"Copy, pa."

Actually, hindi naman talaga ako sporty na bata. Isa lang akong batang payatot noon na tatlong ubo na lang, tepok na.

Aksidente ko lang na na-discover ang volleyball nang minsang malipat ko iyong channel sa TV. Elementary pa lang ako no'n pero tanda ko pa na isa sa mga school na naglalaro ay iyong Creston. Tapos inaabangan ko na iyon araw-araw kung may laro ba sila. Hanggang sa gusto na ring maglaro. Parang ang saya kasi humampas ng bola. Sakto namang may volleyball program sa school namin kaya sinubukan ko mag-tryout. Hindi pa nga alam iyon ni mama.

Tapos wala pa akong kahit anong basic skills no'n. As in. Ginagaya ko lang iyong mga napanood ko. At dahil nga maliit ako, ginawa akong libero kahit hindi ko pa alam ang ibig sabihin no'n.

No'ng ma-realize ko na iyong role ng libero, muntik na akong umayaw. Mas gusto ko kasing maging spiker. Pero no'ng na-enjoy ko iyong pagdepensa, pinanindigan ko na. Mas nakaka-satisfy pala kapag nakukuha mo iyong palo ng kalaban.

Then the rest was history.

Napamahal na ako sa volleyball.

And I am very grateful na meron akong supportive parents. Sinasamahan ako nina mama't papa palagi noon tuwing may laban kami sa ibang lugar. Hanggang sa nabigyan ako ng chance na isa sa mag-represent ng CAR sa Palarong Pambansa.

Nagkataon naman na may mga nag-i-scout pala no'n sa mga players at na-recruit ako ng Creston University.

At ito na nga, living the dream na ang Kaizen.

Parang dati lang, isa lang ako sa audience. Tapos ngayon, isa na ako sa mga napapanood sa TV kasi televised iyong liga namin.

Grabe. Ang layo na rin pala ng narating ko? Nakaka-amaze lang.

Next stop? National Team! I-manifest natin iyan!

"Pasalubong, a?" Sabi ni Jerome no'ng nagkatawagan kami pagbalik ko ng kwarto. Umikot-ikot ako sa kama at mukhang natatalo na naman ako ng antok. "Strawberry jam please. Saka pala strawberry taho."

"Paano ko naman dadalhin iyong strawberry taho sa dorm?"

"Lagay mo sa tumbler," tumawa siya. Siraulo talaga 'to. "Nga pala, manonood kaming game ngayon. Hinihintay ko na nga lang sina Kiko. Mga naliligo pa, e."

"Game?" Tanong ko.

"Game 1 ngayon ng finals, 'di ba? Westmore versus Easton! Nakalibre kami ng tickets."

"Ngayon na pala iyon?" Napabangon ako saka pumuntang sala para buksan iyong TV. Saktong paglipat ko ng channel, bumungad agad iyong commercial ni number eleven na umiinom siya no'ng sports drink. Hindi pa yata nagsisimula iyong pre-game.

Nagpaalam na si Jerome at pumunta ako sa IG habang naghihintay na magsimula iyong game. Post agad ni number eleven iyong nakita ko. Picture iyon ng score board sa arena tapos may caption na game day. Wala pa yatang 5 minutes na p-in-ost niya iyon pero thousands agad iyong nag-heart. Famous talaga.

Kaya naki-heart din ako.

And speaking of famous! Nag-DM si number eleven.

roenalejo11: Hey.

Napangisi ako. Akalain mo iyon. Ka-chat ko iyong isa sa mga famous ng men's collegiate volleyball ng Pilipinas.

Nakokonsensya pa rin ba siya do'n sa facial hit niya sa 'kin?

kaireyes: Uy. Good luck sa game!

roenalejo11: Thank you 🙂

Nice. Marunong pala gumamit ng emoji. Pero ako lang ba ang may ayaw sa emoji na ginamit niya? Ang creepy kasi no'ng smile. Hindi mo alam kung galit ba o nagtitimpi o nag-smile lang para lang masabi na nag-smile.

kaireyes: Makakanood pala ako ng game.

roenalejo11: You're gonna watch live?

kaireyes: Hindi. Dito lang sa TV namin.

roenalejo11: Oh.

kaireyes: Dito kasi ako sa Baguio ngayon. Pero iyong mga teammates ko, manonood sila dyan sa arena.

roenalejo11: I see.

kaireyes: Galingan n'yo. Sa inyo ako pumusta, e.

Na-read niya iyong message ko pero hindi na siya nag-reply. Baka tinawag na rin siya ng coach nila. Tinapon ko na kung saan iyong cellphone ko saka nanood na.

Iyon nga lang, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako!

Patay na iyong TV namin at madilim na sa labas. Hindi ko napanood iyong game! Nanalo kaya sila number eleven?

Nag-message ako kay Jerome.

'Nakatulog ako. Hindi ko na napanood iyong game. Sino nanalo?'

'Easton. 3-2.'

Iyon lang. Talo pala sila number eleven.

Jersey Number ElevenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora