Para magawa natin ang goal na ito… kinakailangan natin tularan ang Pamumuhay ng Pangninoon Hesus.

I.                  Tularan ang pagmamahal ni Hesus (v.2) (Imitate Jesus' love)

“mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo.”

Mahal ng Panginoon ang mananampalataya at hindi mananampalataya. (Naniniwala ba kayo?) Kapag ikaw na mananampalataya ay walang pagmamahal sa mga hindi mananampalataya! Ibang Jesus ang nakilala mo! Ibang Hesus ang tinutularan mo!

Baka si “Tangol sa batang quiapo ang tinutularan mo” ano full name ni tangol? Jesus nazaren dimagiba.

Dahil sa pagmamahal ng Panginoon ibinigay niya ang kanyang sarili sa atin. Kahit walang maging kapalit sa bagay na gagawin nya. Kahit maraming mga tao ang babaliwalain ang ganawa nya. Inalay nya parin ang kanyang buhay.

Result yun ng kanyang pagmamahal…

Tayo, kapag nasaktan, gaganti, kapag inapi, mang aapi.

Ganun ang takbo ng buhay natin dati, pero ngayon wala na tayo sa kadiliman, tayo ay nasa kaliwanagan na!

·        Verse 8 “Dati kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo’y nasa Pangnoon.

Patunay lamang na hindi na dapat magiging ganun ang takbo ng buhay natin dahil tayo ay nasa Panginoon na!

Kaya dapat ang layunin natin ay turuan ang puso na magkaroon ng pagmamahal na tulad sa Panginoon.

Kaya sinabi sa verse 10, “SIKAPIN NINYO…” ang ganung uri ng pagmamahal ay dapat sinisikap na matututunan.

Minsan sa prayer natin, Bigdyan tayo ng pusong mapagmahal pero hindi ibinibigay ng Diyos ang ganun puso. Kundi itinuturo niya at tayo pinagsusumikapan natin matotoonan ang lahat ng kanyang itinuturo. (Amen)

Kaya dito sa mga talata napaka linaw tinuturuan tayo ng Dios maging kalugod lugod sa kanya.

First. Pagmamahal na tulad sa Panginoon.

II.                Tularan ang katuwiran ni Hesus. (V.3)
(Imitate Jesus' righteousness)

“Kayo’y mga hinirang ng Dios, kaya’t hindi dapat mabangit man lamang na kayo’y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot.”

(Pag-iimbot, eng. Greedy)

 Tulad ng sinasabi ni paul, sa mga huling araw ang mga tao ay lalong magpapakasama..

Sa panahon ngayon mabilis lang sa tao ang maging masama. Dahil sa social media or internet service.

Noong ako’y bata, Jakpot sa amin kapag nakakita kami ng mga malalaswang larawan. Yes. Parang treasure yun, ang hirap hanapin, ang hirap nakawin. Nakalagay yun sa kabinet with lock.

Kaya sa edad na 10 – 15, Jolen pa hawak nyan. Hindi pa laganap ang kalaswaan noon. Pero dahil sa internet service and social media. Bata palang pangarap ng maging artista ng viva max.

Napaka dali nalang matutunan ng isang bata ang kalaswaan at lumaki sa lahat ng uri ng kalaswaan.

Mayroon issue sa theology about this topic.

Q. Naakit ba si Hesus? What do you think?

Si Hesus ay pure na tao (absolute) then tayo mga tao naakit pero si Kristo bilang tao naakit ba?

Answer—pwedi siyang akitin pero hindi siya maakit.

Do you remember? Paano inakit ni Satan si Hesus sa desert? Bakit hindi na aakit si Hesus bagamat pwedi siya maakit? Dahil walang puwang sa puso niya ang maakit sa anumang bagay o kalaswaan.

GO PREACH: TAGALOG SERMONSWhere stories live. Discover now