Si Kano!

10.4K 60 0
                                    

Alam mo?

Maraming lumapit sa akin...

Nagkagusto at naakit

Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh

Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago?

Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin

Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba

Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon...

-

-

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

-

-

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan...

-

-

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. 

Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. 

May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. 

Parang 'pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. 

Gusto ko mang umayaw!

Hindi ko makuhang humindi

Hindi ko din alam kung bakit

Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo - 

May chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! 

Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit

Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin

Sosyal na sosyal kami!

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya

Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay!

Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag

Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw.

Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo.

Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin... Sa amin!

-

-

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo!

Pero ang hirap magsimula

Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa

Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya

Kaya eto! Nabaon kami sa utang

Lubog na lubog kami sa pagkakautang

Kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko

Siya ang tinatakbuhan ko

'Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila!

Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot

At umaamo kapag nangangailangan.

Hello Dear Readers!

Pwede niyo rin pong basahin ang mga ORIGINAL compositions ko ng mga POEMS, SONGS at STORY! Isearch niyo lamang po ako, @siWoduhh, at makikita niyo lahat ng gawa ko. Hope you like them! :)

-siWoduhh

Minsan May Isang Puta (Not My Original)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon