2

4 0 0
                                    

  “ARE you okay?” Nilingon ni Archen ang katabi at tanging pagtango lang ang naisagot dahil kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya ngayon.

Iniwan siya ng kaibigan sa iisang table kasama ang kinahuhumalingan niyang lalaki na si Rainier—ang owner ng The Sabriño’s Café na lagi nilang tinatambayan ni Eurica.

Nakayuko lang siya dahil nahihiya sa mga kasama niya. Kasama rin nila ang mga kaibigan ni Rainier na hindi rin nalalayo ang hitsura sa lalaki. Ngunit para sa kaniya, mas lamang pa rin ito na katabi niya ngayon.

Gago ka ba, self? Ba’t ka nag-iisip nang gano’n? natatawang bulong niya sa sarili ngunit ang hindi niya alam ay narinig pala siya ng katabi niya na sobrang lapit na ng mukha. Kapag nilingon niya ito ay siguradong magtatagpo ang mga labi nila.

“What are you mumbling?” Rainier whispered in his ear to the point that it made his heart beat faster.
Isang paulit-ulit na pag-iling ang ginawa niya dahil hindi siya makapagsalita sa ginawa nito. Naaamoy pa niya ang mabangong hininga ng lalaki at idagdag pa ang isang kamay nito na nakahawak sa likod niya. Hindi na niya kinaya pang magtagal doon kaya nagpaalam siyang magbabanyo.

“I’m sorry, Eurica, but I do really like your suitor,” napa-face palm niyang sambit bago naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.

Pulang-pula na ang mukha niya at kung naroroon lang ang kaibigang si Eurica ay paniguradong malalaman nito kung bakit ganito ang nangyayari sa kaniya.

Speaking of that girl, he picked up his phone and answered Eurica’s call.

“Where the hell are you?”

“Nasa banyo, why?”

“Come back here, right now!”

Nang makabalik si Archen ay naabutan niyang nag-uusap sina Rainier at Eurica. Para silang couple na pabulong na naghaharutan para walang makarinig sa pinag-uusapan nila. Hindi siya nagpahalatang naaapektuhan sa nakikita niya bagkus ay umupo nang diretso at inisang lagok ang alak na nasa harapan niya. Nakita iyon ni Rainier at bumakas ang pag-alala nito kay Archen. Napalingon si Eurica sa tinitingnan ng lalaki bago napagtantong nasa harap na pala nila ang kaibigan na kanina pa niya hinahanap.

“Nandiyan ka na pala…”

“Kanina pa, bakit mo ’ko pinagmamadali?”

“I was worried when I didn’t see you here. Where have you been?”

“Sa banyo nga ’di ba? Kung hindi mo ako iniwan kanina, alam mo sana kung nasaan ako. E, ’di sana hindi ka nag-alala. Salamat sa pag-invite sa akin dito, aalis na ako.”

Nagulat ang kaibigan sa inasta niya. Kahit siya ay nagulat sa nagawa niya pero kailangan niyang panindigan ito dahil nagpadala siya sa kaniyang emosyon.

Diretso lang siyang naglakad palayo kahit pa tinawag siya nang paulit-ulit ni Eurica.

“Ang tanga mo naman, self. Gusto kitang batukan ngayon din,” naiinis na sambit niya sa sarili. Ngayon niya lang napagtantong nakisakay nga lang pala siya kay Eurica kanina sa event na pinuntahan nila dahil hindi niya dinala ang sariling sasakyan.

“Athlete naman ako noon kaya kakayanin kong maglakad hanggang sa bahay,” kausap niya sa sarili nang may bumusina sa likuran niya at nakitang si Eurica iyon.

Hindi niya alam ang gagawin dahil natatakot siya at baka magtanong ang kaibigan kung bakit niya ginawa iyon kanina. Kapag hindi siya sumakay ay lalo lang itong magagalit sa kaniya. Wala siyang choice kung hindi ang pumasok sa kotse.

Tahimik lang sila habang nasa biyahe at kanina pa siya lingon nang lingon sa kaibigan dahil seryoso lang itong nagmamaneho.

Hindi na kailan man ito nag-usisa tungkol sa nangyari kanina. Ngunit alam niyang naghihintay lang ito na magkuwento siya pero hindi niya kayang sabihin ang rason. Hindi niya kayang magtapat sa kaibigan na nagselos siya sa nasaksihan kanina. Ayaw niyang malaman ng kaibigan na may gusto siya sa manliligaw nito.

Rainier and ArchenWhere stories live. Discover now