Chapter 1

7 2 1
                                    


Napabuntong-hininga ako nang pagmasdan ang kabuuhan ng buong bahay. “Mamimiss ko ito.” bulong ko sa sarili.

Today is October 15 and my parents decided na lumipat kami ng tirahan para tumino ako.

I was an accountancy student and I've never been serious with my studies. Ang dami kong ginagawa to distract myself like playing various of online games, going to club almost thrice a week, watching kdramas and animes, and so on.

Buti nga at wala akong lovelife ngayon e, baka mas lalong hindi ako makapagfocus. Meron lang akong naging ka-fling, I thought nga ay magiging in a 'serious' relationship na kami. But then, napagalaman kong pareho pala kami ng gusto. Tsk, pogi pa naman niya.

Kaya ang nangyari, paulit-ulit kong tinitake ang isang subjects dahilan para maging irregular student ako ngayon.

Ito lang ata ang nakikita nilang way para baguhin ko yung sarili ko.

Aaminin ko. Before, I was a grade conscious person. Umiiyak ako kapag nakaka-line of 8 ako. I was afraid of failing kasi hindi ako sanay. I was an honor student from kinder but that just until I was in my 2nd year college.

Nalugmok ako that time eh. I was crying all night and all day. Hindi ko matanggap. Ang sakit lang kasi na nasanay ka but then biglang nagbago. So now? I'm still a third year student. Mag gagraduate na sana ako this year, pero ayun! Naging irreg.

“Sandra? Are you ready?” Lumapit si mom sa 'kin at hinawakan nang marahan ang buhok ko na parang sinusuklay.

Tumango naman ako saka ngumiti.

Actually, ayoko talagang lumipat kami. Dito nakatira sa Davao yung friends ko e. Halos dito na ako lumaki and nanghihinayang ako na iwan 'yong syudad na kinalakihan ko.

“Don't worry, magugustuhan mo doon.” Mahinang sabi ni Mommy.

Bitbit ko ang maleta ko nang dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan. Mansion ang bahay namin kaya mataas ang hagdanan. Maingat ko inalsa ito at natatakot akong baka mahulog ako dahil tiyak na si San Pedro ang sasalubong sa akin.

Busy kasi ang mga kasambahay sa pag-aasikaso ng mga gamit nila Mommy and  Daddy, kaya hindi ko nalang sila inantay tutal isa nalang naman ang kailangan kong dalhin sa malaking sasakyan.

Nang makababa ako, isang malakas na sigaw ang sumalubong sa akin. Oh, it was Anna. My friend.

“Alexandria Janna Dela Vega! Iiwan mo na ba talaga ako? Huhu.” Sigaw niya mula sa sala na kunyareng naiiyak at nagpupunas ng luha. Napailing na lamang ako sa kanya.

“Mamingaw jud ko kanimo.” Niyakap ako ni Anna.

Bisaya kami dito sa Davao at ang sabi pa niya ay mamimiss niya daw ako.

“Pag sure diha ui. I know, happy ka nga mohawa na ko diri. Wa na kay sakit sa ulo.” Pabiro ko pang sabi.

I told her na masaya naman sya na aalis na ako para wala na syang sakit sa ulo sa akin.

Anna was like a mother to me kapag kami ang magkasama. Sya yung tipong tao na sasabihin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin. She was always there for me.

“What if magsunod nalang ko nimo?” Saad niya. She asked if sumunod nalang daw kaya sya sa akin.

Mahina ko naman syang binatukan. “Gaga.” Napailing nalang kami pareho at natawa.

Sa Cotabato City daw kami lilipat. I don't know what that place looks like. But I heard, magulo raw doon? Puro barilan at kung anu-ano pa. I hope, di totoo lahat ng narinig kong iyon.

Moonlight Sonata Where stories live. Discover now