"Sinabi ko bang type mo ako? My point is, di ka ba marunong mamili ng bulaklak para sa babae?" tanong ko rito.

"Hindi kase ako nanliligaw, dalawa pa lang din naging girlfriend ko at date-date lang yon, hindi ko binibigyan ng kung ano ano, kakain at gagala lang, ganon." napapahiyang saad nito.

"Alam mo, ang cute mo." ngumiti ako ng malapad dito.

"Mommy! He's not cute! Nor handsome! So shut up!" maarteng sabi ni Izan sa gilid ko.

"Teka, paano mo nalamang nandito ako?" nakakapagtaka namang umabot siya rito, ni hindi nga niya alam full name ko.

"I saw one of your Facebook post, you're with Izan, the son of the youngest billionaire in the Philippines, who wouldn't know them, anyway? So I came here!"

Oo nga naman? Bakit hindi ko naisip yon?

"Teka, di pa nga ako nakakapag online mula kagabi, pano mo nakita post ko?"

"Malamang naka public, hello?" para talagang baliw to.

"Pero di mo talaga kilala pintor ng Mona Lisa." inasar ko pa ito.

"Bakit? Ikaw rin naman ah?"

"Che!"

"Ehemm! Hindi dating house ang bahay ko, at mas lalong walang patay rito."

"Spell PATAY, mommy, T-R-I-A-N-A" naku! Pati si Izan ay inaasar na ako! Huli na nang mapansin kong nasa gate pala kami, patay nga ako.

"Ah, sir, may patay, hehe. Ako po, papatayin mo ako ng sermon, at saka si Quin, patay na patay sa akin." agad akong napatakip ng bibig ko nang masabi ko yung nasa isip ko lang dapat.

Anoooobaaaaa Laia!

"Ako? Patay na patay sayo? Neknek mo!" binelatan pa ako nito, aba!

"Sir, pasensya na po, binibisita ko lang po yung friend ko, tapos ang sabi nila, kung bibisita ako, dapat may dalang bulaklak, kaya nagdala po ako." nakangiti ngunit nahihiyang sabi nito.

"I didn't asked." supladong sabi ni Aiden.

"I just thought you need an explanation, I don't want her to get hurt by your words, so. . . ." talaga lang ha? Lakas mo nga mang asar kumag ka.

"You can enter inside, but don't get too close to Ria and Izan." arte naman nito.

"No, I also have to go, ang totoo niyan, dumaan lang ako, nakapag-usap naman na kami." Ani nito

"Ria, I have to go." tumango lang ako at ngumiti.

"Ya! Ako lang ang may karapatang tawagin siyang Ria!"

Ano nanamang drama nitong kumag na to? At saka, ang haba ng Tagalog niya ha?

"Eh bakit? Yon naman ang pangalan niya ah?" takang tanong ni Quin.

"Her full name is Triana Laia Garcia, pili ka nalang kung anong itatawag mo, ako lang ang pwedeng tumawag non sa kanya!" nakasimangot na si Aiden.

"Ano ka ba? Hayaan mo nga ako! At saka, yon naman ang pangalan niya sa Facebook eh! Ria Garcia!" inis na sabi ni Quin.

"A-ano? That's her Facebook name?" gulat na tanong ni Aiden.

"Oo! Kaya wag ka ngang epal?" naiinis na talaga siya.

Sino bang hindi maiinis eh ang nonsense ng pinagsasasabi ng boss ko na ito?

"O sige na, umalis ka na, umiinit ulo mo, pulang pula na ang tenga mo, baka humaba yan, maging duwende ka," pang-aasar ko.

"Abnormal din yang boss mo 'no?"

"Oo, kaya mag adjust ka nalang, ganyan din nararamdaman ko kapag kausap kita." ngumisi ako nang malapad

"So you're saying na abnormal din ako? Ha! Abnormal talaga kagwapuhan ko!" mayabang na aniya kaya tinulak ko siya palabas ng gate at sinara ito, rinig ko ang mga kalampag niya sa labas pero di ko na pinansin.

"So you named your Facebook account after my nickname for you?" nakangiting sabi ng boss ko

"Sira! Username ko na yon simula pa lang, wag kang assuming!" inirapan pa ako nito.

"You know, it's okay for you to date someone, just don't forget your son." biglang seryosong sabi nito.

"Haler? Hindi ko siya anak, siya lang yung self-proclaimed son ko."

Tumawa pa ako pero nung tiningnan ko siya, seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" naku naman Laia, lumang tugtugin na yan

"Wala, natutuwa lang ako kase my son's happy even without his mother on his side." ngumiti pa ito

"Alam ko, napapansin ko, napapadalas ang pagtatagalog mo ah, improvement yan." sinuntok-suntok ko pa ang braso niya, in fairness, ang tigas.

"Stop it, you might break a bone." he then chuckled and I saw his Adam's apple moving up and down, tangina ang gwapo.

"Going back with dating, you can date, really. I'm not forbidding you, you're free." he then turned into a serious tone.

"Wala sa isip ko yan."

"Why? Do you still love your ex?"

"Ha? Wala akong ex, di nga ako nagkaroon ng jowa eh." NBSB talaga ako, mabait na bata kase ako eh, di nagjo-jowa.

"'di naman halata."

"Anong di halata? Inosente ko kaya!"

"Innocent? Are you kidding me?"

"Hindi, inosente talaga ako, promise!"

"Sus, by the way, type mo ba yung singkit na unggoy na yon?"

"May pangalan siya, Quin. At gwapo naman siya, pasado na sa standard ko."

"Ah, singkit na unggoy pa rin siya."

"Sabagay, descendants tayo ng mga unggoy."

"Yung singkit lang na yon ang descendant ng mga unggoy, hindi tayo."

"Wala namang tayo."

"Ano? Ikaw at ako? Wrong grammar yun, tanga."

"Maka-tanga ha, porket CEO, tapos ako yaya lang, wow!"

"Ya! There's no discrimination here, it's just you who said it."

"Manahimik ka! Gwapong unggoy" pabulong na sabi ko.

"Narinig ko yon"

"Di ko tinatanong."

"Che!"

"Mom, dad, may tao ho rito."

Tiningnan ko si Izan na nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Aiden, ganon din ang mga maids at si manong guard, nakatulala sila sa amin.

"Okay, we're making a scene here." iiling iling na sabi ni Aiden ngunit nakangisi.

Pumasok siya sa loob at sumunod naman kami ni Izan, kinarga ko siya at yung tingin niya sa akin, nang-aasar.

Akalain mong pati ganito kabata ay marunong nang mang-asar? Mahirap talagang paniwalaang six years old pa lang siya.

To be continued...

His Son's BabysitterWhere stories live. Discover now