Chapter 8: Knowing you

Start from the beginning
                                    

"Go away trash." Nahihirapang sabi ni Manyak.

Napatingin si Gov sa anak niya tapos balik tingin saakin.

Wala na siyang sinabi pero napabuntong hininga siya bago umalis.

Kaalis na kaalis niya agad kong nilapitan si Manyak. Naawa ako sa itsura niya, namamalipit pa siya sa sakit.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong ko.

"G-Get off me!" Tignan mo to. Mag mamatigas pa eh.

"Halika na, tulungan na kita." Wala naman siyang lakas para itulak ako kaya inalalayan ko na siyang tumayo.

Wala na din naman akong choice kundi dalhin siya sa convenient store dito. Sarado na kase yung clinic kaya hindi ko na siya madadala dun.

Tinulungan naman ako nung guard pero nung nasa convenient store na kami umalis na din siya, paano kaya kanina pa kami tinataboy nitong si Manyak eh hindi nga siya makatayo eh.

Nahihirapan na ngang mag lakad nag iinarte pa.

"Can you just leave me alone?! I hate you!" Kanina pa ako naririndi sa bunganga ng isang to.

"Masisira eardrums ko sayo eh." Sabi ko sakaniya. "Diyan ka lang, bibili lang ako ng panlinis d'yan sa sugat mo." Sabi ko sakaniya.

Hindi naman siya makaalis kase nga nahihirapan din naman siya. Kung hindi pa tinulungan baka maabutan ko pa siya dun bukas eh.

After kong bumili, agad ko din naman siyang binalikan baka kase gumapang na yon makatakas lang. Matigas pamandin ulo niya, parang si Yelo.

Napatigil ako sa paglapit sakaniya nung makita kong nakayuko siya at napansin ko yung bahagyang pag galaw ng balikat niya, senyales na umiiyak siya. Hindi ko din alam bakit ganon siyang tratuhin ng tatay niya, bakit ba siya binubugbog? Hindi naman ata tama yun.

Lumapit na ako sakaniya. Umupo ako sa harap niya at tumingala para magtama yung mga mata namin. Pero umiwas siya ng tingin.

"Bakit ba nandito ka pa?" Tanong niya habang pinupunasan luha niya.

Tumayo ako para pinigilan ko siya at kinuha yung panyo ko para punasan yung luha niya. Nag hahalo kase yung luha niya at yung dugo sa mukha niya.

"Ang dungis mo pala." Tinabig niya kamay ko dahil sa sinabi ko.

Natawa ako ng mahina kaya napatingin siya sa'ken. "What's funny?!" Kanina lang umiiyak siya, tapos ngayon nag tataray na.

"Ang sungit mo. Ikaw na nga'ng tinutulungan." Sabi ko at hinawakan siya sa may baba para inangat yung mukha niya para makita ko.

"I didn't—"

"Nag kusa ako okay? Pwede ba manahimik ka na d'yan."

Sinimulan ko ng linisin yung sugat niya. "Why are you doing this?" Tanong niya.

Tinignan ko siya sa mata at napangiti ako ng slight. "Kase gusto ko lang." Sabi ko.

"That's it?" Tanong niya na kinatango ko. "After what we've done to you?" Napatigil ako sa pag pahid ng gamot sa sugat niya.

Tinignan ko siya at napabuntong hininga.

"Kahit naman naiinis ako sainyo hindi ko naman kayang makita na may taong sinasaktan. Lalo pa't babae ka, hindi kaya tama yon." Sabi ko at pinagpatuloy at pag gamot sakaniya.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now