Chapter 27

2 0 0
                                    

Maaga palang dumiretso na ko sa condo ni Triston kasi nandun yung uniform ko, pagdating ko dun, wala siya, for sure naman kasi na dun siya sa bahay nila matutulog. Nakaligo ako at nakapag bihis na, may pasok kami ngayon, at kailangan kong humabol sa mga activities ko na hindi ko na nagawa.
















"Te, trending na naman ang Fordwin online" sabi ni Shey sa akin.















"Of course. Shey, nanalo sila kahapon" sabi ko.















"Besides that, the magical rumour about you and Triston disappears!" Sabi ni Jero.
















"Sinabi kasi nila na nakita daw nila si Triston na hinatid si Lory pauwi" sabi ni Jay.
















Paano ko naman malalaman yang mga yan, naiwan ko sa bahay nila Triston yung phone ko, kahit yung mama at kapatid ko, nandun e















Maaga ang out namin ngayon, kaya after class, umuwi ako sa bahay nila Triston kasi alam kong may practice pa sila ng basketball. Hinanap ko yung phone ko pero hindi ko makita, alam kong iniwan ko yun sa mesa sa gilid ng kama ni Triston kasi nag charge pa ko bago bumaba kagabi e.















Bumaba ako at tinanong kay Mama.
















"Ma, nakita mo yung phone ko?" Tanong ko sa kaniya.















"Phone mo ba to?" Tanong niya sabay taas ng phone ko
















"Opo ma, san mo nakita?" Tanong ko
















"Tinapon ni Triston yan sa basurahan kanina. Eh baka hanapin niya ulit, tinabi ko muna" sabi ni mama. Napatango naman ako. Napaka weird mo talaga, Triston, naiinis na ko sa buong pagkatao mo.















Pagbukas ko ng phone ko, puro mukha nila ni Lory yung nasa gallery ko. Pati dibdib ni Lory meron dito. Nakakainis, ipost ko kaya to?















May video dun, pagka play ko.
















(Ayoko nga sabi e. Umuwi ka na Lory, ihahatid nalang kita)
(Triston, bat ka bigla biglang nagbago ha?)
(HINDI NGA AKO NAGBAGO, POTEEEK. HINDI MO BA GETS NA SI KHLAY LANG YUNG MINAHAL KO SA BUHAY KO? At ikaw, hindi ba malinaw sayo na playtime lang tong meron tayo?)
(Playtime o hindi, you have res....)















Biglang naputol yung video. Madilim lang yung video kaya puro boses lang nila maririnig mo.















"Mom, I'm home" bigla kong narinig yung boses ni Triston.















"Ma, kahit anong mangyari, huwag na huwag mong sasabihing nandito ako ah. Pleaseee" sabi ko kay mama sabay pasok sa kwarto ni mama sa tabi ng kusina.















"Hi Tita, umuwi po ba si Khlay?" Tanong agad ni Triston sa mama ko.
















"Nako iho, hindi pa nga e. Kagabi pa nga ako nag aalala dun e" sabi ni Mama.















"Ah sige po, dadaan muna po ako sa condo naka nandun po siya" sabi ni Triston.
















"Sige iho, salamat ah" sabi ni Mama.















"Si Mom po pala?" Tanong ni Triston.















"Pupunta daw siya ng kompanya ngayon. Tawagan mo na lang daw siya pag may kailangan ka" sabi ni Mama















"Okay po." Sabi niya. Narinig ko ng umakyat ng hagdan at sumara na yung pinto ni Triston sa taas kaya lumabas agad ako, nagpaalam na ko kay Mama, pero bago ako tuluyang makalabas ng bahay nila ay lumabas ng pinto niya si Triston.















"HEY!"

Long Discovery of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon