BINIBINING KAY RIKIT | TheNobodyNerdO Binibini, nais ko lamang ipabatid sa iyo, ang iyong mga ngiti ay kay busilak gaya ng iyong puso. Kahit ako'y nasa malayo, matanaw lamang ang iyong natatanging kariktan, puso ko'y 'di na mapigil sa paglukso tila ako'y sadyang tinamaan.
Gustuhin man ang lapitan ka subalit ito'y hindi ko magawa, 'pagkat nahihiya ang tulad kong walang-wala. Gusto kitang ibili ng rosas ngunit ang bulsa ko'y nanatiling butas. Patawarin sana ang dukhang katulad ko, datapuwat nais ko ring mag-alay ng kanta na galing sa puso ko.
Kung iyong mamarapatin, sa isang harana kita'y susuyuin. Isa lamang ang kayang patunayan, sa puso ko ikaw lang ang tanging nilalaman.___
YOU ARE READING
Poems and Love-Shots
PoetryTagalog and English Poems and Love Shots Collection by Reid Andros