LOVE-SHOT #1

5 1 0
                                    

NO REGRETS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NO REGRETS

LONELL'S POV:

                              "Mahal mo ako pero siya ang pinangakuan mo ng kasal. Are you out of your mind, Lonell?! Tapos ano, sasabihin mo, ako ang nilalaman ng puso mo, pero siya naman ang iniisip mo. You're so unfair! Let's end this, dahil wala namang patutunguhan 'tong relasyon natin, e."

"NO! Please, don't do this, Ella. Believe me, ayaw ko rin namang umabot sa ganito ang lahat. I-It's just that... K-Kailangan. Kaya sana, maintindihan mo. Ikaw lang 'yung kilala ko at alam kong makakaunawa sa sitwasyon ko, kaya please, Ella. Don't make it hard for both of us. Babalikan kita, pinapangako ko 'yan. Just give me time. I love you, alright? And I mean it. Hayaan mo akong ipaliwanag ko sa 'yo ang lahat pagdating ng tamang panahon. For now, just trust me on this, okay," ipinagdikit ko ang mga noo namin habang masuyong hinahaplos ang pisngi ni Ella; ang babaeng pinakamamahal ko, pero dahil marahil sa sama ng loob na nararamdaman nito ay hindi ito nagpatinag. Umiwas ito at bahagyang lumayo sa akin. Nagawa pa nitong iwaksi ang palad kong nakahawak sa kaniyang pisngi.

"Makakaalis ka na, Lonell. Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Malinaw na sa akin ang lahat. Kaya please lang, itigil mo na 'to. Let's break up—"

"You don't love me, do you? Bakit ang bilis mo lang akong i-give up? Wala lang ba sa 'yo ang mga pinagsamahan natin? Bakit hindi mo ako magawang maunawaan, ha, Ella? Bakit—"

"Stop talking nonsense! Hindi mo alam ang totoong nararamdaman ko! It's also hard for me too, pero dahil hindi mo kayang ipaliwanag ang totoo, mas mabuti pang itigil na natin 'to. Tama na, Lonell! Let's end this, please, hayaan mo na muna akong mapag-isa. Makakaalis ka na," matapos nitong sabihin iyon nang halos pasigaw na ay mabilis na rin itong tumalikod. Parang pinipiga naman ang dibdib ko dahil sa ipinapakita nito, and at the same time, halos madurog din ang puso ko dahil alam kong nasasaktan din ang babaeng mahal ko. Pero tama naman kasi siya. Hindi ko kasi nilinaw ang tunay na dahilan. Pero kapag sinabi ko kaagad, hindi ko alam kung magbabago pa ang isipan niya. Ang tuluyan siyang mawala sa akin ay parang tuluyan na ring pagkalugmok ng buong pagkatao ko. Para sa akin mula nang makilala ko siya, siya lang ang nagsilbing rason kung bakit patuloy na nagiging makulay ang bawat araw ko, ang dahilan ng pagbangon ko ng masigla araw-araw, at siya ang babaeng nag-iisang bumihag sa pihikan kong puso. Pero dahil sa isang pagkakamali, heto ako't problemadung-problemado ngayon. Napasubo ako sa isang pangako na hindi ko inaakalang magiging rason pa pala sa tuluyang pagkawala ng babaeng pinapangarap ko...

"Wait for me, Ella. I'll fix everything first. Sana, panghawakan mo ang sinasabi mong pagmamahal para sa akin. Sa muli kong pagbabalik, it's time for us to fulfill our dreams together. Mapunta man ako sa iba, asahan mong tanging katawan ko lang ang kaniyang makukuha, dahil mula noon, nakaukit na ang pangalan mo dito sa puso ko... Kailangan ko lang munang gampanan ang pangako ko sa taong 'yon. At kung bakit hinayaan kong mangyari ito sa atin, dahil alam kong mas malakas ka at kaya mong maging matatag. Sana sa pagbabalik ko, ako pa rin ang nilalaman ng puso mo. Dahil para sa akin, ang tuluyan mong pagkawala ay mag-iiwan ng hindi nag-hihilom na sugat sa aking pagkatao." Naikuyom ko ang aking mga kamao matapos ko iyon ibulong sa hangin. Nasundan ko na lamang ng tanaw ang papalayong pigura ng Babaeng nagnakaw ng pagtingin ko. Wala itong kamalay-malay na sa pag-alis niya ay kasama niya ring binaon ang puso ko. Mapait akong napangiti at napatingala sa kalangitan kapagkuwan. A single tear escaped from the corner of my eye...

Poems and Love-ShotsWhere stories live. Discover now