Just One Day

2 1 0
                                    


Kinabukasan Pinontahan ni Jin at anna ang mama nito sa ospital nag disguise si Jin para hindi ito makilala nang mga tao at nurse sa ospital nang maka pasok sila sa room nang mama ni Anna agad na tinanggal ni Jin ang cap at sunglasses nito samantalang si anna masaya ito nang muling makita ang ina kaya agad niya itong nilapitan at niyakap ngunit bigla siyang tinulak nang mama niya dahil siya nito nakilala agad namang inalalayan ni jin si anna dahil muntik na itong matumba sa lakas nang tulak nito sakaniya.

Mama: sino ka bakit mo ako niyayakap?

Anna: mama si anna to ako yong anak mo!

Mama: hindi ikaw si Anna wala dito ang anak ko iniwan niya na ako nag pakasal na ang anak ko nandon na siya sa asawa niya!

Malungkot na nagka tinginan si Jin at anna dahil sa sinabi nang mama nito sakaniya. sinubokang muli ni Anna na lapitan ang mama niya at dahan dahan itong hinawakan sa kamay.

Anna: mama si annastasia to ako po yong anak mo!
( malumanay nitong sambit)

Tila nataohan ang mama ni anna at tinitigan siyang mabuti at bigla itong napa ngiti nang ma recognize niya ang anak.

Mama: anna ikaw nga bakit ngayon mo lang pinontahan si mama miss na miss na kita anak nagagalit ba sayo ang asawa mo kapag pinopontahan mo ako?

Dahil sa sinabi nang mama ni Anna hindi napigilang mapa buntong hininga ni anna dahil ang buong akala parin nang mama nito ikinasal na siya ngunit Bago pa sagutin ni anna ang ina biglang nag salita si Jin na nasa likod niya.

Jin: maam ako po yong boyfriend ni anna natatandaan niyo po ba ako? nagkita na po tayo sa bahay noon!

Saglit na tinitigan nang mama ni anna si jin hanggang sa manlaki ang mga mata nito nang maalala niya ito agad na gumuhit ang galit sa mukha nang mama ni anna at nag sisigaw ito.

Mama: ikaw ang may kasalanan bakit nasaktan ang anak ko! bakit ka nandito umalis ka umalis ka!

Dahil sa pag wawala nang mama niya agad na niyakap ito ni anna para pakalmahin samantalang nalungkot naman si Jin dahil galit parin sakniya ang mama ni anna.

anna: mama please huminahon ka nakikiusap po ako patawarin niyo na po si jin!

Mama: pero sinaktan ka niya dimo ba na alala iyak ka nang iyak nang tanggihan ka niya pakasalan? sobrang awang awa ang dady mo sayo at sinisisi niya ang sarili niya kong bakit ka nasaktan dahil sa pinilit ka niyang pakasalan ang lalaking yan!

Hindi napigilang malungkot ni anna habang yakap yakap ang ina dahil na alala niya na naman ang dady niya ngunit nag aalala din siya kay jin batid niyang nasasaktan din ito dahil sa patuloy itong sinisisi nang mama niya.

Habang kinakalma ni Anna ang ina lumabas muna si Jin sa kwarto at hinintay na lamang si anna sa labas dahil nalulungkot siya at nag gi guilty kahit na napag usapan na nila ang nangyari noon.

nang maka tulog ang mama ni Anna agad itong lumabas nang kwarto para pontahan si jin at hindi niya napigilang mapa buntong hininga at maawa nang makita niyang naka yuko si jin habang naka upo ito at tila malalim ang iniisip.

Napa lingon si Jin kay anna nang mapansin nitong umopo ito sa tabi niya at hinawakan siya nito sa Balikat.

Jin: kamusta ang mama mo kumalma naba siya?

tipid na napa ngiti si anna at na tango ito.

Ann: oo okay na siya.. jin sorry ah hindi pa siguro ito yong tamang oras para maka usap mo si mama hintayin nalang natin na gumaling siya hmp?

Boy in Love Where stories live. Discover now