DINNER

106 7 14
                                    

Chapter 83

Kinausap ni Pablo ang doctor kung pwede na syang bumangon at maglakad lakad at pinayagan naman sya agad neto.

Agad netong pinuntahan si Claire sa kwarto.

Tok..tok.. tok.. "claire! Si pablo to"

Claire: Pasok lang.

Pagkapasok ni Pablo agad itong sinalubong ni Claire ng yakap, at bumalik na ito sa pag eempake ng mga gamit.

Pablo: Hinde kana ba magpapapigil?

Claire: Kailangan kong gawin to babe, ayaw ko nang may masasaktan pa sa inyo. Baka sa susunod hinde lang yan ang aabutin mo.

Pablo: please, update mo ko parati.

Claire: Hinde ba magiging unfair sa iba pagginawa ko yun?

Pablo: Babe, mababaliw ako kapag hinde mo ginawa yun.

Claire: Ok fine, mag a-update ako whenever I can.

Pablo: Btw, birthday ni Ken ngayon, nakalimutan mo ano?

Claire: ngayon na ba yun? May lakad ako eh.

Pablo: ngayon ka talaga aalis?

Claire: Wala ng ibang araw Babe, kung hinde ako aalis ngayon, baka masisira na ang plano ko. Nakaset na ang lahat eh.

Pablo: Ok,basta mag ingat ka, at wag masyadong dumikit kay Rogue.

Claire: trust me on this ok? And wag ka ng mag isip ng kung ano2x, parte ng trabaho natin to. Kaya wala ka ng magagawa.

Pablo: nagpahanda si Dad ng lunch para sa birthday ni Ken, tara na at baka makahalata pa sila.

Claire: sige, sunod ako at ilalagay ko lang sa kotse tong mga gamit ko.

Naunang lumabas si Pablo sa kwarto at pumunta na ng garden para sa birthday ni Ken. Dinala naman ni Claire ang mga gamit neto sa kotse saka ito sumunod sa garden. Kasalukuyan ng hinihipan ni Ken ang birthday cake nito ng makita neto si Claire. Agad lumapit si Claire at bumati ito kay Ken.

Claire: any wishes?

Ken: hinde naman natutupad lahat ng winiwish ko kaya wag na lang, sapat na sa akin na nandito ka at buo tayo.

Parang may kurot sa puso ni Claire ang mga sinabi ni Ken ng mga sandaling yun.

Claire: Happy birthday.

Ken: thank you.

Claire: Kausapin ko muna ang kambal. Enjoy your day.

Pinuntahan ni Claire ang mga anak neto at dinala sa kwarto. Hinde oa nag uumpisa si Claire magsalita alam na ni Ryu.

Ryu: Are you leaving?

Claire: yes.

Princess: Kelan ka babalik?

Claire: I don't know, pero babalik ako. Syempre, pwede ba namang hinde?

Ryu: alam ba ni Papa?

Claire: Nope, kaya nga kayo na muna bahala sa Papa nyo.

Princess: Tatahimik na ba ang buhay natin sa pagbabalik mo?

Claire: thats the goal.

Princess: Ok, mag ingat ka mader. Mamimiss ka namin.

Claire: mamimiss ko din kayo.. lets go, samahan na muna natin si Papa sa birthday nya.

Pagkalabas ni Claire ng kwarto nakaabang na si Hector sa kanya.

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now