3

2 1 0
                                    

"GOOD morning, sunshine," he weakly greeted the rising sun.

Nasa The Sabriño's Café siya ngayon, mag-isa. May inaasikaso si Eurica kaya hindi ito nakasama.


While waiting for his order, kinuha niya ang phone at nag-browse sa internet. Nakita niya ang post ni Eurica na kasama ang manliligaw nito. Sinuri niya ang paligid at nalamang ang dalawang kaibigan lang nito ang nandoon, wala si Rainier dahil kasama ito ngayon ng kaibigan.

"Iyon pala ang inasikaso nila, sana all." Natawa siya nang mapakla sa sarili dahil kahit ano ang pilit niya na ibalewala ito ay hindi niya pa rin maiwasan na kumirot ang puso.

"If only I could be a woman, I'd be the luckiest one in the world."

Naputol ang pagsesenti niya nang mailapag na ang order niya. Nakita niyang may note ito kagaya kay Eurica sa tuwing umu-order ito. Kumunot ang noo niya sa nabasang quote at napaiiling.

You're the beautiful sight that I love the most and want to see every single day. You are my sun, which shines only in my eyes.

Ilang araw nang hindi sila nagkakausap ni Eurica simula noong may nangyari sa event na pinuntaham nila. Hindi na rin niya laging nakikita si Rainier sa The Sabriño's Café.

Lagi rin niyang nakikita ang dalawa sa IG post ni Eurica na magkasama. At sa tuwing nasasaksihan niya ang mga pangyayaring iyon, lagi rin siyang nasasaktan.

Umabot pa nga sa puntong iniiyakan niya ito tuwing gabi. Alam niyang hindi lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman niya sa lalaki. Alam na alam niya sa sarili na higit pa roon at alam niyang minamahal na niya ito kahit hindi sila puwede.


"EVEN though you are laughing with me, I can see pain in your eyes. Tell me, what's wrong?" Eurica said while they were in the same café where everything started.

Dito sa café na ito nagsimula ang lahat. Dito niya rin nakilala si Eurica noong una nilang pagkikita at dito rin sa lugar na ito nagtagpo ang landas nila ni Rainier pero lumiko lang ito at dumiretso sa kinaroroonan ng kaibigan niya. Malinaw pa sa alaala niya ang matamis na pagngiti ng lalaki sa kaniya, ang mga mata nitong parang hinihigop siya at gustong ikulong sa kulungan kung saan silang dalawa lang ang naroon.

Ngunit hanggang imahinasyon lang ang nararating ng pagtingin niya sa lalaki. Hindi na maaaring lumagpas pa roon dahil para sa kaniya, imposibleng magkagusto sa kaniya ang nagugustuhan.

He just shook his head before answering his friend. "There's nothing wrong, but there's something wrong with my feelings."

It's a mistake that I've accidentally fallen in love with your man.

Napatingin siya sa kaibigan nang hawakan nito ang kamay niya kaya nakita niya ang singsing na suot nito. Katulad ito ng singsing na nakita niya sa kamay ni Rainier.

I should let him go because he deserves to be with my friend. They are perfect together, and we are not. It should be a man and a woman.

"Whatever you are facing right now, you can count on me. I am always here for you." He could see the sincerity in his friend's eyes.

I must be thankful enough that I have you in my life. I have found a real friend in you.

Lumipas ang ilang araw, sinusubukan ni Archen ang mag-move on dahil iyon naman talaga ang nararapat na gawin, hindi man niya nasabi ang totoong nararamdaman kay Rainier-na hindi niya alam kung bakit ganoon kalala ang nararamdaman niya para dito.

Kung tutuusin maikling panahon lamang niya itong nakilala. Ayos lang na hindi niya mailabas at maipakita dahil ang importante ay masaya ang kaibigan niya at ang minamahal sa kalagayan nila ngayon.

"They must be very happy right now," he said while staring at the picture of Eurica and Rainier.

Makikita sa post ni Eurica na habang papatawid sila sa kalsada, inaalalayan ito ni Rainier. Nakahawak ito sa likod ng babae na halatang mayroon itong pagpapahalaga sa kaibigan niya.

In my lonely hours... caption sa post niya ng papalubog na araw. Nakuhanan niya ito noong mag-isa siyang pumunta sa The Sabriño's Café.

Maghahanda na sana siya sa pagligo nang umilaw ang kaniyang cell phone. Nakita niyang nag-comment si Eurica at naka-mention si Rainier. Walang ibang laman ang comment ni Eurica kung hindi ay ang name ni Rainier.

Ilang sandali ay may natanggap siyang notification. At galing iyon kay Rainier na nag-follow sa kaniya. In-stalk niya ito at tanging mga solo picture lang ang nakikita niya sa mga post nito maliban sa isang larawan na may dalawang swing at papalubog na araw na background.

I miss my younger self, where I could be with you every sunset, basa niya sa ginawang caption ni Rainier.

He must be lonely right now, and I hope he's fine, piping bulong niya sa kaniyang isip bago dumiretso sa banyo.


Rainier and ArchenWhere stories live. Discover now