CHAPTER 2 ( Order )⚠️⚠️

Start from the beginning
                                    

Humanda ka sakin Dad!

Ilang oras ang nakalipas ay nakarating ako sa bulacan. Pero may checkpoint sa daan, kaya huminto muna ako para tanggalin ang helmet ko.


May checkpoint pang nalalaman ah, anak ako ng pinakamayaman dito kaya makikilala naman nila ako once na tinanggal ko ang helmet ko.


Linagay ko na lang sa unahan ko ang helmet at pinaandar muli ang Motorbike. Pero bigla akong hinarang ng mga pulis.


"Maam, helmet niyo po."-saad pa nito at tinuro pa ang helmet na nasa unahan ko. Tinaasan ko naman sila ng Kilay.

"Bakit? Hihingiin mo ang helmet ko? Hindi naman po pwede yun, tiyaka hindi mo afford ito."-nakataas na kilay na saad ko.

Lahat sila ay parang nanlalaki pa ang mata.

"Paraanin niyo ko, or lahat kayo mawawalan ng trabaho!"-pagbabanta ko pa sa mga ito.


"Ms. patingin nga ng license Driver mo?"-tanong ng isang lalaki na nakasibilyan, nakablack Jeans ito at polo shirt. Tapos may katabing lalaking parang natatawa at may hawak na Boquet of flowers.



"At bakit mo naman titignan?"-bumaba pa ako mula sa pagkakasakay sa Motor bike at taas noo na hinarap sila. Wala akong pakialam kung mga pulis pa ang kaharap ko. Kung babarilin nila ako dito, eh ano naman? "Ang jejemon naman ng flowers!"-sabi ko at inagaw mula sa pagkakahawak nong lalaking tumatawa kanina hinulog ko ito sa semento at tinapak tapakan ng mamahaling boots ko.



"What are you doing?!"-medyo paninigaw sakin nung lalaking naka blue polo shirt at naka Jeans. Halata ang inis sa mukha nito pero parang pinipigil niya.




"Hindi ka pulis, pero gusto mo makita ang license driver ko? Tsk!" Tatalikod sana ako ng bigla akong posasan ng dalawang pulis. "WHAT THE F*CK!"


"Sa opisina na lang po kayo magpaliwanag!"-sabi ng pulis at pilit nila akong hinihila patungo sa sasakyan ng mga pulis.


"Let me go! Isusumbong ko kayo sa Daddy ko!"-sigaw ko sa mga ito, nakita ko pa ang pagngisi nung naka blue polo shirt. Humanda ka saking lalaki ka! Ang kapal ng mukha mo! Inungusan ko lang siya!

Nang maisakay sa sasakyan sa backseat ay nagpupumiglas pa rin ako. Kaya napatigil ako ng tutukan ako ng baril ng isang pulis. Na kinatahimik ko.


"Wag kang maingay, kung gusto mong umuwi ng buhay."-pagbabanta pa nito na kinayuko ko. Bigla akong kinabahan! Huhuhu! Tinago niya na yung baril at umandar na ang sasakyan paalis.


Ang Motorbike ko! Huhuhu!


Nang makarating sa police station ay pilit nila akong binababa mula sa sasakyan. Wala akong pakialam kahit pagtitinginan pa ako ng ibang tao! Kailangan kong tawagan si Daddy! Huhuhu!

Nang maipasok nila ako sa Police station ay pinasok nila ako sa isang opisina at nagulat pa ako ng makita roon si Dad at yung dalawang sibilyan na lalaki kanina. Lahat sila seryoso ang mukha, tapos si kuyang blue polo shirt ay nakaiwas ng tingin sakin.



"Dad, hinaharass ako ng mga yan."-sabi ko at tinuro itong mga pulis na pilit akong pinasok dito. Alam na pala agad ni Dad na nandito ako.



"Sige na iwan niyo muna kami,"-sabi niya at senenyasan pa niya yung dalawang pulis na humihila sakin dito. Inalis muna nila ang posas mula sa kamay ko at saka lumabas ang dalawang pulis.

Tinignan ko ng masama yung dalawang sibilyan sa may tabi ni Dad na hindi pa lumalabas.


"Maiiwan sila dito."-sabi pa ni dad ng mapansing tinitignan ko ng masama yung dalawa. "Hindi ka pa rin nagbabago! Matigas pa rin yang kukuti mo."-pagsisimula ni Dad at naglakad pa ito papalapit sakin habang seryoso itong nakatingin sakin. Inayos pa nito ang suot na eyeglasses.



"Next time kasi Dad, pagsabihan mo yang mga pulis mo na wag harang harangan ang daan ko."-medyo mahinahon kong saad at medyo napayuko pa ng tinignan niya ako ng masama.

Bakit kailangan ako pa ang sermunan niya, ako na nga itong hinarass ng mga pulis at tinutukan ng baril eh.


"Dahil wala kang helmet! Wala bang laman yang kukuti mo!"-sabi niya at dinuro duro pa kung nasaan ang utak ko.


"Pero tinutukan nila ako ng bar---"

"Because thats my order!"- pagputol niya sa sasabihin ko. Hindi pa nga natutuloy alam niya na agad kung ano. Kaya niya palang gawin yun? Ang inutos na tutukan ako ng baril, paano kung sa susunod iutos niya na patayin na ako. My God!


"Hindo kana babalik ng Maynila!"


"But Dad!"-pagputol ko.

"That's my order!"-maawturidad niyang saad.

"Dad, kanina ka pa order ng order wala ka namang sinasabi kung ano? Pizza? Hamburger? Chickenjoy? Ano po ba ang order niyo? Tiyaka hindi po ito resto, police station po ito."-sabi ko pa at napangiti kay Dad. Napahawak naman si Dad sa kaniyang sentido na halatang naiinis. Habang yung katabi ni Kuyang Blue polo shirt ay tinatakpan ang bibig niya para pigilang matawa. Tapos si Kuyang blue polo shirt ay napapailing iling na lang.



"Your getting into my Nerves Alessandra! Kaya itong tatandaan mo, magpapakasal ka sa Governor and thats my order!"-sabi niya na nagpigil ng galit. Halos manlaki pa ang mata ko sa narinig, or nabingi lang ako or kaya mali ang rinig ko.


"Dad, ipapakasal mo ko sa matandang Governor na kulubot ang katawan, butete ang tiyan at malapit ng mamatay? Nag iisip ka ba Dad?!"-medyo singhal ko rito.



"Hahahhha!"-tawa nung isang lalaki at pati yung Police officer na nakaupo ay pinipigilan na ring matawa, tapos si kuya mong Naka blue ay nakakunot ang noo sakin. Siniko niya yung katabing lalaki na tumatawa na parang timang kaya napatigil ito at napayuko pa.


"What are you saying about our Governor? Kung ano ano ma lang lumalabas diyan sa bibig mo!"-sabi pa ni Dad at dinuro duro pa ako halos maduling pa ako sa daliri niya.


"Dad, im just stating the fact. Kulubot at malapit nang mamatay ang Governor na gusto niyong ipakasal sakin."-sabi ko at napayuko pa at kunwari maiiyak na.


Bakit niya naman ako ipapakasal? Lintik lang! Naghihirap na ba siya at kailangan niya ng pera.

"Halika na sa bahay na tayo mag usap."-sabi niya then he grabed my hand walk outside the office.

FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now