiisip simula kanina pa. Gusto kong malaman ni Rylie yung totoo. Gustung gusto! Pero hindi naman siya maniniwala sa akin e. Pati para saan pa? She's moving on. Ang daming lalaking naghahabol sakanya. She doesn't deserve me. 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon