AMANDA

88 13 4
                                    

Chapter 17

Gulat si Trevor ng makita nya si Claire, napakamot naman ng ulo si Ken at masama ang tingin kay Pablo.

Pablo: Claire, ok lang sayo dito tayo or you want to go somewhere else?

Claire: Oo naman, bakit?

Pablo: Nandito sila Ken at Trevor..

Claire: and so? Ikaw naman kasama ko at hinde sila. Malalaki na mga yan.. wag mo na silang pansinin. Anyways masarap ba food dito? Gutom na ako eh.

Pablo: Oo, dito kami madalas kumain.

Napansin ni Claire ang ibang mga tao sa paligid at nakilala nya ang iba dito, hinde safe ang pakiramdam nya bilang Claire, since nasa paligid lang si Trevor kaya kampante ito.

Habang nag hihintay si Claire at Pablo ng Order nilang pagkain. Tinext ni Trevor si Claire

Trevor: Anong ginagawa mo dito?

Claire: Kakain, bakit ba?

Trevor: mag ingat ka. Delikado ka dito.

Claire: Pansin ko nga.

Trevor: diba dapat nasa condo lanh kayo?

Claire: nabored ako eh. Kaya niyaya ko si Pablo mag arcade.

Hinde naman nakatiis si Ken at umupo ito sa tabi ni Claire.

Ken: Busy texting?

Nagulat si Claire na nasa tabi na neto si Ken.

Claire: ginagawa mo dito?

Ken: Wala lang, boring yung kasama ko eh.

Claire: Boring ka din kasing kasama.dalhin mo kaya maglaro sa arcade para sumaya naman kayo.

Ken: pang bata lang yun. At isip bata.

Mamayamaya ay lumapit na rin ang babaeng kasama ni Ken at nagyayang umalis.

"Can we go somewhere else? Ang boring dito" sambit neto

"Not yet, hinde pa ako tapos kumain" sagot naman ni Ken

"Paano ka matatapos kumain kung nakaupo ka sa tabi ng ibang babae" inis na sagot ng babae.

Napatawa naman si Claire

Claire: ano pang hinihintay mo, sinusundo kana oh. Tapusin mo na yung pagkain mo at mag arcade na kayo.

Bumalik si Ken sa table neto kasama ang babae na kadate nito.

Nag umpisa ng kumain sila Claire at pablo. Halatang gutom na gutom silang dalawa.

Natatawa naman si Trevor pag nakikita netong kumakain si Claire pag gutom.

Natutuwa din si Pablo habang pinapanood netong kumain si Claire.

Pablo: wala ka talagang kaarte arte no?

Claire: kailangan bang maarte pag kumain?

Pablo: hinde naman, yung mga ibang babae kasi na niyaya kong kumain, napakahinhin nila. Ikaw wala kang pakialam, basta kain ka lang ng kain.

Claire: gutom ako eh, aarte pa ba ako?

Pablo: sige, kain ka lang dyan, if kulang pa, order lang tayo.

Claire: luh, ok na to..

Nang matapos si Claire at Pablo kumain, ay lumapit na si Trevor at ang kasama netong babae, ipinakilala ni Trevor kay Claire yung kasama nya.

Trevor: Claire, si Amanda, amanda this is claire my bestfriend.

Tumayo si Claire at kinamayan ang babaeng kasama ni Trevor.

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now