Prank Gone Wrong

102 5 0
                                    

When the prank gone wrong...

Gulat na gulat sina Justin at Josh na abala sa panonood ng kanilang Music Video na Gento nang makitang nagkukumahog na tumatakbo si Paulo palayo sa kuwarto nila ni Ken. Sumisigaw pa nga ito.

Dahil din sa sigaw ni Paulo, nagmamadali ring dumungaw si Stell mula sa kusina. "Ha? Pau? Pau?"

"Uy, Pau!" tawag ni Josh sa nakababatang papunta na ngayon sa front door.

Hindi ito sumagot, bagkos ay sumisigaw pa rin ito na puno ng hilakbot. Akala tuloy ni Justin ay may nakita na itong kung anong maligno.

"Pau, anong nangyari?" usisa ng nababahalang si Justin.

"Pau! Pau!" Hindi nila namalayang nagmamadali ring sumunod si Ken sa takot na takot na si Paulo.

"LUMAYO KA SA'KIN!" Mas lalo tuloy na naguguluhan ang tatlo.

"Joke lang naman iyon eh," napapakamot na paliwanag nito.

Nanliit naman ang mata ni Stell sa narinig. "Ken Suson? Ano na naman ito?"

"Mukhang mali na pinagbigyan ka namin na si Pau ang ka-roommate mo eh!" saad ni Justin na nakatingin sa kaniya ng masama.

"Oo nga! Ako naman dapat kasi iyong ka-roommate ni Pau!" Lumabas na tuloy ang anger issues ni Stell.

"Sorry na kasi..." Wala siyang magawa kaya panay lang siya hingi ng tawad.

"Pau, okay lang iyan," kunwari ay bulong ni Justin na dinig naman ng lahat. "Ano ba kasing ginawa ng kologong iyan, ha?"

Mas lalong nanghahaba ang nguso ni Ken nang makitang yakap-yakap na ngayon ni Justin si Paulo. "Pau, sorry na. Joke lang iyon. Promise, hindi na mauulit."

"Anong ginawa mo?" taas-kilay na tanong ng nakatatandang si Josh.

Napalunok tuloy si Ken. "A-Ano kasi—"

"Naku, Ken, umayos ka!" Halatang naiirita na rin si Stell matapos ay nagbigay ito ng tubig kay Paulo.

"Naglagay kasi ako ng ano..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin dulot ng matinding guilt dahil kitang-kita niya rin kasi na totoo na ang takot ni Paulo kanina. Napaiyak pa nga ito habang inaalo nina Stell at Justin.

"Ng ano?" naiiritang usisa ni Josh.

"N-Nilagyan ng hayop na iyan ang higaan ko ng ahas—"

"Laruan lang iyon, Pau. Hindi iyon totoo—"

"Kahit na! Nakakakilabot pa rin. Bwisit ka! Kapag ako namatay sa takot, hindi kita patutulugin sa gabi!" singhal nito habang nagpapahid ng luha.

"What the fvck, Ken?" Tila dismayado na si Josh at kulang na lang ay ambaan siya nito ng suntok nang makitang umiiyak pa rin si Paulo.

"Sorry..."

"You've gone too far, man!" bulyaw nito, "Ano bang nasa isipan mo, ha?"

Hindi na siya makatingin sa mga kaibigan kaya nilaro-laro na lamang niya ang kaniyang mga daliri. "G-Gusto ko lang naman siyang katabi sa kama. Akala ko kasi kapag matatakot siya, sa akin na siya tatabi."

Napahinto tuloy si Paulo sa pag-iyak at kumalas kay Justin. "Gano'n? Eh 'di sana sinabi mo. May nalalaman ka pang ahas-ahas? Anong gusto mong maramdaman ko, ha?"

"P-Pau... diyan ka lang. Huwag kang lalapit!" banta niya nang makitang papalapit na sa kaniya si Chona.

Napatalikod tuloy si Justin habang napatakip sa bibig. Ang kaninang inis na nararamdaman niya sa kaibigang si Ken ay biglang napalitan ng isang nakakatawang bagay at nakikinita na niya ang susunod na mangyayari kahit na hindi naman siya isang manghuhula.

Nah, Just SeKenWhere stories live. Discover now